Chapter Ten (END)

205K 3.2K 82
                                    

Chapter Ten

Nagising siya na masakit ang katawan at ang bahaging iyon ng kanyang katawan. Tiningnan niya ang katabi tulog pa si Claude, hindi niya alam kung ano ang nangyari dahil bigla nalang niyang naramdaman ang sakit sa dibdib niya. She bit her lips to stop her from making noises, agad niyang hinagilap ang paperbag na may lamang damit niya.

Nagising na siya... nagising na siya sa panaginip na walang patutunguhan ang damdamin niya para kay Claude. Ginusto niya ang nangyari kagabi there is no one to blame. Umalis na siya sa kama but ending up slumping herself on the floor nanginig nalang kasi ang tuhod niya.

"Belle." Agad siyang nag-iwas ng tingin ng marinig ang pangalan niya na binigkas nito. Hindi niya namalayan na nagising na pala ito. "Are you okay?" Nag-aalalng tanong nito as he walk towards her naked. "Speak to me please.”

Naghahanap siya ng mga tamang salita na pwede niyang sabihin hanggang sa utak na niya ang pinagana niya. "Tama na Claude. Tama na please stop hurting me. Ayoko na."

"Belle, about last night please dont cry pananagutan ko ang nangyari sa atin."

Isa ba siyang responsibilidad? Responsibilidad ba nito ang nangyari sa kanila?

Umiling siya. "Hindi ko kailangan ang awa mo Claude. Wala kang dapat panagutan sa nangyari you are free from any responsibilities."

"Damn it Belle. Naririnig mo ba ang sinabi mo? You are a vir-."

"Huwag kang tanga Claude. Hindi ako ang unang virgin na nakuha mo. Anong pinagkaiba ko sa kanila?"

"You are different Belle."

"Dahil kapatid ako ng bestfriend mo? Dont worry hindi malalaman ni kuya, walang makakaalam nito. Malaya ka Claude hayaan mo na ako."

"Kahit anong sabihin mo pakakasalan kita Belle." Seryosong saad nito. "Hindi kita papakawalan not now. Not when I finally have you. May hawak na ako sa iyo kaya wala kang magagawa kundi ang pakasalan ako. I know you still love me." He brush his hair using his fingers dala ng frustration nito.

Mapait siyang ngumiti sa binata, "Yeah, I know I still love you. Kahit anong paraan na ang ginawa ko para makalimutan ka lang kahit ang sakit-sakit na. Sinubukan ko naman labing dalawang taon Claude, twelve long years I tried to forget you and I tried to hate you pero isang kita ko palang sa iyo ay nawala na ang lahat ng pinaghirapan ko. Nakakasuya nga eh bakit ikaw pa? Bakit sa taong walang alam kung hindi saktan ako at ang pahiyain ako sa maraming tao? I don’t know it’s just too painful that looking at you right now is ripping my heart into pieces. Ganoon kasakit Claude. Di ba sabi mo you are going to do everything just to pull me down at hindi ko mahanap ang happiness ko?” she laugh bitterly. ”Twelve years Claude, sa tingin mo ba talaga naging masaya ako? No, never. I tried but I can’t. Sa simula pa lang hindi na ako masaya kaya sa simula palang panalo ka na. Sa simula palang kasi hindi na ako masaya and don’t worry I will break my engagement kung iyan lang din ang gusto mong makita. I will stop loving you.” pinahid niya ang mga luha sa mga mata niya.

Royale Series 1: HATE THAT I LOVE YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon