Chapter 4 : The Reckless and The Brave
"Basic humiliation does not work on the finest.."
Tulala pa din ako after nang nangyari but hell it’s just a kiss and take note na sa tip lang naman ng nose iyon! Wait, sign of adoration iyon right? Pero kahit na kakakilala palang namin tapos makahalik sa ilong ko akala mo friends kami! FC masyado baka mamaya pinapagpapawisan yung ilong ko that time diba? Hindi man lang nagpasintabi. Nakakainis! At bakit sa tip ng nose lang?!
Kunwari ayaw medyo gusto din naman. Sabi ng alter ego ko. Heh! Buti nalang at nagsalita na yung host na last 30 minutes na lang daw para sa “7 in Heaven” thing so bumalik na kami sa kanya-kanya naming pwesto.
As usual I talk with some guys yung iba hindi kinakaya ang pagtataray ko kaya bago pa mag 7 minutes umaalis na sila haha! Yung iba naman naiintimidate daw sa’kin duh. Why? Yung iba naman sinasabi na off-limits na daw ako kaya makikipagfriends na lang daw sila.
Off-limits? Kaya nga ako nandito dahil single and available ako ugh. Tinanong ko sila kung bakit at sasabihin lang nila na dahil daw kay Chance sikat nga talaga ang loko.
Last seven minutes na lang so I’m enjoying myself with All Time Low’s Coffee Shop Soundtrack ang ganda kasi ng kantang to eh tapos fan pa ako ng ATL Songs nahawa ako sa ex ko, ng mapansin ko sa gilid ng kaliwang mata ko na may papalit sa table ko kaya lumingon ako sa bandang iyon and holy mother of macaroons! It’s…him.
Damon Crosse Alonzo. Woah. Akala ko hindi siya kasali dito eh kasi hindi naman siya lumalapit sa mga babae nasa isang gilid lang siya. Chill lang. Girl-phobic yata to eh? Lakas talaga MakaVampire Diaries ng name niya sayang lang at hindi Salvatore lastname niya. Lol.
But wait, another Teenage Kings. Na naman?!
“Hey.” Ang lalim at ang lamig ng boses niya. Naaalala ko talaga si Damon sa aura niya. Creepy yet good-looking. Mysterious yet very attractive. Coolio. I smiled at the thought then greeted him, too.
“Hi.”
Tumaas ang kilay niya sabay nagsalita, “What are you smiling at?”
He has this rugged look at iyong aura na bored and emotionless ay hindi mawawala. One thing I noticed is his hair. He preferred the tousled style. The kind of hair that you would run your fingers through without having to brush it. The kind that covers apart of his face so that you would have to flick it back. Hot. Too-good-to-be-true-kind-of-guy indeed..
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. There's something about him that I want to know more. Hindi ko alam kung ano. Masungit nga lang. Lara is right.
“Nothing. I just remember Damon ng Vampire Diaries sa name mo,”
“Ah.” Tumingin lang siya sa akin at napairap. What? May nasabi ba ako? Sa pagkakaalam ko naman wala ah. Problema ng isang to?
Tinaasan ko siya ng kilay! Kung suplado siya mas suplada ako! “What was that?!” Medyo nairita na ako kasi parang napilitan lang siyang puntahan ako dito at parang utang na loob ko pa na kinakausap niya ako. Hindi ko naman siya pinilit dito no! Nginitian ko na nga siya tapos ganito pa nakuha ko? Hindi makatarungan!
“What? Let’s get one big straight here don’t think too full of yourself hindi porket nilapitan kita dito feeling mo interesado na din ako sa’yo. Wag feeling miss napakiusapan lang ako ni Chance and definitely you're not my type.” He said then smirked at me. Wow. That was… Hard.
I’m starting to lose my temper so I tried to save face.
“Wow. I didn't realize your brain's incredibly tiny that those measly words get tangled up in your mind. Don’t worry ni sa hinagap hindi ko inisip na interesado ka sa akin and please if you're going for the bad boy persona try harder, it's not effective.” Sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Crash and Burns
Teen Fiction❝ Are you single and looking for someone who has that extra spark? What are you waiting for? Enter the fast-paced world of RoadRunner Romance where singles have the opportunity to date a lovelorn singles in one evening. Give yourself a try and follo...