Third Person's POV
Isang malakas na kalabog ang narinig ni Helga mula sa ikalawang palapag ng masyon. Alam niyang nahihirapan ang damdamin ng alaga ngayon. Tatlong araw ng nawawala si Feona at nahihirapan si Ferris na tuntunin ang kinalalagyan nito.
Ni hindi niya maamoy ang kapatid. May kung anong pumipigil sa kaniyang abilidad para mahanap ito. Ang kaniyang abilidad na makakita ng pangyayari at masundan ang mga bakas ay hindi niya magawa sa pag hahanap kay Feona.
"Ferris..."
Nagmadali si Helga na umakyat sa ikalawang palapag nakita niyang nakaupo si Ferris at wala sa sariling nakatitig sa buwan. Nasa harap ito ng malaking pintuan ng terasa. May mga nagkalat na bote ng alak sa lapag.
"Helga. Ginawa ko na ang lahat bakit hindi ko siya makita. Hindi ko siya maamoy. Hindi ko siya masundan sa pamamagitan ng balintataw ko. Napaka walang silbi ko!" Puno ng hinanakit ang boses ni Ferris.
Sinubukan ni Ferris na halughugin ang buong Juliana. Maging ang mga kalapit na bayan. Pero bigo ito, walang bakas ni Feona.
"Kung sino man ang may hawak kay Feona ngayon marahil ay may kakaibang kakayahan din tulad ninyong mag kapatid." Si Helga na inaalo ang alaga.
Nalaman ni Ferris na ang nag mamay ari ng alpha beta omega na marka sa likod ng lalaki ay isang buong samahan ng mga lobo. At kasama ang angkan ng mga Rizen sa samahan na iyon. Tatlong angkan ng lahi ng mga lobo. Ang Rizen, Levin at Graywing.
Bawat taong may koneksyon sa mga ito ay tinunton ni Ferris. Ngunit wala talaga ni isang natitirang saling lahi. Hindi alam ni Ferris kung saan magsisimula kahit bakas ay wala ang lalaking iyon. Tanging marka lang na palatandaan.
"Sana hinayaan ko nalang siya Helga. Nagsisisi akong itinago ko siya dito sa mansyon. Sana dati pa lang isinama ko na siya sa pag tuklas sa mundo. Hindi sana siya nag pumilit at gumawa ng bagay na ikapapahamak niya." Pag hihinagpis ni Ferris.
"Hindi mo kasalanan iyon. Alam ni Feona na gusto mo lang siya protektahan laban sa malupit na mundo. Ang mundo ngayon ay hindi na tulad dati Ferris. Kung dati ay naubos ng mga hunter ang angkan niyo. Ngayon pa kaya na makabago na ang mundo."
"Ang hirap Helga. Isa akong makapangyarihang bampira at lobo. May mga kakayahan ako pero walang saysay lahat iyon dahil sa lapastangan na pumipigil sa abilidad ko."
"Makapangyarihan ka at imortal Ferris pero hindi lahat ng bagay ay aayon sa iyo. May kahinaan ang bawat nilalang sa mundo. May hangganan ang lahat. Hindi mo masasabi ang mangyayari sa bawat kabanata sa buhay mo. Pero kung talagang nararamdaman mo sa puso mong ligtas si Feona. Manalig ka." Buong pusong payo ni Helga.
Pagod na napasabunot si Ferris sa kaniyang buhok. Naisip nanaman niya ang kaniyang kapatid. Kung ayos lang ba ito. Matapang si Feona kung nasa maayos na kalagayan ito ay agad itong magpapakita at uuwi sa kanila. Peri tatlong araw na ay wala pa ding Feona na kumakatok sa Mansyon ng mga Cross. Naisip niya ang natamong sugat nito. Naghilom na ba ang mga sugat niya.
Kung may masama mang nangyari sa kapatid ay mararamdaman niya agad iyon kahit pa sabihing may pwersang pumipigil sa kakayahan niya. Kakambal niya si Feona iisa sila ng sinapupunang pinagmulan alam ni Ferris na mararamdaman niya agad iyon. Kaya buo ang pag asa niyang buhay pa ang kapatid.
"Panginoon..." Ang pagsulpot ni Kara sa pasilyo ang nakapag paangat ng muka ni Ferris.
"Kara."
"Wala talagang bakas sa pinangyarihan ng krimen. Sa palagay ninyo ang salarin sa mga pag patay ay siya ding kumuha sa inyong kapatid?" Tanong ni Kara.
Si Kara ay ang isa sa pinaka magaling na imbestigador sa bansa kaya naman binigyan ng pagkakataon ni Ferris na mabuhay ito sa kabila ng natuklasan. Kailangan ni Ferris sumugal sa mga tao dahil sa may pumipigil sa kaniyang abilidad. Hindi pag sususpetsahan ng salarin ang isang normal na tao lang.
Nang magkamalay si Kara ay labis itong natakot kay Ferris. Hindi niya lubos akalain na ang amo niya ay isang bampira o lycan. Nangako siyang susunod sa ano mang ipag utos nito wag lang siyang patayin dahil may pamilyang binubuhay si Kara. At kailangan niya ang malaking kinikita sa pagiging pribadong imbestigador ni Ferris.
Hindi likas na masama si Ferris kaya naman nangako din itong hindi pababayaan ang pamilya ni Kara at hindi sila sasaktan kung mananatiling matapat siyang alagad. At ganoon nga ang ginawa ni Kara bilang isang magaling na imbestigador ay kumalap siya ng impormasyon at kung dati ay tungkol lang sa mga pag patay ngayon ay pati ang mga tungkol sa lahi ng mga lobo at bampira ay pinag aaralan niya. Matagpuan lang ang nawawalang kapatid ng kaniyang among si Ferris.
Maging si Helga ay naging mabuti kay Kara kaya naman hindi mahirap para sa kaniya na maging maayos ang pakikitungo sa mga Cross matapos ang mga nangyari. Nandoon pading ang takot para sa mga ito pero nag titiwala si Kara na basta maging tapat lang siya kay Ferris ay tutupad ito sa kaniyang sinabi na hindi sila sasaktan.
"Lilipad ako ulit Helga. Magbabakasakaling makita ko siya kung saan." Puno ng detirminasyong sambit ni Ferris.
"Ferris naisip ko lang hinalughog mo na ang Juliana at ang mga karatig bayan. Hindi kaya nandito lang sa malapit si Feona?" Bigla ay nasabi ni Helga sa alaga.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Subukan mo ulit damhin ang hangin ang paligid. Ang Tampa, ang bawat sulok ng Tampa Ferris. Wag mong kakalimutan na mas malaki ang Tampa kaysa sa Juliana. May mga liblib na lugar dito na hindi na pag mamayari ng mga Cross."
Tama si Helga napag tanto iyon ni Ferris. Ang kabundukan ng Tampa ay malaki. Kabisado ni Feona ang buong kabundukan. Kung sakali mang nakatakas ang kaniyang kapatid sa lalaking kumuha sa kaniya marahil ay nag tatago lang ito kung saan.
Biglang tumayo si Ferris. Sana ay ganun nga. Sanay ay nakuha ni Feona na takasan ang sino mang kumuha sa kaniya. May tiwala siya sa abilidad ng kaniyang kapatid. Isang makapangyarihan lycan ito. Hindi ito papadaig sa kahit sino. Parang nagkaroon muli ito ng pag asa. Tama si Helga hindi niya pa nalilibot ang mga liblib na lugar sa Tampa.
YOU ARE READING
Jumeaux: The Last Blood
RandomA story about the twins came from the blood of a vampire and a lycan. Ferris trying his best to make a normal life for his twin sister Feona. Is it true that they are the last on their blood? Vampire and Werewolf Genre. R18+ All Rights Reserved 2017...