Pagtapos namin mag celebrate sa El Nido,umuwi ako agad sa bahay para makapag pahinga.
Pray Calling.
"Hello Pray,busy kaba?"
"No.Why?"
"Samahan moko,may pupuntahan tayo."
"Sge.I'll be there 10mins "
"Ok.Bye ingat"Call End.
Maya-maya bumusina na si Pray.
Bumaba na ako at sumakay na sa sasakyan ni Pray,tinuro ko ang dereksyon kung saan kami pupunta.
Andito na kami,bumaba na kami sa sasakyan,huminga ako ng malalim.
Pakiramdam ko lulubog ako sa lupa,nanlalambot ang tuhod ko.
"Wish okay ka lang?"
"O-oo naman"
"Sinong pupuntahan natin dito?"
"Si Top,ipapakilala kita saknya"Umupo muna kami.
Tinignan ko si Pray hbang tinititigan ang puntod ni Top.
Yes,wala na siya patay na, akala niyo ba yung sinasabi kong iniwan niya ako eh,sumama siya sa iba?
Hindi,sana nga ganun nalang ginawa niya sumama nalang sana siya sa iba kesa iwan ako ng tuluyan,mas masakit mamatayan ng taong Mahal mo kesa ipagpalit ka sa iba.
Siya si Tristan Oscar Padilla,siya ang Lalaking minahal ko ng ilang taon,ang Lalaking tinuruan ako kung pano mag mahal.
Ang Lalaking nagpakita kung gaano kasarap magmahal.
"Akala ko iniwan ko niya dahil sa ibang Babae,yun pala wala na pala siya.Anong kinamatay niya?"si Pray
"Car Accident"di ko mapigilan ang Luha ko,ang sakit pa rin.
Naalala ko pa nun,hinihintay ko si Top dahil 3rd Anniversary namin.
Ang saya-saya ko ng araw na yun.
hanggang sa umabot ng isang oras,dalawang oras,tatlong oras kahihintay pero wala pa rin Top na dumating,naiiyak nako nun pero naisip ko baka may ginawa pa kaya nalate,baka traffic o kaya may dinaanan kaso magdidilim na wala pa rin Top na dumating
Flashback
"Hello!Wish si Top na Aksidente,andito na kami sa Hospital"nagmadali ang pumarma ng taxi at nagpahatid sa hospital.
Yung kaba ng dibdib ko ang bilis.
Hindi ko napigilan umiyak."Tita,asan po si Top?"niyakap ako ng Mama ni Top humagulgol siya ng iyak.
"W-wala na siya Wish,iniwan niya na tayo,Patay na siya!"
No!Top dont do this to me nangako ka na di moko iiwan.
Di ako makahinga,ang sikip sa dibdib,yung Lalaking Mahal mo bigla na lang mawawala sa isang iglap lang.
Lumapit ako kay Top,walang tigil ang Luha ko,nanlalambot ang tuhod ko hindi ko kayang tignan ang taong Mahal ko na wla ng buhay.Ang sakit sobrang sakit."Top,gising!Wag mo kong iwan nangako ka diba?Anong nangyari? Di mo na bako Mahal?Top!!Gumising ka,Top im begging you hindi ko kaya!!!Top!!" Pero kahit anong sigaw ko di niya nako naririnig,at kahit anong hiling kong bumalik siya hinding-hindi na siya babalik kahit kailan.
*end of Flashback
"Wish,wag ka ng umiyak tama na"
Nginitian ko si Pray,nagsindi ako ng kandila at nilinis ang puntod ni Top.
"Hi.Top kamusta kana?Madami bang Chicks dyan ha?"Natatawang sabi ko.
"Top kasama ko nga pala si Pray,kaibigan ko. Ilang taon na rin pala Top pero hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako,Top bakit mo ba ko iniwan?Hindi ko na tuloy alam kung pano maging masaya,kung paano ang magmahal!Hahaha!Andaya mo naman Top e,nangiwan ka nalang basta-basta."Yakapin mo naman ako Top kahit sa hanggin lang.Bulong ko sa sarili ko
Pinunasan ni Pray ang Luha ko,tinitigan niya ako at bigla niya nalang akong niyakap.
Top,ikaw ba yan?Sumapi kaba kay Pray!Tch.ano ba to naiisip ko.
"Top salamat ha?Minahal mo ko. Salamat sa lahat,Mahal kita Top kahit nasan ka man,tama si Kuya isa ka nlng magandang alaala,Miss na miss na kita Top.Hanggang sa muli!Pinapalaya ko na ang sarili ko sa Sakit ng nakaraan"Humalik ako sa puntod ni Top at yumuko at dun humagulgol ng iyak.
Paalam Top,Paalam..Mahal na Mahal kita..
BINABASA MO ANG
WISH & PRAY
Romansa"Ang Pag-ibig ay isang sugal,pwede kang manalo at pwede ka rin matalo"