Chapter 4

4.7K 159 6
                                    

Tristan's POV

~one month later~

"Dad? Gigising pa po kaya si mommy?" Malungkot na tanong ni Kara sa akin.

"Oo naman princess! Diba? Mommy is a strong woman? Im sure she'll gonna make it..for us.. Because she loves you and your siblings so much.." Paliwanag ko sa aking anak.

Isang tipid na ngiti naman ang naging tugon nito.

Matapos ideklara nang doktor ni Kia na comatose ito at walang kasiguraduhan kung gigising pa ito ay agad kong napagdesisyunan na hindi na ilihim sa mga anak namin ni Kia ang totoo, dahil yun ang tamang gawin at ayokong ipagkait sa kanila ang katotohan. Nang una ay hindi nila agad naintindihan at hindi nila matanggap ang kalagayan nang kanilang ina ngunit sa huli ay unti unti rin nilang naintindihan ito at buong tapang na tinanggap ang kalagayan nang kanilang ina hindi dahil sa wala na silang magagawa kundi dahil alam nila sa kanilang puso at isipan na kayang lumaban at bumangon nang kanilang ina mula sa pagkaka comatose nito.

"Dad we need to go, i think Larius and baby Stan are waiting on us." Sabi sa akin ni Kara.

Marahan naman akong tumango sa kaniya bilang pagtugon.

"Okay princess. But before we go magpaalam kana muna kay mommy" Sabi ko rito.

Dahan dahan naman itong lumapit sa tabi nang higaan nang kaniyang ina upang magpaalam.

"Mommy, daddy and I we'll go for now but daddy and Larius we'll be here tomorrow to come back and visit you. Please wake up soon mom! We miss you so much! See you later mom! I love you so much!" Paalam nito sabay halik sa pisngi nang kaniyang ina.

Lagi ko lamang naririnig sa kambal na "see you later" lamang ang sinasabi nila sa kanilang ina dahil ang katwiran nila ay magkikita pa sila nang kanilang ina at ayaw nilang "mag-goodbye" dahil hindi raw sila iiwan nang kanilang ina.

Natigil lamang ako sa aking pagmumuni muni nang makalapit na sa akin si Kara at hinila na nito ang aking kamay.

"Dad?" Tawag pansin nito sa akin habang nakahawak sa aking kamay.

"U-Uhmm yes princess, we are going home." Nakangiting sabi ko rito.

Bumitaw naman ito sa pagkakahawak sa akin at ako naman ay unti unting lumapit sa kaniyang ina para bigyan ito nang isang mabilis na halik sa noo.

"Please wake up soon hon! I miss you so much!! I love you!" Bulong ko rito saka tuluyang tinalikuran ito upang akayin na si Kara para umuwi.

Pagkalabas namin nang hospital ay tumingin muna ako sa aking relo.

"7:45 pm, Masyado na palang gabi, hindi pa kami nakakapag dinner ni Kara, im sure si Larius naman ay hindi parin kumakain dahil alam kong inaantay niya kami nang kanyang kapatid." Saad ko sa aking isipan.

Nilingon ko naman ang anak ko na nakahawak sa aking kamay habang nakatingala sa akin.

"Princess, I know your twin didn't eat yet his dinner because his still waiting for us to come,I think we should buy food at a restaurant." Sabi ko rito.

"That's a good idea Dad" pagsang ayon nito.

Mabilis naming tinungo ang naka-park kong sasakyan saka pinasakay si Kara sa backseat nang kotse, isinuot ko rito ang seatbelt nito saka isinara ang pinto nang backseat at mabilis na umikot para sumakay sa driver's seat. Nang makasakay ako ay agad kong binuhay ang makina nang bigla akong tawagin ni Kara.

"Dad put your seatbelt on!" Utos nito sa akin.

"It's okay princess, i dont need to use seatbelt,i'll be fine" nakangiting tugon ko rito.

IGPBAS book2: A Father's Temptations Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon