KABANATA 05
Habang naghihintay si Kianey sa mga kaibigan, hindi niya maiwasang mataranta. Kanina pa siya paikot-ikot sa SUV habang sinusuri ang bawat taong makakasalamuha niya, umaaasang iyon na ang dalagang kanina pa niya hinihintay. Napakagat siya sa kanyang kuko hindi pa rin dumadating mga kaibigan niya at bakas ang pangamba sa kanyang mukha.
Nanlaki ang mga mata ni Kianey at napahinto siya sa kalalakad nang mapansin niya si Aiken sa 'di kalayuan na papalapit sa kanya. May dala-dala itong parang tao.
"Teka? Mari!?" bulalas niya nang mapagtanto kung sino ang akay-akay ni Aiken. Agad na rumehistro sa kanyang unyak ang mga pangyayari.
Marahas na binuksan ni Mari ang pinto ng sasakyan. Agad niyang inalalayan si Aiken para ihiga ang dalaga. Agad namang sinuri ni Kianey ang kaibigan. Maputla ang labi nito at kitang-kita ang pagkatamlay ng mukha. Inilapit niya ang kanyang tainga sa dibdib ni Mari at saka dumako siya sa mukha niya. Normal na ang paghinga nito. Nang sigurado na siya na ayos lang ang kaibigan ay agad siyang nakahinga nang maluwag.
"Anong nangyari sa kanya?" nag-aalalang tanong niya kay Aiken na ngayon ay nakatayo lang sa gilid habang pinagmamasdan ang dalaga. Nakapinta pa rin ang kaba at pag-aalala sa mukha nito.
Hinayaan muna ni Aiken ang sarili na makalanghap ng hangin bago ito sumagot.
Umiling ang binata. "Kanina, habang naghahanap ako sa kanya may narinig akong sumigaw, malakas ang kutob kong siya 'yon kaya dali-dali akong pumunta sa lugar kung saan ko narinig ang pagsigaw. At nang makarating ako do'n, hindi nga ako nagkamali, nadatnan ko na lang si Mari na nakalapag sa lupa ang katawan at walang malay." Mahabang pagpapaliwanag ni Aiken sa kaibigan nitong si Kianey. Napalunok pa ito nang ikalawang beses. Tumango-tango naman si Kianey.
Ilang segundo ring binalot ng katahimikan ang paligid. Tila ba may malalim silang iniisip. Pareho silang nag-aalala sa kaibigan, hindi nila alam kung ano ang nangyayari dito bago ito nahimatay.
"May napansin ka bang kakaiba kay Mari?" pagbasag ni Kianey sa katahimikan. Napatingin naman sa kanya si Aiken habang nakakunot ang noo nito.
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Aiken sa kaibigan. Bahagya pa itong napalapit kay Kianey.
"Hindi mo ba napapansin? Kanina? 'Yong inasal niya no'ng bigla siyang sumigaw sa loob ng sasakyan? Tapos ngayon..." napatingin si Kianey sa kaibigan nito na wala pa ring malay at saka ibinaling muli ang tingin kay Aiken."Tapos ngayon, nawalan siya ng malay," dagdag nito at saka bahagya siyang napapikit, hindi naman niya namalayan na may luha na palang tumutulo sa kanyang mga mata.
Natigilan naman si Aiken sa sinabi ni Kianey. Tila napapaisip din ang binata, ngunit walang nabubuong ideya sa kanyang utak. Tila hindi siya
makapag-concentrate ng maayos dahil na rin siguro sa kanyang labis na pag-aalala sa kaibigan."Posible kayang may tinatago sa atin si Mari?" tanong ni Kianey kay Aiken. Napatingin naman ang binata kay Kianey at saka ito ibinaling muli ang tingin kay Mari. Hindi niya masagot ang tanong ni Kianey. Hindi niya alam ang isasagot at ayaw niyang malaman ang sagot, bagama't sa tingin niya'y hindi pa ito ang tamang panahon.
Sa ikalawang pagkakataon ay muling binalot ng katahimikan ang kanilang paligid. Walang nang gustong magsalita.
