Chapter 4: Forced Date?

17 2 0
                                    

Chapter 4: Forced Date?

*Alzei's POV*

Iminulat ko ang mga mata ko at agad naman nahanap si Shawn na nakatulog sa couch. Ngumiti naman ako ng palihim, ang gwapo at inosente niyang tingnan. Mataas na pilik mata, matangos na ilong, gwapong mukha.

Parang gusto kong hawakan ang mukha niya at hawiin ang buhok niya, kaso, masakit ang kanang paa ko, pero hindi na ganon ka sakit tulad kanina.

Tinignan ko pa rin si Shawn, "Tapos ka na bang tanawin ako? Baka matunaw pa ako niyan." nabigla naman ako ng bigla nalang nag-salita si Shawn, "H-hoy! Ang feeler mo! Hindi ikaw tinitignan ko, 'yang picture sa likuran mo ang tinititigan ko. Feeler." umiwas nalang ako ng tingin at tumingin nalang sa ceiling.

"Pshh... Aminin na kasi." -Shawn, tsk. Feeler talaga, hayss. Ang sarap bugbugin at sapakin, "Sapak you want?" sabi ko naman. Tumawa lang si mokong  at ginulo buhok niya.

Nabigla naman ako nang biglang sumeryoso ang mukha niya, "Alzei, diba Sabado bukas? Yayayain kasi kita sa isang date. Kung hindi ka papayag ipapa-kidnap kita." bigla namang nanlaki mga mata ko sa sinabi niya.

Nagbibiro ba siya? Ipapa-kidnap talaga? Fudge. Ano ba siya? I hate him! Ano 'to? Forced Date? Malamang bina-black mail ka nga Alzei eh. Hayss.

"Grabe ka naman Shawn, bakit kidnap pa? Ayaw ko namang ma-kidnap so, hay, sige na nga. Pero, may utang ka sakin, ako ang mamimili ng mga pupuntuhan natin bukas at ililibre mo ko. Ano, game?" sabi ko.

Tumango naman si Shawn ng pilit, humalakhak ako sa isipan ko, dahil nanalo ako! Wooh!

"Okay na ba 'yang paa mo, Alzei? Dahil kung hindi, ako nalang maghahatid ng pagkain mo dito at e-excuse nalang kita sa mga teachers natin." alok ni Shawn, hala, kung o-oo ako, edi malaki utang ko niyan, baka ano pa 'yang nasa isipan ng manyak na 'yan. Kaya... Hindi nalang, hindi na naman masyadong masakit kaya okay na.

Sagot ko, "Ah, wag na Shawn. Dahil malaki na utang ko sayo, at baka ano pa 'yang nasa isipan mo na ipapagawa mo sakin bilang bayad sayo." ('Yang mga italicized words na nandiyan ay pabulong 'yan na sinabi.)

"Huh? Anong sinabi mo?" tanong ni Shawn, sabi ko naman, "Huh? Eh, wala naman akong sinabi." napakamot ulo nalang si Shawn. Waaa! Ano ba 'to?! Ayokong mag-date kasama siya! Kyaa!

Pero kung hindi ako o-oo, ki-kidnapin niya ako. No fair, ang bad talaga niya! Malamang, bad boy nga eh. Pshh... "Uhh... Alzei, kukuhanan na kita ng pagkain at e-excuse nalang kita sa mga teachers. Baka maano ka pa." alok na naman ni Shawn, ang kulit naman ng lalakeng 'to. "Wag na sabi eh, okay na paa ko. Di na masyadong masakit, trust me."

Nanliit naman mata ni Shawn sa sinabi ko, umalis na ako sa higaan at lumapit sa kinauupuan ni Shawn, wala na akong maramdamang sakit.

Kinuha ko ang bag ko at sinabihan si Shawn, "Shawn, salamat talaga sa lahat." ngumisi naman si Shawn, "So, that means... You're going out with me on a date this Saturday, 5:00 pm?" tanong ni Shawn. Hmmm.... Wala naman akong ibang options so... Sige na nga, malaki narin naman utang ko sakanya. Haysss.

Tumango nalang ako sakanya at ngumisi siya ng napakalaki, umalis na ako sa clinic at pumunta sa canteen. At ayon, nadatnan ko si Dianne na nakatingin sa'kin, nag-aalala, tumayo si Dianne sa kinauupuan niya at niyakap ako ng mahigpit. "Okay ka lang besh? Sorry ha, kung hindi kita naipagtanggol, ba't na-late pa kasi ako? Sorry, sorry, sorry na sorry talaga. Papatayin ko na talaga 'yong si Natalia at ang kanyang mga alipores." ngumiti ako at niyakap rin at sinabihan siya. "Okay lang 'yon Dianne, papatayin parin din natin sila Natalia mamaya ha? 'Wag ka ng mag-alala." tumango naman si Dianne at tinignan sila Natalia at ang kanyang mga alipores na inirarapan rin kami.

Started with A KissWhere stories live. Discover now