*Pray Pov
Good morning,back to School nanaman kami,pagkatapos ng ilang araw namin bakasyon sa El Nido.
Naalala ko si Wish kung gaano siya kalungkot kahapon.
Hindi pala talaga madali kalimutan ang Nakaraan niya.
Nakita ko sa mga Mata niya kung gaano niya kamahal si Top.
At sa bawat pag patak ng Luha niya makikita mo ang sakit at kirot sa Puso niya.
'Wish,kung kaya ko lang alisin ang sakit na nararamdaman mo ginawa ko na.
*Flashback.
"Top salamat ha?Minahal mo ko. Salamat sa lahat,Mahal kita Top kahit nasan ka man,tama si Kuya isa ka nlng magandang alaala,Miss na miss na kita Top.Hanggang sa muli!Pinapalaya ko na ang sarili ko sa Sakit ng nakaraan"
Yumuko si Wish at saka malakas na humagulgol sa puntod ni Top.Aaminin kong natutuwa ako dahil alam kong nagpapaalam na si Wish kay Top,handa na siya kalimutan ang sakit ng nakaraan pero ang bahagi ng Puso ko ay may unti-unting kumukurot dahil Mahal niya pa rin si Top.
Alam kong hindi madaling kalimutan si Top.
*end of flashback
Mabilis akong nagasikaso ng naisipan kong supresahin si Wish.
Paa kahit sa pamamagitan lang ng effort ko maipakita at maparamdam ko saknya kung gaano ko siya kamahal.
Tinawagan ko si Gray,Tim at Daniel na tulong nila ako.
Inutusan ko silang punuin ng Lobo ng Classroom namin.
Umalis nako sa bahay,dahil dadaab muna ako sa Flowershop para bilhan si Wish ng Pink Roses.
Nagmamadali ako nag drive papuntang School.
Habang naglalakad ako sa Hallway naririnig ko ang mga bulungan ng mga studyante.
'Ang swerte naman nung babaeng nililigawan ni Pray no?
'Waahhh.Ang sweet ni Pray,ang dami niyang dalang Pink Roses.
'Sabi nila si Wish daw yung nililigawan niya.Ang Swerte ni Wish.
Kung alam lang nila ako ang swerte kay Wish pag nagkataon.
Pumasok na ako sa room at napuno nga ito ng Lobo na hugis puso.
Maaasahan ko talaga sila Gray.
"Ano Pray?Okay naba yan?tanong ni Gray
"Salamat sainyo,maaasahan talaga kayo.
"Wala yun sana magustuhan ni Wish to"sabi ni Timothy habang inaayos niya ying mga bulaklak.
"Teka tatawagan ko si Wish,para alam natin kung parating na siya at para pag pasok niya sa pinto tutug-tug kana Pray"si Daniel.
BINABASA MO ANG
WISH & PRAY
Romance"Ang Pag-ibig ay isang sugal,pwede kang manalo at pwede ka rin matalo"