Chapter Four

173K 3.1K 67
                                    

Chapter Four

            DAHIL sa biglang nagbago ang mood ni Claude ay hindi na ito tumuloy sa basketball court. At dahil mahina siya sa direksyon kaya napilitan siyang sumunod dito dahil ito lang naman ang kakilala niya. Pero kanina pa sila lakad ng lakad hindi pa rin sila nakarating sa bahay nito. Kapitbahay lang kaya sila.

            ”Uy, Claude. Can you tell me the right way to my brother’s place? Kanina ka pa parang baliw na lakad ng lakad dito nakakapagod kaya.” reklamo niya, her feet were aching. Lumingon ito sa kanya na naging dahilan kung bakit natigilan siya. Naalala kasi niya ang araw kung kalian nagalit talaga ito sa kanya, iyong araw na ipinagtabuyan siya nito.

            “Wala pa akong balak umuwi.” He said flatly. “You go home.” Malamig na utos nito sa kanya. Again the same pain returned and haunts her the same way it hurts twelve years ago. Ipinasok niya ang mga kamay sa loob ng bulsa ng suot niyang hoodie, they are shaking. How can this man affect and hurt her the same way he did to her?

            She stepped back and fought not to cry. “Kung alam ko ang daan kanina pa ako umuwi gago ka ba?” mabilis niyang iniwas ang mga mata dito. Ayaw niyang makita nito na nasasaktan na naman siya sa pagtataboy nito sa kanya. ”I’ll go.” she turn her back away from him at tumakbong lumayo dito. Nang sa tingin niya ay makalayo na siya ay saka siya napahawak sa kanyang dibdib at pinahid ang namumuong luha sa mga mata niya.

            ”Tama na iyan Belle, move on na hindi ba? You need to move on. Twelve years na siya pa rin ba?”

            She laugh bitterly sa tanong niya. Dahil kahit anong gawin niya, kahit anong gawin niyang limot at kahit anong gawin niyang pagsisinungaling sa sarili niya her heart will always beat to someone from her past. She is still in love with him but she is willing to move on and let go... but how?

            Hindi niya alam kung anong oras siyang nagpatuloy sa paglakad sa buong lugar. Noong una ay nag-eenjoy siya sa mga views at nagbabakasakali siyang baka makarating sa bahay ng kapatid hindi ba ganoon naman ang mga pusa? Nagkataon lang na hindi siya pusa at hindi niya mahanap ang bahay ng kuya niya.

            Nang makaramdam ng pagod ay umupo nalang siya sa sementado at nakausling pathway sa isang bahay na nadaanan niya. Napapagod na siya kaya nga hinihilot niya ang binti niya. Mas lalo siyang na-depress dahil sa nangyari. Kung nanatili siya sa London hindi ito mangyayari sa kanya dahil marami siyang friends doon. She hugged her knees as she tried to think of possible way to go home.

            “Ysabelle!” Kung dahil ba sa pagod kaya siya naghahallucinate then that must be it, dahil naririnig niya ang boses ni Claude. “Damn it!” he even cursed, kahit sa hallucination pangit pa rin ang ugali niya. She move her head away from that voice ng may makita siyang pares ng mga paa sa harap niya.

Royale Series 1: HATE THAT I LOVE YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon