Chapter 18

6K 234 362
                                    

Tristan's POV

Kasama ko ngayon si Travis na kagagaling lamang sa bakasyon at ngayon ay parang asong ulol kung makangiti.

"Hoy Trav! Muntanga kana kanina pa! Ano bang nginingiti ngiti mo jan?" Takang tanong ko rito.

"Sa gwapo kong to? Muntanga? Hahahah sayo pwede pa pare!hahahaha" mayabang na sagot nito.

Hindi na lamang ako sumagot sa kahambugan niya dahil paniguradong makakarinig lamang ako nang mas maraming kahambugan nya at baka bagyuhin na kami.

"Congrats nga pala at salamat dahil nai-close mo ang deal with our american investors" pag iiba ko nang topic.

"Sus! Wala yun. Diba sabi ko nga sayo pare consider it done.hahahahah" pagyayabang nanaman nito.

Napapailing nalang ako sa kayabangan nito at patuloy parin ito sa pagbibida sa kanyang sarili nang biglang mag ring cellphone ko, at nang ito ay aking tingnan pangalan ni Emman ang nakarehistro sa screen nang cellphone ko.

"What is it?" Diretsang tanong ko rito

"Can we talk?" Tila naiinis na sabi nito

"I cant. Im in a meeting" pagtanggi ko

"Its an important matter Mr. Samaniego." Seryosong sabi niya sa kabilang linya

"Is it urgent? Or you can wait?" Seryosong tanong ko rito

"Its urgent and it cant wait any longer" madiin na sagot nito

"Okay. Pabalik na ako jan sa opisina. Maghintay ka nalang sa conference room." Sabi ko saka madaling pinatay ang tawag.

"Si Emman ba yun pare? Bat parang iniiwasan mo?" Nagtatakang tanong ni Travis

"Wala to pare. Tara balik na tayo sa kompanya." Sagot ko rito saka mabilis na tinungo ang kotse ko sa parking area.

~Samaniego Empire Builders~

Tristan's POV

Kasama ko ngayon si Travis patungo sa conference room para makausap si Emman tungkol sa urgent matter na gusto nitong pag usapan.

"Teka pare punta muna ako banyo. Sunod lang ako sayo" sabi ni Travis saka nagmadaling tinungo ang daan papuntang comfort room.

Nang makarating ako sa conference hall ay agad kong nabungaran ang seryosong mukha ni Emman kasama ang isang babae.

"What do you want-"

Naputol ang sasabihin ko nang bigla akong sampalin ni Emman.

"What the-" gulat na sabi ko.

"How dare you!!! Akala ko iba ka Tristan!! Coz you're a very gentleman. But I was wrong about you!!! What did you do to my bestfriend!!!!" Galit na sabi nito.

"What are you talking about! I dont know what are you saying!" Inis na sagot ko rito.

"You dont know??!! Nakalimutan mo na ba tong babaeng to na nasa tabi ko??? Yung babaeng iniwan nang karelasyon nya dahil sa kagaguhang ginagawa mo!!!"galit na sabi nito habang pilit siyang inaawat nang babae niyang kasama.

"What??? Eh hindi ko nga kilala yang kasama mo!!! At siniraan??? Hell no!!!!! Di ko magagawa yan!!! Maliban nalang kung siya si Kia!!! Kahit makapatay pa ako wala akong pakialam makasama ko lang sya." Singhal ko pabalik rito.

Bumalatay ang sakit na naramdaman ni Emman sa kanyang mukha nang marinig ang sinasabi nito. Ngunit agad rin itong nakabawi at galit na tinignan ito.

"C'mon Debs!! Tell in his face yung kinwento mo sakin kanina!!!!" Matapang na sabi ni Emman kay Debs pero nanatiling nakatingin sa akin.

"Uhmmm E~Ems" nauutal na sabi ni Debie.

IGPBAS book2: A Father's Temptations Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon