"Sakay na!"utos ni Pray at binuksan niya ang pinto ng sasakyan niya.
Aba!namumura na tong Pray na to.
Susuntukin ko na to e.Isa na lang"Anong problema mo Pray?Ano nanaman bang eksena to?"
Hindi niya ako pinapansin tuloy-tuloy lang ang pag mamaneho niya.
Ang sungit na nga malakas pa magtrip.
Abnormal ata tong Lalaki na to.
Ang lakas ng sapi!Punyeta.
^________^ PRAY
-________-WISH"Dito nalang ako Pray,Salamat"
bumaba na ko.
Bumusina muna siya bago siya Umalis.
"Tch.di man lang nag salita saltik talaga yun lalaki na yun!"inis na sabi ko sa sarili ko.
Umakyat muna ako sa Kwarto para ibaba ang Bag at mga Libro ko.
Nagbihis na rin ako.
Maya-maya ay may bumusina sa may Gate.
Si Kuya Ash,yun malamang.
Ang Aga ata ni Kuya Ahh!
Pagbihis ko ay bumaba na rin ako para salubungin si Kuya.
"Hi. Kuya Aga mo ata ngayon ah?
humalik ako sa kanya at umupo sa sofa at binuksan ko yung T.V para manuod.
"Maaga natapos ang meeting namin ngayon Bibe,o kamusta school?"tanong ni Kuya Ash
"Hay nako Ashlee,wag mo ng kamustahin ang pagaaral ng batang iyan mukhang masaya naman.Aba!Ikaw ba naman ihatid ng pulang sasakyan e."pangaasar ni Mamita sakin
"Mamita,pinilit lang ako ng Kaklase ko ihatid ako,si Pray yun Kuya yung sinasabi ko sayo masungit"
"Akala ko ba masungit?Eh bakit hinatid ka?Nililigawan kaba nun Tabibe?"pang aasar din ni Kuya Ash sakin nakakainis naman alam naman niyang ayokong magboyfriend tapos iniisip niya nag papaligaw ako WTF!
Sumeryoso ako at sumandok ng hinahain ni Mamita na Hapunan
Hmm.
Ang sarap talaga magluto ni Mamita.
Niluto nanaman niya yung isa sa
mga paborito ko kaya tumataba na ko e!:/
Kaya ewan ko ba bat sinabihan ako ni Pray na mukhang Buto.
*FLASHBACK
"Mukhang hindi ka kasi kumakain, mukha kang buto"
"Hoyy!Pray namumuro kana ahh!Anong buto tse!Yabang mo ah! Ikaw nga ang Buto dyan.
"Kumain kana ,wag kang maingay.
*END OF FLASHBACK
Tch. Mukha daw ako Buto Tss
malabo ata mata nun eh!
"Ano Tabibe,di kana nakapag salita"nangaasar pa rin si Kuya Ash
"Kumain kana nga Kuya!para kang Bakla e.Di ko yun manliligaw alam mo naman diba?Tapos mag papaligaw pako?!" natahimik na si Kuya,naiintindihan niya na kung ano yung ibig kong sabihin.
"Pasensya na Tabibe,alam ko naman kung ano yung nangyari sainyo ni Top."sagot ni Kuya. Nanlaki ang mata ko at lalong nainis binangit nanaman ni Kuya yung Pangalan niya ayoko na nga Alalahanin pa dahil pakiramdam ko hanggang ngayon ay sariwa pa ang Alaala niya kahit na ilang taon na ang nakakalipas.
Tumayo na ako at nagpaalam na aakyat nako sa taas nawalan ako bigla ng Gana kumain
"Tabibe,okay ka lang?"
"Alam mo naman Kuya diba?Sa susunod ayoko ng masali pa si Top sa usapan.Pasensya na Kuya"
Sa tuwing binabangit ang Pangalan niya hindi pa rin nawawala yung sakit sa Puso ko.
Bawat kirot at sakit,nararamdaman ko pa rin.
BINABASA MO ANG
WISH & PRAY
Romance"Ang Pag-ibig ay isang sugal,pwede kang manalo at pwede ka rin matalo"