Kabanata 17

4.1K 108 6
                                    

KABANATA 17

Sa tanang buhay ni Kianey, ngayon lang siya nakakita ng taong kinitil ang sariling buhay. Napagtanto ni Kianey na hindi nga biro ang pinagdaan nito base sa kanyang narinig na namutawi sa bibig nito kanina bago ito namatay—gustong-gusto na nitong makawala sa isang hawlang kailangan may hindi niya inisip na makukulong siya.

Bigla na lang niyakap si Kianey ng isang malamig na simoy ng hangin, pagkatapos ay nagsitayuan ang kanyang balahibo sa batok at buong katawan. Napadungaw si Kianey sa itaas, kitang-kita niya ang mga punong pawang isinasayaw ng hangin, kakambal nito ang bilog na bilog na buwan na natatakpan ng kulay abong mga ulap—pawang nagtatago rin ang mga bituing tila kagaya ni Kianey na takot na takot sa mga pangyayari.

Mukhang uulan, sa isip nito matapos madama ang nakakapayapang paghaplos ng hangin.

Mayamaya'y may narinig na mga kaluskos at yabag ng paa si Kianey. Napabaling ang kanyang atensyon dito. Napatingin siya sa direksyon kung saan ito nanggagaling.

Mabilis ang mga yabag ng paa, pawang nakikisabay ito sa pulso ng puso ni Kianey. Kinakabahan ang dalaga. Dali-daling nagtago si Kianey sa lilim ng pinakamalapit na puno nang pakiramdam niya'y ang papalapit sa kanya ay may bitbit na masamang balak. Ilang sandali pa'y may narinig siya na nagsalita.

"Demonyo! Sino ang pumatay sa kanya!?" galit na singhal ng isang matandang boses, marahil ay nakita na nito ang bangkay ni Berto na nakahandusay sa damo at naliligo sa sariling dugo.

Agad na napakunot ang noo ni Kianey at napaawang ang kanyang bibig matapos mapagtanto kung kaninong boses iyon. Boses iyon ni Lola Isming! Agad na napakuyom ang dalawang kamay ni Kianey, nais niyang saksakin ng hawak niyang kutsilyo ang matandang iyon. Bagkus ay malakas ang kanyang loob na ang matandang iyon ang pumatay sa kaibigan niyang si Kiko.

"Lintik talaga! Hindi ko na siya mapapakinabangan!" naiinis na usal nito. Agad na pumroseso sa utak ni Kianey ang lahat, tama nga, hindi nagsisinungaling si Berto. Hindi nga ito ang pumatay kay Kiko.

"Mukhang may nakasunod kay Berto," ani ng isa na namang boses. Mas mariin pang ikinuyom ni Kianey ang kanyang kamay nang marinig iyon. Napamura na lang siya sa kanyang kinaloob-looban nang mapagtanto kung sino ang nagmamay-ari ng boses ng iyon. Isa sa kanyang mga kaibigan!

"Hanapin mo lang 'yan sa paligid. Baka nandiyan lang 'yan."

Doon na nga nakumpirma ni Kianey kung sino ang may pakana ng lahat ng nangyayari sa kanila. Kung gayon ay delikado ang buhay niya at pati na ang buhay nila Alu at Mari. Agad na nagsituluan ang pawis sa buong katawan ni Kianey, mabilis na kumabog ang puso ng dalaga dahil sa takot. Kailangan na nilang makatakas bago pa mahuli ang lahat! Kailangan na nilang umalis sa baryong ito!

Agad na napagdesisyunan ni Kianey ang kanyang gagawin, walang anu-ano'y nagsimula na siyang gumapang. Halos magkandasugat-sugat na ang tuhod ni Kianey habang gumagapang, datapwat ay maraming mga tinik-tinik sa kanyang ginagapangan.

Sa bawat gapang na ginagawa ni Kianey ay nakakalikha sa kanya ng nerbiyos, bagama't naniniwala siyang sa isang mali niyang magagawa ay maaari siyang mahuli at posibleng mamatay!

Sa kabilang banda, kampante naman si Kianey na hindi siya agad-agad na makikita kaya nakahinga siya ng maluwag. Malakas kasi ang hangin at nagdudulot ito ng paggalaw ng mga matatayog na damo kaya siguradong hindi siya agad mapapansin kapag nakalikha siya ng ingay o maling paggalaw, idagdag mo pa ang paligid na binabalot ng dilim.

Ilang sandali pa'y nakalayo na nga si Kianey, sinigurado muna niya na nakalayo na nga siya at hindi siya nasundan bago siya tumayo. Nang masiguro ay agad siyang tumayo at tumakbo patungo sa kubo kung nasaan ang dalawa niyang kaibigan.

Baryo Santa JosefaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon