Chapter 6

4.2K 141 16
                                    

Emman's POV

Ang cute naman nang mag amang yun! Pero mukhang BH (brokenhearted)yung tatay, wala manlang sparkle sa mga mata nito. Haisssst ang tanga tanga naman nung babae para iwan ang ganon kagwapong lalake at sobrang cute na baby! Hmmmpp!! By the way readers, Im Emmanoeth Lopez, at isa akong architect, actually kakauwi ko lang galing states dahil na rin mas gusto ko ang buhay dito sa pinas kesa doon, and i want to be an independent dahil gusto kong patunayan sa mom ko na kaya kong mabuhay nang wala ang tulong niya dahil lagi niyang ikino-compare sa akin ang pinsan ko, yung anak nang kapatid niya na namatay sa cancer. Anyway masyado ko nang naidaldal ang buhay ko kaya hanggang jan lang muna, punta muna ako sa Spa at Salon para marejuvinate ang beauty ko may job interview pa ako bukas eh.

Tristan's POV

Pagka uwi namin ni baby Stan galing mall ay agad kaming sinalubong nang kambal.

"Hi daddy! Hi baby Stan!" Nakangiting bati sa amin ni Kara.

"How's your day twins?" Nakangiting pangangamusta ko rito.

"Dad i got a perfect score kanina sa spelling quiz!" Buong pagmamalaki ni Kara.

"Psh! Spelling? Just a piece of cake Kara." Pang aalaska naman ni Larius.

"Atleast i got a perfect score! How about you?" Mataray na sabi ni Kara habang naka cross arms ito.

"I got a perfect score dad in math quiz and my teacher said if its okay with you dad kung ako raw ang isasali nila for mathwizards contest" pagmamayabang naman ni Larius.

"Dad me too! Sabi ni Teacher kung okay lang raw po sa inyo na isali nila ako sa spelling quizbee" sabi rin ni Kara na halatang ayaw magpatalo sa kakambal.

"Okay, okay! Slow down kids, pasok muna tayo sa loob at duon na natin yan pag usapan sa dahil medyo marami at may kabigatan itong dala ko." Nakangiti kong sabi rito.

Agad namang tumalima ang dalawa saka kinuha ang tig-isang supot na may konting laman na grocery upang tulungan ako sa pagbubuhat. Kahit sa maliliit na bagay ay natutulungan ako nang kambal at napapangiti na lamang ako sa maturity na pinapakita nila.

Nang maibigay ko na kay manang Tessa ang mga pinamili ko ay ipinaghanda niya kami nang mga anak ko nang meryenda dahil nakalimutan ko palang kumain nang lunch kanina.

"Heto na ang meryenda nyo" sabi manang Tessa habang inilalapag sa mesa ang dala nitong sandwich at juice.

"Salamat po nanay Tessa!" Nakangiting sabi ni Kara sa matanda.

"Naku oo ikaw bata ka, walang anuman anak" nakangiting tugon ni manang Tessa kay Kara saka tuluyan na itong bumalik sa kusina.

Matapos mag meryenda ay pinatulog ko na agad si baby Stan saka ko tinungo ang aming kwarto ni Kia. Naligo muna ako saka nagbihis dahil bibisitahin pa namin ni Larius ang mommy nila.

"Let's go dad?" Aya sa akin ni Larius na ngayon ay nakasilip sa bukana nang pintuan nang aming kwarto.

Tinanguan ko lamang ito saka ko kinuha ang susi nang kotse at sabay na kaming lumabas para pumunta na nang ospital.

"Bye dad! Bye Larius! Just give my mom my regards,hugs and kisses!!" Sabi ni Kara habang tinatanaw nito ang papalabas naming sasakyan sa gate nang bahay.

Habang nasa daan ay tahimik lamang na nakikinig si Larius sa kanyang i-pod, nang mapadaan kami sa isang flower shop.

Inihinto ko ang sasakyan sa tapat nang shop saka sabay kaming bumaba ni Larius nang sasakyan. Kung aakalain mo ay binatang binata na kung kumilos si Larius, cool na cool itong bumaba nang sasakyan habang suot nito ang kanyang rayban at inayos ang nagusot nitong collared polo shirt.

IGPBAS book2: A Father's Temptations Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon