(6) Walking Disaster

241 46 13
                                    

Chapter 6: Walking Disaster

"Is fate toying around with me?"

Kinagabihan, nangagati na akong tingnan yung mga pictures so I opened my lappy and searched through google and typed their group’s freaking name which is The Teenage Kings, yuck, The Crooks kamo. -.- May mga infos ng lumabas at nakita ko ‘yung site na www.Theteenagekings.com so I clicked that one. Nandoon ang mga facts, news, activities at kung ano-ano pang nonsense things na related sa apat. Wow. Parang mga artista lang ah.

When I was browsing it may nakita akong Chance LOVER na account, Damon ANGELS, Drewwiechasters, Zikkinatics, at kung ano-ano pang lame group ng mga kababaihan na fans nila. They’re insane right? I checked Chance Lover’s account… 525,867 followers?! Woah. Seryoso ba silang Chance Lover talaga sila?! I also checked the account of those three, weird, mas madaming followers si Damon?! For real? Except pa syempre ‘yung real account nila. I know that because Chance, Drew and Zikki followed me through Twitter and IG I don’t know why.

Habang gulat na gulat ako sa nakikita ko there’s something that caught my attention and… poof, it was indeed the pictures! May caption na…

“Our king Chance Villareal caught being intimate with this girl and suddenly kissed her at Finders Keepers event, how legit is that? Nonetheless, that girl is indeed a lucky girl!” (See the pictures below.)

Tiningan ko ngang mabuti yung picture and holy shizz mukha ngang intimate kami para sa kanila which is not true. Yung isang picture nandoon yung ‘wild dance’ namin ni Chance which is nakatalikod ako sa kanya habang siya naman ay nakahawak sa bewang ko, ‘yung isa naman ay iyong slow dance na nakasandal yung ulo ko sa dibdib niya habang nakayakap siya sa akin at ‘yung isa naman ay iyong sinasabi nilang “halikan daw” na sa ilong lang naman. Luckily, walang kahit isang lumabas na kita talaga yung itsura ko, mostly nakatalikod ako or nakatagilid pero si Chance obvious talaga na siya. So I still browsed the site and read some facts about them. Feeling ko after kong mabasa yung mga iyon sobrang kilala ko na sila. Hindi ko alam pero nainis ako sa nakita kong facts about sa kanya. At feeling ko gusto ko siyang makilala.

__________________

Morning after…

Papasok na ako sa school, as usual. Si Lara tulog pa mamaya pa daw class niya si Sofia naman maagang pumasok, student council kasi. Figures.

I started walking outside, makulimlim parang uulan pa yata ngayong araw. Dahil 8 pa lang naman naglakad nalang din ako papuntang school malapit lang kasi talaga 7-8 minutes pag nilalakad lang kaya go na ako. Nang makarating ako sa school ganoon pa din ang daming students na pakalat-kalat kahit umaga palang well, sa Manila State University ka ba naman mag-aral eh.

“Nagpunta daw ang The Teenage Kings dito kahapon?!”

“Yes! I even see Zikki ang cute niya talaga!”

“Sana maglaro ulit sila dito sa school festival!”

“Oo nga next month naman iyon eh ahihi excited na ako!”

Hayy. Teenage Kings na naman. Tss. Oo nga pala next month na ang school festival ah. Naglaro pala sila dito last year? Oh. Naglalakad pa din ako hanggang sa ngumiti sa akin ‘yung ibang students.

“Hi, Max!”

“Good Morning Maxene!”

“Morning.” sabi ko sa mga students na binabati ako sabay ngiti sa kanila. I don’t know kung bakit nila ako binabati. Omg! May alam kaya sila na ako ‘yung ‘girl’ na ‘yon? Hindi naman siguro, tsaka usually may bumabati na talaga sa akin. It’s not about being narcissist or what eh. Hayy ewan.

Crash and BurnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon