PART IV

77 2 0
                                    


Isinasalansan ko ang mga rosas sa antigong vase sa aking silid ng biglang may kumatok sa pinutan. Si Helga, kunot noo akong napatingin sa pinto. Bakit kailangan pang kumatok kung alam naman niyang alam kong palapit siya.

"Pasok!" Sigaw ko.

Nakita ni Helga ang mga bulaklak na rosas sa aking lamesita. May kung anong kislap sa mata nito habang nakatingin doon.

"Napakaganda ng mga rosas. Halos araw araw ay pinupuno ko ng rosas ang buong mansyon pero iba pa din kapag galing kay Ferris ang nasa kwarto mo. Espesyal para sa iyo." Puna nito habang nakatitig sa mga rosas na ibinigay ni Ferris sa akin.

"Oo nga pala Feona pinapasabi ni Ferris na mag bihis ka daw." Dagdag nito at makahulugang tumingin sa akin.

"Mag bihis? Aalis kame?" Hindi maitago ang pag kasabik sa aking tinig. Ngumiti si Helga at tumango.

Wala akong sinayang na sandali. Nagpalit agad ako ng damit. Suot ang isang itim na bistida na hanggang ibabaw ng tuhod. Mahaba ang manggas nito na abot hanggang sa aking pulso. Tinernohan ko ito ng itim na sandalyas. Kitang kita ang kaputlaan ng aking balat. Ang mahaba kong buhok na hanggang beywang ay hinayaan kong nakalugay. Sinusuklayan iyon ni Helga.

"Napakaganda mo Feona." Si Helga habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Natuwa ako sa kanyang papuri.

"Gusto mo bang lagyan kita ng make up?" Tanong nito.

"Make up?" Kunot noong napaharap ako sa kaniya.

Walang sabi sabi ay umalis siya sa tabi ko. Ilang sandali lang ay bumalik ito at may dalang maliit na lalagyan. Inilabas nito ang mga malilit na gamit, kung ano ay hindi ko alam. Ito siguro ang tinatawag niyang Make up.

"Dahil sa natural na mapula ang labi mo ay pampakintab nalang ang ilalagay natin." Sinimulan niyang ipahid sa akin ang Make up.

Nakita ko sa salamin ang resulta noon at nagustuhan ko. Nagbigay nga ito ng buhay sa mapulang labi ko.

"Pwede bang sa akin nalang ito Helga?" Pag hingi ko sa maliit na bagay na pinahid niya sa labi ko.

"Oo naman Feona. At lalagyan natin ng pampapula ang iyong pisngi para mag karon ng buhay ang iyong muka."

Ang naging resulta ng ginawa ni Helga sa aking muka at labi ay lubos kong nagustuhan. Tama si Helga nagkaron ng buhay ang maputla kong itsura.

"Lalo kang gumanda Feona. Ikaw ang pinaka magandang nilalang na nakita ko sa buong buhay ko."

Nagalak ako sa kanyang tinuran. Pakiramdam ko ay lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob lalo na't makikihalubilo na din ako sa mga tao.

"Sige na Feona kanina pa nag hihintay si Ferris sa iyo."

Habang pababa ako ng hagdan ay hindi maalis ni Ferris ang tingin sa akin. Pakiramdam ko ay may dumi ako sa muka at napansin niya iyon. Ang mga mata niya ay buong atensyong nakatuon sa bawat pag galaw ko.

Nakasuot ng simpleng tshirt na itim at maong na pantalon at tinernuhan ng isang pares ng sapatos. Hindi ito ang yuswal na sinusuot ni Ferris. Nanibago ako sa ayos niya ngayon para na siyang isang normal na tao. At di makikakailang bumagay sa kanyang makisig na katawan ang kasuotan. Ang kaniyang buhok na hanggang balikat ngayon ay nakapusod.

Inilahad niya ang kamay at agad kong tinanggap iyon. "Napakaganda mo Feona." Bulong niya.

"At napakakisig ng aking mahal na prinsipe. Ngayon lang kita nakitang ganyan ang ayos. Muka kang... muka kang—"

"Normal?" Putol niya sa sasabihin ko sabay bitaw ng matunog na halakhak.

"Gusto kong maging normal ang buhay natin Feona. Gusto kitang bigyan ng normal na buhay." Ginawaran niya ako ng halik sa aking noo bago kinabig para sa isang mahigpit na yakap.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa Juliana. Ipapasyal kita sa bayan at ibibili ng mga bagong gamit." Nakangiti siyang binuksan ang malaking pintuan ng mansyon. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita isang itim na sasakyan ang makaparada doon.

"Isang sasakyan? Para saan?" Takang tanong ko sabay lingon sa kaniya.

"Hindi ba't mag sisimula na tayong mamuhay ng normal. Mula ngayon kung gusto mong makapunta sa isang lugar hindi kana lilipad pa at maglalaho. Hindi kana tatakbo pa ng mabilis." Sagot nito. Lumapit siya sa sasakyan at ipinag bukas ako ng pintuan.

"Pero mas mabilis ang lumipad ang maglaho at ang tumakbo!" Maktol ko.

"Mas mabilis Feona. Pero hindi normal hindi ba. Sakay na! Sumenyas siya na pumasok na ako. Wala akong nagawa kundi ang sumunod at sumakay sa sasakyan.

Mainit ang araw pero hindi namen alintana iyon. Hindi kame basta bampira lang na agad natutupok sa init at liwanag ng araw. Taglay namen ang dugo ng aking ama bilang isang lycan. Si Ferris at ako ay may kulay berdeng mata na galing sa aming ama. Ang maputalang kulay ng balat galing sa aming ina. Ang mga sugat ay madaling naghihilom.

May bilis na walang katulad. Kayang maglaho at makapunta sa ibang lugar sa pamamagitan ng isang kumpas lang. Pero bago magawa ang pag laho ay kukunsumo ng masyadong malakas na resistensya kaya hindi namen ginagawa iyon madalas. Malakas ang aming pandama at pang amoy tulad ng isang lycan. Parehas kameng nag iiba ng anyo kapag nagagalit pero ang malala ay ang sa akin. Sa aming dalawa ni Ferris ako lang ang bukod tanging nag iiba ng anyo bilang isang halimaw.

Pag labas ng tarangkahan ng mansyon ay kita na ang malawak na kagubatan. Sa kabilang bahagi nito ay ang sugahan ng mga baka at ang taniman. Ang buong Tampa ay pag mamayari ng matandang Cross siya ang nagkulong sa amin ng mahabang panahon sa madilim na parte ng mansyon.

Ang mga kayamanan, ginto, taniman lupain at ang mansyon ay ipinamanang lahat kay Helga. Siya nalang ang nag-iisang tagapag mana ng matandang Cross dahil sa isa itong matandang dalaga. Ngayon lahat ng ito ay nakamtan din namen ni Ferris. Mula ng maging bampira si Helga ay naging taga sunod na namin siya pero higit pa doon ang turing namin ni Ferris sa kaniya.

"Napakatagal ng byaheng ito!" Puna ko ng malampasan namin ang mahabang kagubatan.

"Kailangan mo ng masanay Feona. Gusto mo bang ibili kita ng sarili mong sasakyan." Alok nito para mawala ang pag kainip ko.

"Hindi na kailangan. Hindi ko din naman iyon gagamitin kung may gusto akong puntahan ay tatakbuhin ko nalang." Tamad akong sumandal sa upuan at tinapunan ang tingin ang kapaligiran sa labas ng bintana.

"Feona! Hindi ba't sinabi ko ng walang gagamit ng kakayahan." Ang tinig ni Ferris ay katulad ng isang Hari walang pwedeng sumalungat.

"O edi ihatid mo nalang ako kung sakaling may dapat akong puntahan. Ayaw kong gumamit ng ganyang bagay, nakakainsulto!" Pag mamatigas ko. Ngisi lang ang isinagot nito sa akin.

Itinuon ko nalang ang pansin ko sa labas ng bintana habang tahimik na nag mamaneho si Ferris.

Jumeaux: The Last BloodWhere stories live. Discover now