Extra 1: Wedding

152K 2.7K 33
                                    

EXTRA 1: Wedding

            PUMAILANLANG ang tugtuging pangkasal sa loob ng maliit na chapel kung saan magaganap ang araw na pinakahihintay niya. Ang kasal nila ni Claude, ayaw sana niyang pakasal agad dahil medyo busy siya sa work. This is a month preparation only, after ng pamamanhikan ni Claude ay nag-insist itong eksaktong isang buwan ang kasal nila. Hindi naman siya masyadong atat ano?

            Lahat madalian, he even hired the best of the best just for the wedding. Ang mga magulang nito ay sobrang excited dahil unico hijo si Claude at ang mga magulang naman niya ayon nakiuso sa rush wedding. Her friends from London called her and prepared the wedding gown and the tuxedo at kung anu-ano pang kailangang gawin.

            Nag-away pa nga sila ni Claude dahil gusto nito na sa isang malaking simbahan ang kasal nila. Sabi naman niya gusto niya sa isang maliit na chapel lang at dadaluhan ng mga malapit na kaibigan at kapamilya. At syempre nanalo siya, kaya heto kasal na nila. Sa totoo lang kinakabahan na siya para siyang maiihi na ewan hindi niya maintindihan. Habang sakay siya ng kanyang bridal limo ay panay tawag ni Claude making sure na hindi siya aatras sa kasal. Nainis na nga si Ashley kay Claude masyado na daw itong over acting.

            Bestman ni Claude ang kuya ko and of course isa sa mga groom’s men ang bestfriend kong si Raj na super saya sa akin. Ayaw ngang isama ni Claude dahil nagseselos pero heto at kasama na nila. Ang gwapo din ng bestfriend ko pero mas gwapo si future hubby ko. Ang maid of honor ko si Ashley bestfriend ko eh wala akong magagawa. Then sina Amber at Sabrina ang bride’s maid ko at si Babes. Iyong pinagselosan ko, pinsan pala ni Claude iyon muntik ko ng makulam kung sakali. Mabuti nalang at mabait ang bruha, para siyang bidang kontrabida dahil mabait na mataray. At Babes talaga ang palayaw nito.

            Si Miggy ang ring bearer ko, ang gwapong bata. At isang four years old na batang babae na pamangkin ni Amber ang flower girl. Ang motif ng kasal ko? White and yellow. Mga yellow roses and yellow tulips ang nakikita kong flowers kahit na ang boquet ko. Si Claude sobrang gwapo sa suot niyang white tuxedo na halatang kabado at excited na rin. Ang ibang abay ay naka-black suite.

            Ang gown ni Ashley simple na yellow lace gown na seethrough ang likod kaya nga panay tingin ni kuya dito. Alam na, natamaan na talaga si kuya kay bestfriend manhid. Iyong mga bride’s maid ko naman parang katulad ng kay Ash ang gown kaya lang ang see through ay iyong bandang baba ng gown, meaning parang short dress siya tapos may nakadugtong na white lace na kita ang mga legs ng girls.

            At ako? Simple lang ang suot kong wedding gown. It was designed by a famous Filipino coutour na naka- based sa UK na kaibigan din niya. Mas bata sa kanya ng ilang buwan nasa paligid-ligid lang iyon si Lucille Wang. Aloof kasi iyon at medyo anti-social. She is wearing a beaded lace trumpet gown which hugs her entire figure revealing her perfectly shaped body. Hindi pa nakikita ni Claude ang gown niya dahil bawal daw baka may jinx sabi ni Claude. Siya na talaga ang overs sa excitement.

            Nagsimula ng pumailanlang ang wedding song nila na “For a thousand years” by Christina Perri. Nagsimula na ring maglakad ang ring mga sponsors, ninang at ninong, mga abay nila. Siya ang pinakahuli kaya sobrang nerbyos na niya.

Song:

Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave?
How can I love when I'm afraid to fall
But watching you stand alone?
All of my doubt suddenly goes away somehow…..  One step closer

Royale Series 1: HATE THAT I LOVE YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon