Prologue

238 4 1
                                    

Ferris and Feona Alucard Rizen are the last of their blood. There was a big clan war between the wolf's herd, and the vampires clan long time ago.

Ang kambal ay bunga nang ipinag babawal na pag iibigan nang isang Vampire Princess, at Alpha Wolf. Sila ay inilayo nang kanilang sugatang ina noong panahon na mainit ang giyera. Ipinaalaga sila sa isang matandang mortal na naninirahan sa kabilang bayan. Sa nangyaring (digmaan) clan war halos nangalahati ang kani-kanilang angkan.

Namatay ang Ama, at Ina ng kambal, dahil sa labanan. Naging ulila na silang lubos. Ang mga natitirang vampire at wolves naman ay halos inubos na nang mga hunters. Unti-unting nawala ang lahi nang magkabilang angkan hanggang sa naging kwentong bayan nalang ang istorya tungkol sa mga ito.

Lumipas ang mga taon, at nag bago na ang mundo, nag bago na ang lahat. Unti-unting naging siyudad ang bayan kung saan lumaki sina Ferris, at Feona. Pero kahit kailan ay hindi sila pinayagang lumabas nang matandang taga-pangalaga nila. Ikinulong sila sa pinaka ilalim, at pinakamadilim na parte nang mansyon. Hanggang sa mamatay ang matanda, at dumating si Helga ang taga pag mana ng matandang Cross. Tuluyan na silang nakawala sa madilim na kulungan na kanilang kinasadlakan sa mahabang panahon.

Lumipas ang mga araw, buwan, at taon. Sumapit ang ika-isang daan, at labing walong taong gulang nang kambal. 2017, sa panahong ito ay nasa hustong gulang na ang dalawa. Lingid sa kanilang kaalaman taglay nila ang kapangyarihang walang sino man ang makakapantay.

Note: This story is made by purely imagination only. It is not EDITED.

Jumeaux: The Last BloodWhere stories live. Discover now