Hindi kame umuwi ng Tampa ng hapong iyon. Nanatili kami sa Cross Empire. Nakahiga sa kama at yakap ako ni Ferris. Nakatulog ako sa sobrang pagod at pag hagulgol. Iyon ang unang beses na umiyak ako sa buong buhay ko.
Narinig ko ang mga katok galing labas ng silid. Tumayo si Ferris at maingat na inilapag ang ulo ko. Hinalikan niya ako sa noo bago tuluyang nag tungo sa pinto at pag buksan kung sino man ang kumakatok dito.
"Mr.Cross mayron nanamang bagong biktima." Narinig kong sabi ng tao sa labas ng pinto. Isa itong babae.
"Anong lagay ng biktima Kara?"
"Katulad ng mga nauna, wakwak ang leeg at may mga sugat sa magkabilang pulso. Sa palagay ko ay hindi tao ang may gawa nito." Sagot ng tinawag niyang Kara.
"Mayron naba kayong mga ebidensya at kung sino ang gumagawa?" Tanong ng kapatid ko.
"Hindi na namin naabutan pa sa lumang bodegang pinagkukutaan ang salarin pero may isang bagay kaming nakuha. Mukang naiwan niya ito. Baka kilala niyo ang nasa larawan." Sabi ni Kara.
Hindi sumagot ang kapatid ko. Pumikit ako ng mariin upang pakinggan ang tibok ng puso nito. Nadinig kong hindi normal ang tibok noon. Mabilis at parang nag ngangalit.
"Hindi kaya siya na ang susunod na biktima?" Muli ay nagsalita si Kara.
"Hindi ako tiyak. Wag na wag ninyong titigilan ang pag iimbestiga Kara. Mamaya ay pupunta ako sa sinasabi mong lugar na pinag kukutaan niya." Malamig ang tono ni Ferris.
Maya-maya ay narinig kong isinara na niya ang pinto. Mukang nakaalis na ang babaeng kausap. Nag panggap akong tulog at muling pumikit. Ang daming gumugulo sa utak ko. Kung ganon ay bukod sa mga awtoridad kumuha si Ferris ng mga tao para mag imbestiga sa kasong ito. Ang akala ko ba ay ayaw niyang makialam.
At ang mga pag patay bakit puro babae lang ang biktima. Hindi kaya isang adik na mamatay tao lang ang salarin at wala itong koneksyon sa amin. Yung lalaki sa elevator na kamuka ni Carson, siya nga kaya ang pumapatay o may iba pang sangkot dito.
Lahat ng iniisip ko ay ang nagdala sa akin sa muling pag tulog. Pag gising ko ay wala si Ferris sa tabi ko. Madilim na sa labas, mukang dito na nga kami mag papalipas ng gabi ni Ferris. Umupo ako at nakita kong may kumot na nakataklob sa akin. Naalala ko ang nangyaring usapan ni Ferris at ni Kara kagabe. Agad akong napatayo at hinanap ang kapatid ko.
Nagtungo ako sa kusina at nakita kong nag hahanda si Ferris ng pag kain. Naamoy ko agad ang karneng hilaw at may dugo ng manok sa isang kopita. Napatingin ako kay Ferris.
"Pambawi ko sa kasalanan ko. Gutom kana siguro Feona halika kumain na tayo." Anyaya nito. Maaliwalas na ang kaniyang muka na para bang walang nangyari.
Kahit wala naman talaga akong gana ay kumain ako. Tinitignan ko ang bawat galaw ni Ferris. Normal na ngayon ang kilos nito.
"May mga aayusin ako dito sa Juliana. Gusto mo bang dito kana matulog at ipapakuha ko nalang ang mga gamit mo. O gusto mo pa ding umuwi sa Tampa" Tanong ni Ferris.
"Siguro ay uuwi nalang ako sa Tampa. Mas maayos akong makakatulog doon. Hindi ako sanay dito." Sagot ko.
Kumikilos ako ng normal para hindi magisip si Ferris na may alam ako sa mga ginagawa niya ng palihim dito sa Juliana.
Nang matapos kaming kumain ay siya ang nag hugas ng pinggan. Habang ginagawa niya ito ay yumakap ako sa likod niya. Dinadama ang kakisigan ng kaniyang likod.
"Mukang nag lalambing ang prinsesa ko." Halata ang masiglang boses ni Ferris kahit nakatalikod siya sa akin.
"Ayaw ko lang na nagagalit ka ng ganon." Sabi ko. Isinara niya ang gripo at humarap siya sa akin.
"Feona mahal ko. Gusto kong mamuhay ka ng normal pero ayaw kong makipag mabutihan ka sa mga lalaking mortal. Hindi pa din tayo tao, hindi ka nila matatanggap baka ikapahamak mo pa pag nalaman nila ang tunay mong pag katao." Mahinahong paliwanag nito.
"Iyon lang ba talaga? Natatakot kang masaktan ako ng mga tao?" Tanong ko.
"Syempre naman. Kapatid kita lahat ng makabubuti sayo ay gagawin ko. Maging ligtas kalang." Isang halik sa noo ang iginawad sa akin ni Ferris. Maya maya ay kumalas ito at itinuloy ang pag huhugas ng mga pinagkainan.
May kirot akong nakapa sa isang parte ng puso ko. Parang sinampal ako ng katotohanan magkapatid kami at hindi magkasintahan. Iyon ang katotohanang masakit tanggapin. Kaya ayaw niya akong masaktan dahil ako nalang ang natitirang pamilya niya.
Hindi ba ako mahal ni Ferris tulad ng pag mamahal ko para sa kaniya. Biglang pumasok sa isip ko ang makulit na si Carson. Posible kayang siya ay talagang may pag-tangi sa akin. O katulad ni Ferris ay iba lang ang dating sa aking ng mga pangungulit niya. Sa huli ay kahibangan lang pala ang lahat.
Hinatid ako ni Ferris sa Tampa. Sumalubong sa amin si Helga sa may pintuan ng mansyon. Nagpaalam din agad si Ferris dahil madami pa daw itong gagawin sa Cross Empire.
Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at nagpalit ng damit. Maya maya ay pumasok si Helga. May dala itong isang tasa ng tsaa. Paborito ni Helga ang tsaa. Noong una kong matikaman iyon ay halos isuka ko na ang loob ng lalamunan ko sa sobrang pangit ng lasa. Pero kalaunan ay nasanay din ako sa lasa nito. Inilapag niya ang tasa sa lamesita ko.
"Ginabi na ata kayo ni Ferris. May nangyari ba?" Si Helga. Kinuha niya ang antigong suklay at dahan dahang sinuklay ang buhok ko.
"Wala naman dumaan lang kami sa hotel. Helga maari mo bang i-pusod ang buhok ko kagaya ng saiyo?" Pakiusap ko.
Tumango ito at ngumiti. Inayos niya ang aking mahabang buhok. Ipinusod niya ito sa bandang tuktok at tinalian ng itim na pamusod. Inayos niya pa ng konte at naglaylay ng mga ilang hibla ng buhok sa magkabilang gilid ng pisngi ko.
"Napakaganda talaga ng mahal naming prinsesa." Puri ni Helga. Nagustuhan ko din ang ayos ng aking buhok.
"Sige na magpahinga kana pag tapos mong inumin ang tsaa mo Feona. Siguro ay pagod kana sa mahabang araw mo." Tahimik na umalis si Helga at lumabas ng kwarto.
Ilang sandali kong pinakiramdaman ang buong mansyon. Sarado na ang mga ilaw sa labas. Kapag patay na ang ilaw sa kwarto ko ay hindi na ako ginagamabala pa ni Helga.
Buo na ang disisyon ko pupunta ako ng Juliana ngayong gabi. Kailangan kong maging maingat. Isa akong makapangyarihang bampira at ako ang prinsesa ng mga lycan. Hindi ako dapat manahimik at maging sunod sunuran nalang kay Ferris.
YOU ARE READING
Jumeaux: The Last Blood
RandomA story about the twins came from the blood of a vampire and a lycan. Ferris trying his best to make a normal life for his twin sister Feona. Is it true that they are the last on their blood? Vampire and Werewolf Genre. R18+ All Rights Reserved 2017...