Chapter 3

4.5K 169 9
                                    

Tristan's POV

Its been 2 days mula nang maoperahan si Kia at maalis sa kanyang utak ang tumubong tumor at ito na ang huling araw nang tinaning na oras na pag gising ni Kia dahil kung hindi ay idedeklara nang doktor na siya ay under in state of comatose, kung kaya't matinding kaba ang nararamdaman ko ngayon. Kasama ko ngayon ang mom at dad ko pati na rin ang bunso kong anak na si baby Stan dahil dadalhin ito nila mommy at daddy sa kanyang pediatrician para macheck up at pati na rin ma-immunize samantalang ako naman ay pupunta kay Kia upang bantayan ito dahil gusto kong ako ang kauna unahang taong makikita nya.

"Mom, Dad? Hatid ko muna kayo sa pedia ni Baby Stan bago ako magtungo sa hospital room ni Kia." Sabi ko sa aking mga magulang nang makarating kami sa parking lot nang hospital.

"Okay anak, i hope magising na si Kia" tugon sa akin ni mommy at bakas sa mukha nito ang lungkot kahit nakangiti.

"I know she'll gonna make it mom, she loves us, she'll never gonna leave us behind" puno nang kumpiyansa kong sabi rito.

Lumabas na kami nang sasakyan at tumuloy na sa loob nang ospital at nagtungo na sa opisina nang pediatrician ni baby Stan. Iniwan ko na sina mom at dad kasama ang bunso kong anak nang maihatid ko na sila roon, binigyan ko nang isang mabilis na halik sa noo ang bunso kong anak na mahimbing na natutulog sa bisig nang kanyang lola saka ko tinungo ang hospital room ni Kia.

"Hi hon! Sorry natagalan ako ah.. Idinaan ko pa kasi sila mom at dad pati na si Baby bunso sa kanyang pediatrician para sa regular check up." Nakangiting sabi ko sa aking asawa na wala paring malay hanggang ngayon.

Mabilis ko namang inayos ang mga dala kong gamit sa isang drawer katabi nang kama ni Kia, inilagay ko rin doon ang mga dala dala kong bulaklak. Matapos kong gawin iyon ay inumpisahan ko nang linisan si Kia gamit ang basang bimpo,nang matapos ko itong linisan ay iniligpit ko na ang mga ginamit kong panglinis sakanya at saka ko inumpisahang masahihin ang buong katawan nito dahil ayon sa nabasa kong isang article ay nakakabuti sa isang comatose patient ang pagmasahe sa mga parte nang katawan nito upang sa gayon ay gumanda ang functions nang mga nerves nito sa katawan.

"Hon alam mo ba miss na miss kana nang mga bata. Nauubusan na nga ako nang palusot dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanila ang kondisyon mo ngayon, kaya sana naman gumising kana...." Malungkot na sabi ko rito.

Bigla namang bumukas ang pintuan at iniluwa nun ang doktor ni Kia.

"Goodmorning Mr. Samaniego" bati nito sa akin.

"Goodmorning din po dok." Ganting bati ko rito.

Agad naman nitong chineck si Kia at dumating naman ang isang nurse at itinurok nito ang gamot sa naka-kabit na swero ni Kia. Matapos iyon ay agad rin nagpaalam ang doktor ni Kia dahil may mga iba pa itong pasyenteng kailangang asikasuhin.

"Hon? Sandali lang ahh magbabanyo lang ako..." Sabi ko rito.

Pumunta ako sa banyo, nanag tapos na ako mag banyo ay biglang may narinig akong maingay na nanggagaling sa kwarto ni Kia. Nagmadali akong lumabas nang banyo at tumungo sa kinaroroonan nang ingay  at nakita kong nanggagaling ang ingay na narinig ko sa banyo sa mga aparatong naka-kabit sa aking asawa, matinding kaba ang bumalot sa akin at tila naipako ako sa aking kinaroroonan nang biglang dumating ang mga doktor at nurse at mabilis na inasikaso ang aking asawa. Nakaalis lamang ako sa aking kinaroroonan nang bigla akong kabigin nang isang nurse upang lumabas nang kwarto ni Kia at doon lamang ako natauhan kung kaya't pumiglas ako rito upang makalapit sa aking asawa ngunit hindi ako nito hinayaan.

"Sir kami na po ang bahala sa kanya! Maghintay na lamang po kayo sa labas.." Sabi nito sa akin.

"Hindi!! Hindi pwede!! Kailangan ako nang asawa ko!!" Pagtutol ko.

"Sir please po! Lumabas na po kayo kami na pong bahala sa asawa nyo!" Sabi pa nito.

Tututol pa sana ako nang biglang may humawak sa aking braso at nakita ko ang aking ina. Puno nang kalungkutan at awa ang mababakas sa kanyang mukha kaya't hindi ako nakatagal sa pagtingin rito. Habang naghihintay lumabas ang mga doktor, walang tigil naman sa pag rigodon ang aking puso dahil sa sobrang kaba at takot na nararamdaman ko lalo't alam kong nasa bingit nang kamatayan ang asawa ko ngunit heto ako walang magawa para matulungan man lamang siya.

"Lord please help my wife! Save her please!!" Dasal ko.

Napatayo ako bigla nang mapansin kong lumabas na ang doktor mula sa kwarto ni Kia at agad ko itong sinalubong sa may pintuan nang kwarto ni Kia.

"Doc?! How's my wife?" Nag aalalang tanong ko sa doktor.

"As you can see, your wife have just experience seizure and i hate to say this but- " putol na sabi nang doktor.

"Im sorry Mr. Samaniego but your wife is in state of comatose" malungkot na deklara nang doktor.

Tila gumuho ang aking mundo nang marinig ko ang sinabi nang doktor at unti unting pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan saka napailing iling dahil hindi ko matanggap ang sinabi nito.

"NO!!!! Gigising pa ang asawa ko!!! Hindi yan maaari!!!!" Histerikal kong sigaw saka mabilis kong nilapitan at niyakap ang walang malay na si Kia.

"Hon! Gumising kana please!!!" Umiiyak kong sabi habang pilit akong pinapakalma nila mommy.

"Son? Please stop it! May mga anak kang nangangailangan sayo! Manalangin ka lang sa diyos at tutulungan ka niya. Magtiwala ka lang!" Mahinahong sabi nang aking ina.

Napaupo na lamang ako sa sahig dahil sa sobrang sakit at panlulumong aking nararamdaman. Ngunit tila nagkaroon ako nang lakas nang makita kong buhat buhat ni Daddy si Baby Stanlie na ngayon ay mahimbing na natutulog sa kanyang bisig. Nanghihina man ako ay sinikap kong tumayo saka marahang lumapit rito, kinuha ko ang aking anak saka ito kinarga at dahang dahan na inihele.

"Anak para sainyo magiging malakas si Daddy!" Bulong ko sa sanggol kong anak saka hinalikan ito sa noo.

Marahan akong tumingin sa kinaroroonan ni Kia at isang determinado at buong desisyon ang ginawa ko.

"Hihintayin ka namin Kia hanggang magising ka! Maghihintay kami nang mga anak mo! Kahit na mahirapan ako hon, kakayanin ko para sa iyo at sa mga anak natin dahil alam kong pilit kang lumalaban sa pinagdadaanan mo.. Alam kong gigising ka at babalik ka sa amin nang mga anak  natin.. Mahal na mahal na mahal kita hon!" Saad ko sa aking isipan habang unti unting nag uunahan ang mga luha ko sa paglandas sa aking pisngi.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sorry lame update... Sobrang busy po ni author.. Halos wala na po akong time pero gumagawa naman ako nang paraan para makapag update.. Im sorry mga readers.. Sana maintindihan nyo si author..

Please vote and comment guys!!

Love Lots❤️

-LiL_jham💋

IGPBAS book2: A Father's Temptations Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon