Third Person's POV
"Wag!" Sinalag ni Ferris ang baril na dapat ay puputok sa direksyon ng asong lobo.
Hindi siya maaring magkamali. Si Feona iyon. Hirap na tumayo ang asong lobo at duguaang tumakbo palayo ng gusaling iyon.
"Mr.Cross! Mahuhuli na sana natin ang salarin bakit mo hinayaang makawala!" Paninisi ni Ringo sa amo.
"Mr.Cross ang salarin ay isang lobo." Hindi makapaniwalang sambit ni Kara. Tulala pa rin si Kara samantalang si Ringgo ay nag nag ngi-ngitngit.
Nanlisik ang mga mata ni Ferris. Nagbago ang kulay non. Mula sa abo ay naging kulay pula ang mga mata niya. Lumapit siya sa lugar kung saan nakahandusay kanina ang asong lobo. Bakas ang dugo ni Feona doon. Nakita niya ang sumabit na kapa ni Feona at kinuha iyon. Ang nakaburadang rosas na may simbolo ng mga Alucard ay may bahid ng dugo. Tama ang kaniyang hinala ang kakambal nga niya ang nabaril ni Ringo.
"Aaaaah!" Abot langit ang galit na sumigaw si Ferris. Dahil doon ay nagulantang si Ringo at Kara.
"Lapastangan!" Bumaling si Ferris kay Ringo.
Sa isang kumpas lang nito ay nagawa niyang iangat si Ringo sa ere at inihagis sa dingding. Pag bagsak ni Ringo ay umubo ito ng dugo.
"Isa kang bampira!" Puno ng takot na sambit ni Ringgo.
Ang mga mata ni Ferris ay nagliliyab sa galit. Ang kaniyang pangil ay umusli. Ang mga kuko nito ay walang kasing tulis. Unti unting humaba ang kaniyang mga balahibo sa panga at sa kaniyang braso.
"Isa kang bampirang lobo!" Hindi makapaniwala si Ringo sa natuklasan.
Maging si Kara ay naestatwa sa pag babago ng anyo ni Ferris. Gustuhin man niyang tumakbo palayo ay hindi niya maihakbang ang kaniyang mga paa.
"Isa kang walang kwentang nilalang! Sino ka para saktan ang aking prinsesa!" Sigaw ni Ferris. Halos maihi si Ringo sa kilabot na nararamdaman.
Lumapit si Ferris kay Ringo at hinawakan siya sa kaniyang leeg. Itinaas niya ito sa ere na parang isang maliit na kuneho lamang. Naghihingalong nag lupasay si Ringo upang makawala.
Nanlilisik ang mga matang itinapat ni Ferris ang kuko sa dibdib ni Ringo. Sa isang iglap ay nabutas na ni Ferris ang dibdib nito ng kaniyang matutulis na kuko. Hinila ni Ferris ang puso ni Ringo mula sa kaniyang dibdib at tuluyan na itong nalagutan ng hininga. Bumagsak ang duguan at walang buhay niyang katawan sa lupa.
Dahil naman sa mga nakakakilabot na nasaksihan ay nawalan ng malay si Kara.
Muling sumigaw si Ferris dahilan ng pag kakayanig ng lumang gusali. Sobra ang kaniyang pag tangis. Hindi niya na protektahan ang sariling kapatid.
"Bakit Feona! Bakit hindi ko man lang naramdaman na nasa paligid ka. Bakit mo ako sinundan. Hindi ako naging maingat. Bakit ipinanganak kang mas malakas ang kapangyarihan kesa sa akin. Imbis na ako ang dapat na nag tatanggol sa iyo ako pa ang dahilan ng ikapapahamak mo!" Ang pag tangis ni Ferris habang tumatakbo at hinahanap ang kapatid.
Malayo ang narating ni Ferris. Sinundan niya ang dugo ni Feona hanggang sa nahinto ito sa gilid ng isang kalsada. Mula doon ay hindi na niya naamoy ang dugo ng kapatid.
Pumikit si Ferris para gamitin ang kaniyang kapangyarihan. Dinama niya ang lupang binagsakan ni Feona. Nakita niya sa kaniyang balintataw ang kapatid na walang saplot. Sobrang hinagpis ang naramdaman ni Ferris sa tanawing iyon. Si Feona na nanghihina at duguang walang saplot. Nakahiga ito sa gilid ng kalsada. Iniinda nito ang sugat na natamo.
Alam niyang hindi agad mag hihilom ang sugat ng kapatid. Ito ang unang pagkakataong nasaktan ito ng sobra. Hindi pa sanay ang katawan nito sa ganoong kalagayan.
Marahang napapikit muli si Ferris para sundan ang kapatid sa kaniyang balintataw. Isang lalaking naka itim
Naghubad ito ng damit at itinakip niya iyon sa hubad na katawan ni Feona. Nawalan ng malay ang kaniyang kapatid at binuhat ito ng lalaki. Isinakay sa pulang kotse at pinatakbo iyon. Hindi man lang nakita ni Ferris ang itsura ng lalaki. May kung anong pumipigil sa kaniyang makita iyon.Hanggang doon lang ang nakita ni Ferris. Puno ng takot napaluhod si Ferris. Kailangan niyang mahanap ang sugatang kapatid sa lalong madaling panahon.
Sinubukan ulit niyang gamitin ang kakayahan para makakita man lang ng tanda o marka para masundan ang lalaking kumuha sa kapatid.
Ang lalaki ay nakahubad ng pang itaas habang buhat si Feona. Patungo ito sa kaniyang sasakyan. Ang damit nito ay nakabalabal sa kaniyang kapatid. Nakatalikod ang lalaki at hindi niya maaninag ang itsura nito. May kung anong pumipigil sa kapangyarihan niyang makita ang muka nito.
Napahinto si Ferris at napatitig sa likod ng lalaking may buhat sa kaniyang kapatid ang kaliwang bahagi ng likod nito sa bandang itaas ay may marka. Isang marka ng alpha beta omega. Naguguluhang napaisip si Ferris.
"Hindi ito maari. Isa din kaya siyang lobo." Bulong ni Ferris sa sarili.
Ilang taon nag hanap si Ferris ng mga natitirang lahi ng mga lobo at bampira sa buong mundo pero bigo siya. Ginamit niya ang abilidad bilang isang bampira. Ang pag bukas sa kaniyang balintataw at pangitain. Silang dalawa ni Feona ang huling dugo ng lahing Alucard. Nakatitiyak siyang siya ang pinaka makapangyarihan sa pamamagitang ng pag gamit ng abilidad ng mga bampira.
May pag sisisi sa isang bahagi ng puso ni Ferris. Masyado niyang nakahiligan ang pagiging isang normal na tao. Dahil buong akala niya ay wala ng banta para sa buhay nila ng kaniyang kapatid kung mananatiling lihim ang tunay nilang pinag mulan.
Hindi pwedeng patayin ni Ferris si Kara dahil kailangan niya pa ito para hanapin si Feona. Isang magaling na private agent si Kara katulad ni Ringo. Ang pagkakamali lang ni Ringo ay sinaktan niya ang babaeng pinaka-mamahal ni Ferris.
Si Feona ang nag iisang nilalang na pinaka mamahal ni Ferrism handa siyang ibuwis ang sariling buhay para lang maprotektahan ito. Pero ngayon ay laking pag sisisi niya na isantabi ang mga abilidad upang maging isang normal na tao.
Binalikan ni Ferris si Kara sa abandonadong gusali. Nakahandusay padin ito at walang malay. Siguradong nanginginig na sa takot ang kaniyang taga sunod pag gising nito at hindi ito magkakamaling gumawa ng hindi niya magugustuhan.
Binuhat ni Ferris si Kara at sa isang kisapmata ay naglaho sila sa lumang gusali. Tinawid ni Ferris ang distansya ng Juliana at Tampa ng walang kahirap hirap. Ang anyo nito ay hindi pa din bumabalik sa dati. Isang bampirang lobo... Kaya naman laking gulat ni Helga ng sumalubong sa kaniyang alaga.
"Ferris anong nangyari?" Puno ng mga katanungan ang mga mata nito.
Napadako ang tingin ni Helga sa buhat ni Ferris na babae. Isang tao... Nanlaki ang mga mata ni Helga at napuno ng pagka bahala.
"Si Feona!" Sambit nito.
"Nabaril si Feona, Helga." Nag tatangis ang bagang ni Ferris. Inilapag niya si Kara sa mahabang sofa. Wala pa din itong malay.
"Paanong—" Hindi naituloy ni Helga ang sasabihin napatingin siya sa ikalawang palapag ng mansyon kung nasaan ang kwarto ni Feona. Doon niya napag tanto na wala sa loob ng mansyon si Feona.
Lumuhod si Helga at itunungo ang ulo. "Patawarin mo ako Ferris. Hindi ko nabantayang maiigi si Feona." Labis ang pagsisisi ni Helga.
"Wala kang kasalanan Helga. Maging ako ay nagkulang. Napaka walang silbi ko dahil hindi ko man lang naramdaman na nakasunod sa akin si Feona. Tuso ang kapatid kong iyon." Ang itsura ni Ferris ay hindi maipinta.
"May pabor sana akong hihingin sayo Helga. Paki kalap lahat ng aklat tungkol sa angkan ng mga lobo. May kailangan akong malaman." Si Ferris na nanlilisik ang pulang mga mata.
YOU ARE READING
Jumeaux: The Last Blood
RastgeleA story about the twins came from the blood of a vampire and a lycan. Ferris trying his best to make a normal life for his twin sister Feona. Is it true that they are the last on their blood? Vampire and Werewolf Genre. R18+ All Rights Reserved 2017...