Gumising ako ng maaga dahil kailangan ko mag prepare para mamaya,di ko alam kung kakayanin ko basta,bahala na.
Nagpractice naman ako eh.
Nagulat ako ng kumatok si Mamita
"Wish may bisita ka,hinhintay ka sa Baba."
-_____-
Huh?Ang aga naman sino kaya yan.
"Sige Mamita susunod na po ako magsusuklay lang po ako.
"Sige.
Pag baba ko nakita ko si..Pray
Ano ginagawa niya rito
"Goodmorning Wish,dumaan ako dito para isabay ka na pag pasok"
"Nako,di mo na dapat ginawa yun,andyan naman si Kuya,siya ang taga hatid ko"
"Sige na Tabibe,sumabay kana kay Pray nag paalam na siya saamin" What the Hell
Parang nangaasar pa si Kuya,sa tono ng pananalita niya.Ay nako ewan.
Wala naman ako magagawa kundi sumabay kay Pray
"Kuya Ash,Mamita alis na kami."
"Ingat kayo Iho.Iha.
"Opo alis na po kami,maraming salamat po sa kape"
"Walang anuman iho. Basta ikaw."
"Sana makabalik ka dito Pray. Ingat sa pag mamaneho.
Tumango at ngumiti nalang si Pray,Aba mukhang close na sila ni Kuya Ash.
Naglakad na kami palabas at sumakay sa sasakyan niya.
"Wish,okay ka lang?
"Oo naman,kinakabahan lang."
"Kaya mo yan,galingan mo mamaya ha.
"Salamat,ikaw rin galingan mo sa Basketball.
10mins ay nandito na kmi sa School kinabahan ako lalo ang daming tao. Bakit ba kasi kailangan mag perform pa ko pwede naman yung Dance Squad nalang ang pasayawin ng pasayawin.
Idadamay pa ko.!Tch.
Pumunta na ko sa Backstage kasama ko pa rin si Pray nakita ko na nakaayos na ang stage na ready na rin yung Pianong gagamitin ko. Parang gusto kong umatras pakiramdam ko kasi Tra-traydurin ako ng Luha ko sa oras ng tumugtog ako.
BINABASA MO ANG
WISH & PRAY
عاطفية"Ang Pag-ibig ay isang sugal,pwede kang manalo at pwede ka rin matalo"