"Nasaan na kaya sila Alu at Kiko?" nag-aalalang tanong ng binata at tuluyan na ngang nabasag ang natatamasa nilang katahimikan. Minabuti ni Aiken na palitan ang paksa ng kanilang usapan. Baka saan pa mahantong ang kanilang diskusyon at makapagbigay sila ng hindi konkretong katuturan.
"'Paparating na siguro ang mga 'yon," ani Kianey at minabuting pumasok na muna sa sasakyan para tingnan ang kaibigan. Naiwan naman si Aiken sa labas habang hinihintay ang iba pang kaibigan, nag-aalala na rin siya sa mga ito, sapagkat unti-unti nang nilalamon ng kadiliman ang kapaligiran.
Ilang sandali pa, natanaw ni Aiken si Alu na kumakaripas nang takbo papalapit sa kanya.
"Ayan na si Alu," usal ni Aiken para ibalita kay Kianey ang mga pangyayari. Nasa loob pa rin ng sasakyan ang dalaga habang binabantayan pa rin ang walang malay na kaibigan.
Papalapit nang papalapit si Alu sa mga kaibigan nito at ilang sandali pa'y tuluyan na nga siyang nakarating.
"Hi-hindi ko ma-makita si Ma-mari," hinihingal na bungad ni Alu sa mga kaibigan nang makarating ito. Kitang-kita sa mga mata nito ang pagkadismaya sa sarili, hindi rin maitatanggi ang nararamdaman nitong pag-aalala sa kaibigan. Napatingin naman sa kanya si Aiken at Kianey na kanina pa siya hinihintay at saka napawika.
"Ligtas na siya."
Kahit na kakarating pa lang ni Alu ay agad naman siyang pumasok sa loob ng sasakyan para matanaw ang kaibigan. Pagkakita niya'y nakahiga ito at tila walang malay. Napatingin siya sa dalawang kaibigan.
Napakunot ang noo niya. "Anong nangyari sa kanya? Ayos lang ba siya?" sunod-sunod na tanong ni Alu.
"Okay lang siya," sagot ni Aiken. Tila nakahinga nang maluwag si Alu nang marinig 'yon. Napasapo pa siya sa kanyang noo na pinuno ng pawis.
"Pero teka? Nasaan si Kiko?" tanong ni Kianey, napatingin naman sa kanya si Alu.
Muling napakunot ang noo ng binata. "Akala ko nandito na siya? Hindi kami magkasama." At napakamot na lang sa ulo si Alu.
Nanlaki ang mga mata ni Kianey at bahagyang napaawang ang bibig. "Diyos ko, saan na kaya 'yon?" wika nito at muli na namang binalot ng pangamba ang kanyang mukha. "Baka naligaw na 'yon, mahina pa naman 'yon sa mga direksyon," dagdag pa niya. Nag-aalalang napatingin siya sa mga kaibigan.
"No need to worry, makakabalik 'yon," ani naman ni Aiken, buong-buo ang pagkakasabi nito na tila tiyak na tiyak siya sa kanyang mga inusal.
"Tama, pero kung hindi pa rin siya makakalik within thirty minutes, hahanapin ko siya," presenta ni Alu.
Tumango-tango lang si Kianey at bahagyang naibasan ang pangamba sa mukha nito dahil sa sinabi ni Kiko. Nang tumingin siya sa labas, unti-unti nang nawawala ang mga tao dahil kumagat na ang dilim. May mga poste na ring pinaandar na ang ilaw. Unti-unti na ring lumalamig ang hangin.
"Sana safe lang si Kiko," wala sa sariling usal niya. Napasapo pa siya sa kanyang kumalabog na dibdib.
BINABASA MO ANG
Baryo Santa Josefa
HorrorHindi inaasahan ng limang magkakaibigan na mapapadpad sila sa baryo Santa Josefa, bagama't hindi nila inaakala na sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay sa halos walang katapusang kalsada ay maaaksidente sila. Ano kaya ang kanilang kahihinatnan sa l...