Chapter 1

11.6K 211 22
                                    

Tristan's POV

"Baby Stanlie here's your milk na!" Malambing na sabi ni Kia sa anak namin.

Andito kami ngayon sa aming kwarto at kaharap ko ngayon ang aking laptop at nagtatrabaho, magmula nang manganak si Kia ay nag homebased nalang ako sa trabaho tutal naman ay puro paperworks lang ngayon ang gagawin ko at pag may mga meeting lang ako saka ako umaalis nang bahay. Gusto ko kasi masubaybayan ang paglaki nang bunsong anak namin ni Kia dahil hindi ko ito nagawa sa aming kambal.

Napansin kong marahang hinihilot ni Kia ang kanyang sintido saka dahang dahang umupo sa gilid nang aming kama. Mabilis naman akong lumapit rito dahil sa pag aalala ay tinanong ko ito.

"Hon? Are you alright? You looked pale.." Nag aalalang sabi ko.

Marahan lamang itong umiling at tipid na ngumiti sa akin.

"Dont worry hon, im alright.. I-Im just tired." Sagot nito.

"I think you should rest now hon, ako nang bahalang magbantay kay baby Stan." Nakangiting saad ko rito saka ko ito iginaya sa paghiga saka ginawaran nang masuyong halik sa noo.

"You sure hon? Marami ka pang trabahong gagawin, baka mapuyat ka lang sa pag aalaga kay baby, you know naman na he is only 3 weeks old at mejoh pabago bago pa ang oras nang tulog nya" dire diretsong sabi ni Kia.

Ngunit ngunitian ko lamang ito saka hinalikan sa labi.

"Dont worry hon, i can manage" nakangiting sabi ko.

Ngumiti na lamang ito sa akin saka umayos na sa pagkakahiga para magpahinga.

"Goodnight hon!"

"Goodnight too!" Nakangiting tugon nito saka marahang pumikit para matulog.

Binalikan ko naman ang ginagawa kong trabaho ngunit nang nakaramdam ako nang antok ay pinuntahan ko ang anak kong bunso na mahimbing na natutulog saka ginawaran ito nang halik sa noo.

"Goodnight my little angel" nakangiti kong sabi sa nahihimbing na tulog kong anak.

-3 am

"Aaaaaaaaaaaaahhhhhh!! Ang sakit!!!!" Hiyaw ni Kia habang nakahawak sa kanyang ulo.

Bigla naman akong napabangon dahil sa paghiyaw nito, pati ang anak kong bunso ay nagising at umiiyak na ngayon. Hindi ko alam kung sino ang uunahin ko pero agad kong tinawag si manang Tessa upang ipakuha ang anak kong sanggol saka inasikaso si Kia para dalhin sa ospital.

"Manang Tessa kayo na ho muna ang bahala sa mga anak namin dadalhin ko muna si Kia sa ospital. Pasensya na ho sa abala." Paalam ko sa matandang katiwala namin saka mabilis na dinala sa ospital si Kia na ngayon ay wala paring tigil sa pag iyak dahil sa sakit na nararamdaman.

Nang makarating kami sa ospital ay mabilis kong binuhat si Kia saka dali daling dinala sa emergency room, mabilis naman siyang inasikaso nang mga doktor at mga nurse, kilala nila kami dahil isa kami sa mga share holders dito sa ospital.

"Dok ano po ba ang nangyayari sa asawa ko.?" Tanong ko sa doktor na umaasikaso sa asawa ko.

"Mr. Samaniego we have to do some test to your wife para malaman namin kung ano ba talaga ang sakit nito." Sabi sa akin nang doktor.

Npatingin na lamang ako sa aking asawa na ngayon ay kumalma na dahil sa itinurok ditong gamot at pampakalma.

Ini-admit muna si Kia sa ospital para isailalim ito sa mga test para matukoy nang mga doktor ang sakit nito.

"Hon?" Tawag ko rito dahil nakatingin lamang ito sa bintana habang malalim ang iniisip.

Mabilis naman itong napalingon sa aking kinaroroonan at mababakas sa mukha nito ang kalungkutan.

"Hon? Uuwi muna ako sa bahay para i-check ang mga bata. Babalik rin ako mamaya" paalam ko rito.

Marahan naman itong tumango saka tumingin muli sa bintana.

Dahil sa ikinikilos nito ay hinawakan ko ang kamay nito saka marahang pinisil.

"Hon? What's bothering you? C'mon tell me." Sabi ko rito.

Ngunit hindi ito tumugon kaya hinawakan ko ito sa kanyang baba saka marahang iniharap sa akin.

"Tell me hon what's bugging you?" Marahang sabi ko rito saka mataimtim ko itong tinitigan.

Bumuntong hininga naman ito at maya maya pa ay tumingin na ito nang diretso sa aking mga mata.

"What if I am sick hon, what if i am dying already? I just cant leave you all like this. Ayokong iwanan kayo nang mga anak natin. Paano kung matulad ako sa mommy ko. I just cant afford to know that I am dying." Malungkot nitong sabi hanggang sa tuluyan na itong napahagulgol.

"Shhhhhh... Hon dont think that way, let's be positive baka nga nabinat ka lang dahil sa sobrang pagod kakaalaga mo sa amin nang mga anak mo. Dont think too much hon. Dont stress too much yourself. Magpahinga ka muna." Pag aalo ko rito.

Niyakap ko naman ito nang mahigpit at nang maramdaman kong tumigil na ito sa pag iyak ay humiwalay na ako sa pagkakayakap rito saka pinahid ang mga luhang naglandas sa kanyang pisngi.

"You need to rest hon para makauwi ka na our children miss you so much." Nakangiti kong sabi rito.

Dahan dahan naman itong tumango at ngumiti sa akin nang tipid. Hinalikan ko naman ito sa kanyang noo saka tuluyan nang nagpaalam para umuwi.

~Tristan Samaniego's Residence~

Tristan's POV

Hindi ko masagot ang mga katanungan nang mga anak ko, dahil maski ako ay hindi ko alam kung ano ang nangyayari kay Kia at kung ano ang sakit nito.

"Daddy? Can we visit mommy at the hospital?" Malungkot na sabi ni Kara.

Lumuhod naman ako sa harap nito saka ngumiti para mapagaan ang kalooban nito.

"Princess hindi pa kasi pwedeng puntahan si mommy kasi she really needs to rest." Pagpapaliwanag ko rito.

"But Daddy we really miss mommy so much." Halos naiiyak na nitong sabi.

Hinapit ko naman ito palapit sa akin saka niyakap.

"Shhh.. Baby dont cry.. Daddy and Kara with Larius and baby Stan will visit mom soon."

"Promise?" Sabi nito at humiwalay sa aking pagkakayakap.

"Promise." Nakangiti kong sabi habang itinaas ang aking kanang kamay at tila'y nanunumpa.

Dahil sa sinabi ko ay sumilay na ang ngiti at saya sa kanyang mukha saka niyakap akong muli dahil sa kagalakan.

"Im so sorry princess dahil naging pabaya ang daddy sa health ni monmy" malungkot kong naiusal sa aking isipan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sorry for the short update.

Inaayos ko pa kasi ang plot nang story at kung anong magandang ending.

:-)

Please vote and comments

Love Lots❤️

-LiL_jham💋

IGPBAS book2: A Father's Temptations Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon