Chapter 10

3.4K 102 6
                                    

Tristan's POV

Pagkahatid ko kina Kara at Larius sa kanilang eskwelahan ay agad na akong tumungo rito sa aking opisina para sa isang urgent meeting. Ngayon ko kasi imi-meet ang hahawak sa isa sa mga importanteng account na kailangan makuha nang kompanya ko. Papasok na ako sa aking opisina nang salubungin ako nang aking sekretarya.

"Goodmorning sir, Ms. Lopez is already waiting for you at the conferrence room." Sabi nito saka iniabot sa akin ang isang folder

Tinanguan ko lamang ito saka tuloy tuloy na pumasok sa aking opisina.

Pagkapasok ko sa aking opisina ay agad kong inilapag ang office suitcase ko sa sofa at hindi na nag abalang tignan ang folder na iniabot nito sa akin saka tinungo ang connecting door papunta sa conferrence room.

Shocked is written all over my face,  nang makita ko kung sino ang kameeting ko ngayon, ganoon rin ang reaksyon nito nang makita ako.

"You/ikaw! " sabay naming sabi.

Lahat nang tao sa conferrence ay may bakas nang pagtataka sa kanilang mukha habang nakatingin sa amin.

Nang makabawi ako sa aking pagkabigla ay agad kong kinalma ang aking sarili saka dumiretso sa aking upuan.

Agad kong binuksan ang folder na ibinigay sa akin nang aking sekretarya. Bigla naman nangunot ang aking noo sa aking nabasa.

"Vanessa! Call Mr.  Del Prado right now! " inis na sigaw ko sa aking sekretarya.  Mabilis naman nitong tinawagan ang H. R department head.

"S-Sir Mr. Del Prado is already on his way up here. " nanginginig na tugon nang sekretarya ko.

Sinulyapan ko naman ang babaeng nakatayo ngayon sa aking harapan ngunit hindi ko mabasa kung ano man ang tumatakbo sa isipan nito ngayon.

Naalis lamangg atensyon ko sa pagpasok nang lalakeng pinatawag ko.

"Is there anything problem here couz? " tanong nang magaling kong pinsan habang cool itong umupo sa isang swivel chair dito sa loob.

"Are you out of your mind Joseph!! " bulyaw ko rito at natatagis ang bagang ko sa sobrang inis.

"Hey!  Chill lang dude!  Ano bang pinuputok nang butsi mo riyan?" Patay malisya nitong sabi at prente parin sa pagkakaupo nito.

"Why did you hire an unexperienced to handle this very important account!  Are you insane?!  What are you thinking huh?!" Singhal ko rito.

Nagulat na lamang ako nang may tumamang sapatos sa ulo ko.

"Who the hell did that?! " galit na sigaw ko.

"Hoy!  Hindi porke ikaw ang may ari nitong kompanya ay maaari kanang mang husga at mang bulyaw nang ibang tao!!! Oo siguro nga wala pa akong masyadong experience sa ganitong field pero alam ko sa sarili ko at papatunayan ko pa sayo na lalampasan ko pa yang standards at expectation mo!!! " inis na bulyaw nito sa akin.

Tila napatda ako sa sinabi nito pero isang ideya ang pumasok sa aking isipan at sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa aking labi habang nakatingin sa babaeng may lakas nang loob gawin ito sa akin.

"Let's see what you can Ms.  Lopez" sabi ko rito.

Taas noo itong nakatingin sa akin habang hinihintay ang sasabihin.

"Prepare your first presentation in this account within 48hours then i'll make the decision whether i give you the fully chance to take this account" walang emosyong sabi ko rito.

"This meeting is adjourned" maawtoridad kong sabi saka tuluyang tumayo sa aking upuan at tumungo sa pintuan para lumabas ngunit bago ko pa pihitin ang siradura ay nilingon ko muna ang babaeng nakatulala lang sa kawalan.

"And one thing Ms. Lopez, i'll take this shoe of yours.  Total ibinigay mo na ito sa akin. " naka smirk ko sabi habang dala ang sapatos na ibinato nito sa akin.

Emman's POV

"Arrrgggggh!!! Nakakainis!!! " impit na tili ko habang ipinapadyak ang paa ko.

Tiningnan ko ang repleksiyon ko sa salamin dito sa girl's cr at kita ko ang pamumula nang mukha ko dahil sa sobrang inis. Napatingin naman ako sa aking paa dahil paano ako makakaalis ngaun dahil wala akong pansapin sa paa ko dahil kinuha nang hinayupak na lalakeng iyon.

"Haissst!  Bakit ko ba kasi naisipang sapatos ko pa ang ibato doon sa aroganteng iyon! " inis na sabi ko sa sarili habang sinasabunutan ang buhok ko.

Napalingon na lamang ako nang marinig kong bumukas ang pintuan nang banyo at may pumasok na mga empleyado at parang naweweirdohan na nakatingin sa akin.

Mabilis ko namang inayos ang aking sarili saka ngumiti sa mga ito pero sa tingin ko hindi ngiti ang nangyari parang ngiwi pa ata.

Nagmadali na lang akong lumabas sa c.r at hindi nalang pinansin ang mga taong nakatingin sa akin. Taas noo nalang akong lumakad nang diretso hanggang sa narating ko ang elevator. Ngunit parang mas lalo akong nagsisi dahil dapat ginamit ko nalang ang hagdan kesa elevator dahil puno ang elevator at lahat sila nakatingin sa akin na nakayapak lang. Tila nanliit ako dahil sa kung paano nila ako tingnan. Pasara na ang elevator nang may humabol rito at muli itong bumukas.

"Ms. Lopez" hinihingal na sabi ni Mr. Del Prado.

"Yes. Mr. Del Prado? " nagtataka kong tanong rito.

"Ahm-here" nakangiti nitong sabi habang may inaabot na paper bag.

"What is this? " takang tanong ko parin dito.

"Haisst! Obviously its a shoes. Its just a token of appreciation from what you did earlier.  Thanks. Anyway i need to go back mukhang nakakaabala na ako.  See you tomorrow Ms. Lopez" nakangiting sabi nito bago tuluyang sumara ang elevator.

"Sino kaya yan? Ang swerte naman binigyan siya ni Sir Joseph nang regalo"

"Di naman maganda! Masyadong feelingera! Sadyang mabait si sir Joseph kaya siguro binigyan siya. "

"Naku girl mukhang wala na tayong pag asa kay sir Joseph, siya na nga lang natira kasi may asawa na si sir Tristan eh. "

Ilan lang yan sa mga naririnig kong bulungan kanina pa pero ang higit na umagaw sa atensyon ko ay may asawa na pala talaga ang hambog na yun.

"Ano kaya nagustuhan nang asawa nya sa hambog na yun? " tanong ko sa aking isipan.

Nang mapansin kong kanina ko pa hawak ang ibinigay na paper bag sa akin ni sir Del Prado ay agad ko iyong binuksan at nakita ko ang isang pares nang itim na stilleto na 3 inches ang taas.  Mabilis ko itong isinuot at laking pasalamat ko na kumasya ito sa akin. Saka ko naalala ang utos nang hambog na iyon.

"You can do this Emman. Mama mo nga di mo inurungan yun pa kayang hambog na yun!  No way! Aja Emman Aja! " sabi ko sa aking sarili.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Isang mabilisang update.

4 chapters to go at malalaman niyo na kung anong mangyayari kay Kia.

Iloveyou dear readers.  Thanks!

LoveLots💗

-LiL_jham💋

IGPBAS book2: A Father's Temptations Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon