Chapter 9

3.1K 119 11
                                    

Tristan's POV

"Dad!!! Ang daya naman eh!! Ang tangkad tangkad mo kaya di kami manalo ni Larius sayo!!!" Reklamo at maktol ni Kara.

"(Chuckled) twins paano kayo mananalo sa akin sa laro kung puro kayo reklamo, think and do some strategies." Sabi ko rito.

Napaisip naman ang dalawa sa sinabi ko kaya agad silang nagbulungan dalawa.

"Game!! " masigla at buong determinasyon na sabi nang kambal.

Nagsimula na kami sa pag soshoot nang bola at talagang na-amaze ako sa ginagawang laro nang kambal, kung kanina ay halos mag agawan silang dalawa sa pagkuha nang bola ngayon ay salitan silang dalawa sa pagshoot nang bola kaya ang nangyari ay isang bola palang ang naishoshoot ko sa kanila ay dalawa na. Nang matapos kami sa paglalaro ay nanalo ang kambal dahil na rin sa good team work nila.

"Paano ba yan dad?  Natalo ka namin ni Larius, can we get our prize now? " nagniningning ang mga mata na sabi ni Kara.

Tanging tango lamang ang naitugon ko saka ginulo ang buhok nang kakambal nitong si Larius.

"Dad!" Maktol ni Larius habang ang kakambal naman nito ay walang humpay sa katatalon dahil sa tuwa.

"Kara what do you want to get as your prize? " tanong ko rito.

"I want bike dad! " masayang sabi nito.

"You Larius? " nakangiti kong baling sa kambal nito.

"I just want mommy to be with us again" tipid na sagot nito.

Tila napawi ang ngiti sa aking mukha nang marinig ko ang sagot ni Larius,  tila ganun rin si Kara dahil biglang nawala ang napakagandang ngiti nito.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko saka lumuhod sa harap ni Larius para makapantay ko ito.

"Larius you know I can get and give to you whatever you want but for now i cant give what you want,  its up to your mom to fight for her life to be with us again and i know she's still fighting for it,  for us. " malungkot na paliwanag ko rito.

"I know dad" malungkot na tugon nito.

"Dont be sad twins!  This day is supposed to be our bonding day,  we should be happy.  Kung nakikita lang tayo nang mommy niyo di yun matutuwa pag nakita niya kayong malungkot. " pagchecheer up ko sa mood nila.

"Uwaaaaaaaaaaah uwaaaaaaaaah! "

"Dad i think baby Stan wants to go home now. " sabi ni Kara.

"I think so" tugon ko rito saka inalo si baby Stan na ngayon ay nasa baby carrier na suot ko.

Ngunit kahit anong gawin naming pagpapatahan rito ay hindi parin ito tumitigil sa pag iyak.

"Shhhh.. Baby Stan stop crying daddy's here.. " pagpapatahan ko kay baby Stan.

Pumunta muna kami sa sitting area nang mall para patahanin si baby Stan.

"Dad what's happening to baby Stan? " tanong ni Kara at bakas sa mukha nito ang pag aalala.

"Dad maybe we should go to hospital" natatarantang suhestyon naman ni Larius.

"Its okay twins, daddy can handle it. " sabi ko rito habang patuloy na inaalo ang kanilang kapatid.

Inalis ko muna si baby Stan sa baby carrier dahil siguro ay nahihirapan na ito roon. Ngunit hindi parin ito tumitigil sa pag iyak, nakakaagaw na kami nang atensyon kung kaya't kinuha ko na ang mga gamit namin para umalis na,  nang biglang..

"Hey!  Hindi ganyan ang pagpapatahan sa baby. " sabi ni Emmanoeth saka kinuha si baby Stan.

Nagulat ako sa biglang pagdating nito,  at kunin mula sa akin si baby Stan, pati ang kambal ay nagulat sa ginawa nito.

IGPBAS book2: A Father's Temptations Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon