(10) So Close

198 44 10
                                    

Note: Click the vid on the right side while reading this alright? Princess Hours Feels! Malapit na ulit siyang ipalabas on Nov. 18! Ohmyy. If you know what I'm feeling dudes. ;) Isipin niyo si Chance and Max. :) 

__________________

Chapter 10 : So Close

“I did not want to hear more. I am scared that I might put to heart that 'feeling' once again with which im struggling to pull myself away from…”

Talk about the person you've had the most intense romantic feelings for. Well, he’s my first that’s why. Siya nga. My ex.

Si Lars.

Nag smile siya tapos lumapit siya sa akin, “Be-! Max! Long time no see ha. Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo? Sila Lara ba?” Sunod-sunod na tanong niya sa akin. Its been uhh… 8 months?.. mula noong huli ko siyang nakita.

Honestly, hindi naman talaga siya playboy or womanizer yun lang ang gusto kong isipin because he did to me what most typical playboys do.

Yes, he cheated on me. He tried explaining things, sabi niya he was boozing that time not to mention that the girl he was ‘going at it’ drugged his drinks so wala daw siyang control sa mga ginagawa niya, wala din siyang alam sa mga nangyayari. Unfortunately, papunta ako noon sa pad niya and there I saw everything with my very own eyes. Ayoko nang maalala ‘yun kaya pinilit kong kalimutan. It’s gross.

I broke up with him noong una ayaw niyang pumayag… he even begged for me na huwag ko siyang iwan pero the damage has been done kaya ayaw niya man.. pumayag na din siya. Ayoko ng mga nakita ko. I’m so wrecked that time all thanks to him buti nandiyan ang mga girlfriends ko para icomfort ako.

After that, he’s so persistent to pursue me again, ramdam ko naman ang efforts niya pero sa tuwing nakikita ko siya paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ‘yung scene na yun hanggang sa hindi ko na nakaya sinabi ko sa kanya na magstop na. I’m done. Ngayon na lang ulit kami nagkausap at nagkita.

“Hi. Oo nga eh.” Nagsmile ako sa kanya. Hindi ko na sinagot ‘yung isa niya pang tanong.

No hard feelings and I moved on already.

Nakatitig siya sa akin kasabay ng mapupungay niyang mata. “I missed you.”

“Lars..”

“Yes, I know.” Ngumiti siya ng pilit sa akin. “Kamusta ka?”

“I’m.. good. Ikaw?”

“Same old. Same old. Mas lumala nga lang ngayon, wala ka na eh,” Nakikita ko sa mata niya ang lungkot pero wala na naman akong magagawa. We had our time.

Lalapit  pa sana siya sa akin ng biglang may nagsalita sa likod ko.

“BABE!”

Uh-oh. Sabay pa kaming napatingin ni Lars sa likod ko.

“Kanina pa kita hinahanap! 30 mins na ata kitang hinahanap eh!!!” napatingin siya kay Lars, “Sino naman to??” Yung tingin niya parang mangangain eh. Nakakatawa ‘yung itsura niya. Haha!

Lars stared at him for a minute then blinked. “C – Chance Villareal?” Hindi siya pinansin ni Chance. “Lars. Max’s ex.” Napalitan ng coolness ‘yung pagkagulat niya sabay abot ng kamay niya kay Chance shake hands ata. Ang kumag naman tiningnan lang ‘yun tapos biglang ngumisi sabay hila sa akin at umakbay pa.

“Hey dude, Thanks for looking out my girl ah? Chance Villareal her future.” Nakaakbay pa din siya sa akin.

OMG. Anong sabi niya?! Grabe, yung puso ko ayaw na namang makisama. Nagrarally na yata ang mga butterflies sa tiyan ko. Nooo! Gutom lang ‘to! Right?!!

Crash and BurnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon