Chapter Seven

166K 2.9K 115
                                    

Chapter Seven

            NAKANGITING bumalik siya sa mesa nila ni Claude nawala ang lungkot niya habang kausap si Lance kanina.

            ”Baka mahipan ka ng hangin diyan hindi na maibalik ang mukha mo sa dati.” salubong sa kanya ni Claude na masama ang timpla.

            ”Bakit ba? Masama ba ang maging masaya ngayon?” para siyang bumalik sa pagiging teenager feeling nga niya ay ang pula-pula ng pisngi niya. Hindi naman ito nagtanong at kumain nalang rin. Napaka-ungentleman talaga nito. Nasa kalagitnaan siya ng kanyang pagkain ng biglang may kumatok sa salamin na nakapagitan sa kanila sa labas ng fastfood chain.

            Si Lance! Nag-wave ito sa kanya na para bang sinasabi na aalis na ito he even mouthed ‘see you around’ tapos ngumiti. Namula siyang bigla at nahihiyang ibinalik ang pansin sa pagkain. Kinikilig siya.

            ”What’s with that face? You look creepy.” Mapang-asar talaga.

            “Hay, naku Claude get a life. Masama bang magka-crush ha?” inis na tanong niya dito pero hindi naman mapuknat ang ngiti sa mga labi niya. Her cheeks were blushing and her eyes were twinkling.

            ”Matanda ka na para sa crush. Hindi ka ba nandidiri?”

            ”Ako mandidiri? Hindi no, ang gwapo kaya ni Lance. He is every girl’s dream guy.” Tumaas na naman ang kilay nito. “You know iyong gentleman, palaging nakangiti and he can make you feel special.” Tila nananaginip na saad niya.

            “Ngayon mo lang nakilala nasasabi mo na agad iyan?”

            “You know Claude.” I dreamily said and look at him. “I think I am inlove again.” Nahulog ang French fries na isusubo sana nito at napatitig sa kanya na para bang sinasabi na nababaliw na siya at wala na siya sa tamang katinuan. “His name is Lance Villar, he is a doctor. Tulungan mo akong Makita siyang muli.”

            Bigla nitong ibinato ang fries na hawak nito sa kanya napapikit siya ng tumama ang fries sa noo niya ang sama talaga ng lalaking ito.

Royale Series 1: HATE THAT I LOVE YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon