Narating namen ang bayan ng Juliana sa loob ng isang oras. Pakiramdam ko ay uminit ang pwet ko sa sobrang pag kakaupo. Una palang talaga ay hindi na ako payag sa ganitong pakulo ni Ferris. Ang hindi kumilos ng isang oras ay ang pinka nakakainip na bahagi ng buhay ko.
Ipinarada ni Ferris ang sasakyan niya sa tapat ng isang malaking gusali. Cross Empire. Kung ganoon ay kay Helga ang gusaling ito. Mataas ang gusali pero kaya kong akyatin iyon sa ilang segundo lang. Pero bilang isang normal na suhestyon ni Ferris ay hindi ko gagawin iyon.
Pag labas ng sasakyan ay kamuntikan ko ng sipain ang gulong nito. Pinigilan ko ang sarili ko dahil matalim na titig agad ang ipinukol sa akin ng kapatid ko.
"Kay Helga ba ito?" Tanong ko.
"Hindi Feona. Sa atin ito, ako ang bumili at nag patayo nito." Walang sa loob na sagot nito.
"Pero bakit pangalan ni Helga ang nakalagay sa harapan. Hindi ba dapat ay Alucard Rizen ang nakasulat 'dyan?"
"Hindi natin maaring gamitin ang Alucard Rizen. Dahil madali tayong makikilala ng mga hunters. Tayo nalang ang natitira sa lahi ng mga Alucard at Rizen Feona. Iyon ang pag kakaalam ko." Biglang nag bago ang kaniyang expresyon sa huling salitang nasabi niya.
"Gustuhin ko mga ipagmalaki ang ating pinagmulan, hindi tayo matatanggap ng mundong ito. Kaya mula ngayon Feona masanay ka nang Cross ang dadalin mong apelyido." Tiim bagang siyang tumitig sa malaking pangalan na nakasulat sa harap ng gusali.
Binati kame ng mga nakahilerang unipormadong mga empleyado sa pag pasok palang namen ng gusali.
"Magandang umaga Mr.Cross." bati nila kay Ferris. Ang mga lalaki ay buong galang na yumukod. Ang mga babae naman ay halata ang pag hanga kay Ferris.
Masyadong nag huhumiyaw ang pagiging dugong maharlika ni Ferris. Sa tindig at anyo palang nito ay kagalang galang na kahit simpleng kasuotan lang ang kaniyang pananamit ngayon. Ang ma-awtoridad niyang awra ay nangingibabaw.
Kumumpas si Ferris hudyat na kailangan makinig mabuti ng mga empleyado. Sigurado ba 'syang hindi niya ginamitan ng kanyang abilidad ang mga ito. Para silang nahipnotismo kung makasunod sa aking kapatid.
"Gusto kong makilala niyo ang kapatid kong si Feona Cross. Madalas niyo na siyang makikita ngayon. Kaya sana ay maging mabait kayo sa kaniya. Wag kayong mag alala hindi nangangagat si Feona pwede niyo siyang kausapin." Seryoso si Ferris pero halatang hinahaluan niya ng biro ang kaniyang salita.
Nairita naman ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay gusto ko siyang kalmutin. Sa palagay niya ba ay kakagatin ko ang mga empleyado niya. Lahat sila ay sinalubong ako ng mga magagandang salita.
Iginiya kami ng isang empleyado sa isang pintuan. Kunot ang noo ko dahil isang maliit na silid iyon. Pumasok kame ni Ferris at may pinindot ito sa gilid ng pintuan. Number twenty-five. Biglang gulaw ang silid na animo ay tumataas. Napakapit ako kay Ferris. Isang halakhak ang pinakawalan nito.
"Elevator Feona. Nasa elevator tayo, paakyat sa pinakatuktok ng building na 'to."
"Ganito naba kadami ang alam mo sa labas ng mansyon, nagawa mo na ding makapag patayo ng gusali. Samantalang ako naka kulong doon at parang mangmang na bumasa, sumulat at mag bilang lang ang naituro ni Helga." Pakiramdam ko ay napag kaitan ako ng maraming taon ni Ferris.
"Wag ka ng mag tampo mahal kong prinsesa. Hindi ba't ipapasok na kita sa paaralan para matutunan mo na ang pamumuhay sa labas ng mansyon. At para sabihin ko sa iyo ang matutong bumasa, sumulat at mag bilang ay hindi mangmang." Pag aalo nito. Kinabig niya ako lalo at ginawaran ng halik sa aking buhok.
"Kahit na Ferris ilang taon mo din akong itinago at pinag bawalang lumabas. Pakiramdam ko ang ikinatatakot mo ay ang pagiging iba ko. Ikaw malayang nakakaalis kahit kelan mo naisin samantalang ako napagkaitan ng pag kakataon!"
Tumunod ang elevator at bumukas ang pinto. Pero nasa ika-sampung palapag palamang kame. May 2 babaeng pumasok at mukang paakyat din sila. Pakiramdam ko ay sumikip ang silid na iyon para sa akin.
Masyadong masangsang sa aking pang amoy ang kanilang pabango. Naghahalo ang amoy ng pabango at ang amoy ng kanilang dugo. Inilalarawan ko sa utak ko kung gaano kalapot iyon.
Napansin ni Ferris ang pag pikit ko. Ang kaniyang kamay sa aking braso ay humigpit ang kapit. Ni hindi ko siya matignan dahil alam kong nag babago na ang kulay ng mga mata ko. Bumabalik na ito sa pagiging berde.
Bago kame lumabas ng sasakyan kanina ay inutusan niya akong baguhin ang kulay ng mga mata ko. Mula sa berde ay naging kulay abo iyon katulad ng kaniya. Para hindi daw kame pag hinalaan ng mga tao.
"Kalmahin mo ang sarili mo Feona." Bulong niya. Ang malamig niyang hininga ay bumalot sa buong katawan ko. Kung gusto niya akong gamitan ng hipnotismo para mapaamo ay hindi niya mapag tatagumpayan. Hindi ako mababang uri ng nilalang parehas lang kami ng abilidad.
Pero may kung ano sa kapatid ko ang wala sa akin at kaya niyang pakalmahin ang nag aalab kong damdamin. Napatingin sa amin ang isa sa mga babae at ngumiti. Sa isang iglap ay nag bago ang kulay ng aking mga mata.
Tumunog ang elevator. Nasa ika labinganim na palapag na kame lumabas ang dalawang babae bago mag sarado uli ang pintuan ay narinig ko pa silang naghagikgikan.
"Napaka gwapo ni Mr.Cross no. Yummy 'sya friend."
"Oo nga parang gusto kong mag paanak sa kaniya. At 'yung kapatid niya napakaganda mukang manika."
Kahit narinig kong may papuri sa akin ay nagtangis parin ang aking bagang sa ngitngit.
"Narinig mo ba iyon Ferris! Pinag nanasahan ka ng mga tao. Hindi ko masikmura na makatabi sila ng ganun kalapit." Sigaw ko. Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko.
Napabuntong hininga si Ferris alam kong malaki din ang pag pipigil niyang kagatin ang mga tao. Pero base sa kinikilos niya'y halatang sanay na siya. Nagyon ko napag tantong mahabang panahon na siyang nakikihalubilo sa mga tao kaya naman sanay na sanay na siya. Lalo akong nag ngitngit sa isiping iyon.
"Kailangan mong magpalagay ng pribadong elevator na katulad nito na aakyat sa kung saan mang palapag, kung ayaw mong lapain ko ang bawat taong papasok dito!" Asik ko.
"Feona!!!" Kung malakas ang sigaw ko ay mas dumadagundong na parang kulog ang boses nito.
"Hindi ko gagawin ang gusto mo! Hindi bat gusto mong mamuhay ng normal. Pagtiisan mo ang amoy ng dugo bawat taong makakasalamuha mo. Magtimpi ka Feona kung ayaw mong itago ulit kita sa mansyon ng mahabang panahon!" Pinal na utos nito.
Nanahimik ako. Naikuyom ko ang kamao ko. Gusto ko siyang sunggaban at kalmutin pero alam kong wala akong mapapala dahil mag hihilom rin iyon.
"At huwag na huwag mong tatangkain gamitin ang abilidad mo para makaakyat sa tuktok. Wag mo akong subukan Feona." Banta nito.
YOU ARE READING
Jumeaux: The Last Blood
RandomA story about the twins came from the blood of a vampire and a lycan. Ferris trying his best to make a normal life for his twin sister Feona. Is it true that they are the last on their blood? Vampire and Werewolf Genre. R18+ All Rights Reserved 2017...