PART X

56 2 0
                                    

"Mahilig kaba sa bampira?" Biglang tanong ko. Inilapit ko ang muka ko sa kaniyang balikat. Dinig na dinig ko ang pag daloy ng malapot niyang dugo sa kaniyang mga ugat.

Pinagpapawisan siyang napalunok. "Hindi naman, ano... Parang gusto ko lang magbasa ng mga storya tungkol sa mga bampira." Nagkanda utal niyang paliwanag.

"Meron kasing nagsabi na muka daw akong bampira. Muka nga ba?" Tanong ko ulit. Napangisi ako sa kilabot na nararamdaman niya para sa akin.

"Ang weird mo naman." Ninenerbyos siyang tumawa. May kung ano sa mga mata niya na nakapag pagiliw sa akin.

Gusto ko ang taong ito. Pwede ko kayang tikman ang dugo niya. Kahit konti lang. Pwede ko kaya siyang gawing katulad ni Helga. Para mapasa akin na siya. Gusto ko siyang maging kaibigan.

"Ako nga pala si Feona Alu— Feona Cross." Inilahad ko ang kamay ko. Tiim bagang akong nainis. Hindi ko nga pala pwedeng gamitin ang pangalan ng aming lahi.

Nanginginig niya iyong tinanggap. Buong akala niya talaga ay isa akong bampira. Hindi ko alam kung malakas ba talaga ang pakiramdam niya o talagang hula niya lang iyon dahil sa kakabasa niya ng libro.

Nang maglapat ang aming mga palad ay pinisil ko iyon. Parang nakahinga siya ng maluwag ng mapag tantong hindi ako kasing lamig ng bangkay.

"Ritzy Orca nga pala. Bago ka dito no? Ngayon lang kita nakita." Tanong niya ng medyo mahimasmasan.

"Oo bago lang." Wala sa loob kong sagot.

Sumandal ako sa aking upuan at bagot na nag masid sa buong silid. Ang iba sa kanila ay bumalik na sa kanilang mga ginagawa habang ang ilan ay nakatingin padin at nag bubulungan.

Nag buga ako ng isang malalim nabuntong hininga. Isa itong malaking kalokohan. Ang lahat ng ito ay napakalaking kalokohan. Bagot akong tumayo at naglakad palabas ng silid.

"Saan ka pupunta!" Sigaw ni Carson. Nakahabol ito agad sa akin. Masyado siyang nanghihimasok. Ano kaya kung siya ang unang taong ubusan ko ng dugo sa eskwelahan na ito.

"Sa labas magpapahangin." Umirap ako.

"Pero dadating na si prof." Habol pa din niya sa akin. Hindi ko na siya pinansin pa at diretso kong tinahak ang daan palabas ng gusali na iyon.

Halos iilan na lang ang tao sa paligid. Siguro ay nagsisimula na ang kanilang klase. Wala akong magagawa kundi mag hintay ng oras ng uwian para sunduin ni Ferris. Hindi ako pwedeng sumulpot nalang basta sa Cross Empire dahil tiyak kong mag iinit nanaman ang ulo ng isang 'yon.

Umupo ako sa isang mahabang upuan sa ilalim ng isang puno. Bawat dumaan ay tumititig sa akin. Ang isang lalaki ay halos madapa pa. Eh kung isa isa ko kaya silang kagatin para manahimik sila. Hindi ako sanay sa ganitong atensyon. Tinitigan ko ng masama ang huling lalaking dumaan sa harapan ko. Dama ko ang puno ng malisya niyang mga titig.

Naramdaman kong palapit ang prisensya ni Carson. Ang isang ito ay hindi marunong manahimik at intindihin ang sarili niya.

"Nandito ka lang pala." Hingal na sabi ni Carson. Sumulpot siya sa likuran ko.

"Bakit ba unang araw ng klase mag cu-cutting ka. May pag ka bulakbol ka pala no. Hindi halata sa itsura mo." Dagdag nito.

Hindi ko siya pinansin pa. Itinuon ko ang atensyon ko sa mga taong dumadaan. Ilang minuto ding namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Pero hindi nakatiis si Carson at iritableng bumaling sa akin.

"Ano hindi ba tayo papasok?" Ang nga mata niya ay puno ng depresyon.

"Wala akong sinabing sundan mo ako. Bakit hindi ka pumasok. Hindi ko hawak ang mga paa mo." Walang emosyon kong sabi.

Jumeaux: The Last BloodWhere stories live. Discover now