Extra 2: Pregnancy!

141K 2.8K 70
                                    

EXTRA 2: Pregnancy!

            Ilang buwan na naging mag-asawa sila ni Claude at tulad ng tipikal na mag-asawa madalas din silang nag-aaway pero agad ding nagkakabati. Katulad nalang ngayon kanina pa niya hindi pinapansin si Claude dahil nainis siyang bigla ditto kagabi. Wala naman itong ginawang masama sa kanya meron pala. Nanonood siya ng food channel ng biglang may nag-advertise ng lansones. Biglas iyang nag-crave noon at ng sabihin niya kay Claude na bilhan siya ay hindi ito pumayag dahil gabi na. Ewan ba niya bigla siyang nainis at hindi na ito pinansin at mukhang naramdaman naman nito na hindi maganda ang mood niya kaya hindi na rin siya nito pinansin kaya mas lalo siyang naasar. Kaya hanggang ngayon hindi pa rin niya ito pinapansin.

            “Belle…” tawag nito sa kanya. Abala siya sa kanyang pinapanood sa cartoon network ng mga oras na iyon. “Kumain ka na hindi ka pa kumakain tanghali na.” nag-aalalang sabi nito. Nang akmang tabihan siya nito ay bigla siyang humiga sa sofa telling him she doesnt want him to sit beside her.

            “Fine, bibili na ako ng lansones mo.” parang napipilitan nitong sabi.

            “Huwag na hindi ko na gusto iyon.” Liar, sa katunayan ay hanggang ngayon nag-ke-crave pa rin siya sa lansones. Si Raj nalang or si kuya ang papabilhin niya alam niyang hindi siya matitiis ng dalawang iyon hindi katulad ng asawa niya.

            “Bakit ba napaka-spoiled mo?” galit na rin na tanong nito. Pinaningkitan niya ito ng mata dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. “You are unreasonable!”

            “Unreasonable pala ha? Bakit ako ang pinakasalan mo sana pala nagpakasal ka nalang sa reasonable na babae.” Papatalo ba siya? Hindi no! Sa totoo lang napapansin niya na masyadong mainitin ang ulo niya this past few days hindi niya rin maintindihan ang kanyang sarili. Kahit sa office ay palagi nalang mainit ang ulo niya at madalas na siyang nagpapa-power trip minsan nga ay nakakairingan na niya si Ashley at si Amber mabuti nalang at parang naiiintindihan siya ng mga kaibigan niya.

            Pati kuya niya ay naiinis na siya mabuti nalang at hindi umiinit ang ulo niya kay Raj. Ito nalang yata ang natitirang tao kung saan hindi niya inaaway. Kay Raj lang siya mabait sa totoo lang. Kahit na sa asawa niya ay madalas niyang inaaway.

            Nakita kong kumunot ang noo nito. ”I dont understand you. I need to cool off.”

            “Huwag ka na ring bumalik.” Inis na binato ko ang remote sa sahig at nasira iyon. Parang nakaramdama ako ng sisi sa ginawa ko pero naiinis pa rin ako kaya saka na ako makokonsensya.        

            “Megan!” he yelled in disbelieve and he called her Megan ibig sabihin galit na rin ito. Aakyat na sana ako sa room naming ng bigla akong mahilo at hindi ko alam kung ano ang nahawakan ko. Kasabay ng biglang pag-ingay ay napayuko ako at may nakita akong dugo na umaagos sa legs ko. Nanginig ang buong katawan ko sa nakita ko pero hindi na ako makasigaw dahil biglang sumakit ang tiyan ko at nawala na ako ng malay.

            HINDI ko na maintindihan si Belle, lately ang init ng ulo niya. Palagi nalang siyang demanding at hindi ko maintindihan dahil paiba-iba ang takbo ng utak. Kagabi pa kami nag-aaway at hanggang ngayon. Kailangan muna naming magpalamig, aalis na sana ako ng may marinig akong nabasag sa loob  ng bahay. Agad akong tumakbo papasok ng makita ko kung sino ang nakahandusay sa sahig. Bigla akong namutla lalo na ng may makita akong dugo na umaagos sa legs niya.

Royale Series 1: HATE THAT I LOVE YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon