Bumalik na ako sa Hospital
kasama si Kuya Ash at Mamita.
naghahalong excitement
at kaba ang nararamdaman ko.
"Are you Ready,Wish?"tanong ni Kuya Ash.
Ngumiti lang ako at pumasok na sa loob,pag pasok namin andun na sila Gray,Daniel at Timothy,andun rin ang Mommy at Ate ni Pray.
Lumapit ako sa Mommy ni Pray at humalik,ganun din kila Gray.
Lumapit ako sa kama ni Pray at ginising siya.
"Babe?"gising ko sakanya at sabay hinalikan ko siya sa noo
"Andito ka na pala"si Pray
"Babe may gusto sana akong sabihin eh"
"Ano yun?"nakangiting sabi niya.
"Babe,I want to marry you."
nakita kong naiiyak agad si Pray
"Wish,di mo kailangan gawin to.
Mamatay na ako,wag mong itali ang sarili mo sakin"Mamamatay na ako
Halos durugin ang puso ko pag naririnig kong sabihin niya ang salitang yan.
"Babe wala akong pakielam ikaw ang mahal ko ikaw lang,wala na kong gustong iba"
"Wish salamat.Ayokong mas masaktan kapa,you deserve to be happy."
"P-pero ikaw ang kaligayahan ko,sayo lang ako sasaya.Please Babe marry me"inilabas ko ang singsing sa bulsa ko at isinuot ko sakanya.
"Mahal na Mahal kita Pray Conde,hanggang sa huli ikaw lang"
"Mahal na mahal din kita Wish Miracle Lucas"hinalikan ko siya sa labi..namiss ko ang halik niya tumingin ako kila Gray napansin kong nagsisiiyakan na rin sila.
'Pray,kung alam mo lang kung gaano ako kasaya.Mahal kita
BINABASA MO ANG
WISH & PRAY
Romance"Ang Pag-ibig ay isang sugal,pwede kang manalo at pwede ka rin matalo"