*Flashback
"Miracle,Mahal kita! Bakit ayaw mo buksan yang puso mo,You deserve to be happy too.Wag kang matakot. Mahal na Mahal kita hindi kita iiwan"sigaw ni Top,habang umiiyak nakaluhod siya habang nakakapit sa binti ko.
Nadudurog ang Puso ko Top sa tuwing nakikita kitang Ganyan.
"Mahal rin kita Top,pero natatakot ako baka iwan mo rin ako.Hindi ko na kaya pag iniwan pa ko ng Taong Mahal ko baka bumigay nako pag nagkataon"umiiyak na rin ako hindi ko na mapigilan
"Wag ka naman ganyan,Miracle alisin mo yung Takot mo sa puso mo,magtiwala ka lang.Mahal na Mahal kita,Please Miracle wag mo pigilan yang nararamdaman mo alam kong Mahal mo rin ako"
Lumuhod ako at Niyakap ko siya.
Pakiramdam ko eto ang Tama.
Tama nga siguro si Top kailangan ko rin maging masaya,ngayon nalang ulit ako sasaya kaya di ko na dapat ipagdamot sa sarili ko ito.
Tinignan ko siya,pinunasan ko ang Luha niya,nakikita ko sa mata niya kung gaano siya kaseryoso at kung gaano siya nasasaktan.
"Mahal kita,Miracle"hinalikan niya ako sa Labi. Hindi ko alam pero may kakaiba ako nararamdaman eto na ata yung tinatawag nilang Pagmamahal,eto na ata yung sinasabi nilang kaligayahan.
Hindi ko na pipigilan kung ano to nararamdaman ko
"Mahal na Mahal din kita Top"niyakap ko siya.
---
*knock*knock*knock!
Nagising ako sa katok.
Napanaginipan ko siya,hinawakan ko ang Mata ko at may naramdaman akong Luha.
Yung dibdib ko naninikip, ayoko ng maalala pa dahil ang sakit pa rin pala.
"Tabibe?"tawag ni Kuya
"Pasok Kuya Ash"
"Tabibe okay ka lang?Bat ka umiiyak?
Hindi ko napigilan,niyakap ko si Kuya.Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko.
"Ssshhh.Bibe tahan na,naalala mo nanaman ba siya??Pasensya na Bibe kung nabangit ni Kuya.Di sana di mo siya naalala"hinaplos ni Kuya ang Likod ko,pinapatahan niya ako alam kong ayaw niya ako nakikita umiiyak
"Masakit pa rin pala Kuya,ang sakit pa rin dito"tinuro ko ang dibdib ko .
"Tahan na Bibe,Ilang taon ng nakakalipas masaya na siya ngayon kaya dapat masaya ka na rin"
Oo.Tama si Kuya dapat masaya na rin ako dahil masaya na rin siya.
Mawawala ang sakit pero alam kong hinding-hindi ko makakalimutan si Top.
Si Top ang unang Lalaki kong Minahal,si Top ang nagparamdam kung paano magmahal.
Top,Bakit?Ikaw pa,bakit mo ko iniwan.
BINABASA MO ANG
WISH & PRAY
Romance"Ang Pag-ibig ay isang sugal,pwede kang manalo at pwede ka rin matalo"