Ashlee Pov
Pag uwi ko galing Office may kakaiba ako narinig sa Loob ng Bahay.
Si Wish,tumutugtog ng Piano.
Nagtatakang tanong ko sa isip
Anong naisipan niya at nagustuhan niya ulit mag piano.
*Flashback
"Close your eyes Baby,and make a wish"si Mama habang ang dalawang kamay niya ay nakatakip sa mata ni Wish.
"I want a Piano" hiling ni Wish.
di niya alam pag dilat niya nasa tapat niya na ang gustong-gusto nyang Piano.
Mahilig kasi talaga si Wish kumanta at tumugtog.
Binuksan ni Wish ang mga Mata niya at nakita niya agad ang kulay itim na Piano.
Ang ganda ng mga Ngiti niya nun. Sobrang saya niya dahil meron na siyang Piano.*end of Flashback
Umakyat ako sa Taas at pinuntahan ko si Wish sa Kwarto niya,habang naglalakad ako naririnig ko ang Boses niya.
Wala pa rin nag bago magaling parin siya Tumugtog at kumanta.
NP:Iingatan Ka
'May nagmamahal aakay sayo,
Aking ina ikaw ang nagbigay ng buhay ko,buhay na kay Ganda...Tumigil si Wish sa Pagtugtog
naririnig ko ang Lungkot sa boses niya.
Ang sakit sa bawat lettra ng kinakanta niya.
Si Mama,naalala nanaman niya.
"Tabibe,pwedeng pumasok si Kuya?Tanong ko kay Wish habang nasa tapat ako ng pintuan niya.
"Tuloy ka Kuya.
Binuksan ko ang pinto.
Nakita ko siya nakayuko sa may Piano at umiiyak
"Wish,umiiyak ka nanaman. Bakit kaba kasi nagPiano naalala mo tuloy si Mama,nalulungkot ka nanaman."
"Sorry Kuya,need ko lang talaga mag Piano kasi may Performance ako sa School bukas,kaya kailangan ko tiisin yung pag ka lungkot ko kay Mama"
"Wish,pwede ka naman tumangi sa School kesa ganyan ka nahihirapan ka alam natin na ikaw ang pinaka nahirapan nung nawala si Mama.
"Di pwde Kuya,mapapahiya si Tim pag di ako nakatugtog bukas sa School Okay lang ako Kuya. Miss na miss ko lang talaga na si Mama" Niyakap ko siya ng Mahigpit.
Umiyak siya sa Balikat ko hinayaan ko lang siya para gumaan ang pkiramdam niya.
Eto ang Totoong Wish.
Nasasaktan,Mahina,Umiiyak.
at lahat ng Ngiti na pinapakita niya alam kong peke lang yon tinatago niya lang ang Totoong nararamdaman niya.
"Ssshhhh. Bibe tama na pahinga kana,para bukas maganda lalo ang Boses mo wag ka masydong umiyak baka mapaos ka"hinalikan ko na sa noo si Wish at tumayo na palabas ng kwarto niya.
"Goodnight Wish,andito lang si Kuya tandaan mo yan!Iloveyou Tabibe"
"Thanks Kuya,Goodnight. Hmm. Pag ikaw ang nawala sakin hindi ko na alam kung kakayanin ko pa Kuya."
Ngumiti nalang ako saknya at sinarado ang pinto niya.
May kumurot sa bahagi ng Puso ko nung sinabi niya yun.
"Thanks Kuya,Goodnight. Hmm. Pag ikaw ang nawala sakin hindi ko na alam kung kakayanin ko pa Kuya."
Bigka na lang may tumulo Luha sa mata ko.
Hinding-hindi kita iiwan Wish. Pangako.
BINABASA MO ANG
WISH & PRAY
Romance"Ang Pag-ibig ay isang sugal,pwede kang manalo at pwede ka rin matalo"