03

25 0 0
                                        

Lumabas kami ng mall at napanood pa namin kung paano biglang bumagsak ang malakas na ulan. Parang nag-uunahan ang mga ito sa pagdapo sa lupa. Sunod sunod din ang kulog na bumingi sa akin.

Hays parang nakikisabay pa tong ulan na to sa problema ko e.

Binuksan ko ang bag ko upang kunin ang payong ko doon. Mabuti na lang at naniwala ako sa balita kanina na uulan ngayon.

"Miss pwede bang makisukob?" Tinignan ko si Kisa na may nakataas na kilay. Ano na naman bang trip nito?

"After what you said earlier you're expecting me to share my umbrella to you?"

"Yeah? Hell, hindi ka naman siguro mabubutis agad nang dahil sa nakisukob ako di ba?" Ani nito at bigla akong kinabig upang malapit sa kanya.

Agad kong naitaas ang payong upang hindi ito tumama sa kanya at ang kalahati ng katawan ko ay nakadampi sa katawan niya. He's so warm for a weather such as this.

Tsk. Kung di ko lang kilala to. Sasabihin kong nangmamanyak na to sa akin.

"Let's go home?"

"Home?" Naguguluhan kong tanong. Not until tuluyan niya na akong ikulong sa bisig niya at tumakbo kami patungo sa kinaroroonan ng kotse niya.

"What home? Magpapahatid lang ako sa bahay namin tapos uuwi ka na sa inyo." Ani ko nang tuluyan nang makapasok sa loob ng kotse. Eksakto naman ang pagsara niya sa pintuan niya.

"Are you planning to kill me? Masyadong malakas yung ulan para pagbiyahiin mo pa ako ng 8 kilometers pauwi sa amin."

I just rolled my eyes at the fact na totoo yung sinabi niya. Hindi ko naman siguro kasalanan na tagabundok siya right?

We drove in silence hanggang makarating kami sa labas ng gate namin. Nagbusina siya at awtomatikong bumukas yung gate. Ipinark niya ito sa mismong harapan ng bahay namin.

"Lena baka magkasakit ka!" Ani ng mayordoma namin na si Manang Bell na may hawak hawak na malaking itim na payong na pwede na atang pagkasyahin ang anim na tao.

"Paano naman po ako? Basang basa?" Pagpapacute ni Kisa na kung di man isa't kalahating tanga ay nagpapaulan.

"You stop playing dumb and decide whether you get your ass in here or would you rather have me kick you out?" Tinitigan ko siya ng masakit at mukha namang nasindak siya kung kaya ay agad agad siyang tumakbo sa tabi ko.

"Basang basa ka na dahil sa pagiging isip bata mo Kisa." Komento ni manang Bell sa kanya at ang gago, napakamot na lang sa ulo. "Halina nga kayo nang makaligo at makapagpalit na kayo ng damit."

Dumeretso na ako sa kwarto ko at di pinansin ang dalawa.

Kisa's POV

"Anong meron kay Lena?" Takang tanong ni auntie Bell. Nangibit balikat lang ako.

Nakakapagtaka yung mga kinikilos niya. Pati si Auntie Bell ay mukhang nasusungitan na niya. Meron kaya siya ngayon? Kung ganun ay wala ring epekto kung magmake love man kami ngayon? Hihi. Teka, ano ba tong iniisip ko. I sound like a dog in heat. Shit sabi na nga ba, kapapanood ng nyorn to e.

Don't get me wrong. Hindi ako yung manyak type pero hindi niyo naman kasi matatanggi na lalaki din ako. My bad, you may think that even if I'm a guy, I should still respect Lena coz she's my bestfriend. Nandoon na ko e. But who on their right mind would shrug off a girl like her.

God.

I personally love her natural chestnut hair. They got two layers actually. Mapagkakamalan mong short hair siya pag nasa likod niya yung lower half ng buhok niya.

Anyways, back to reality.

"Kisa, andyan ka pa ba? Gabi na kaya dito ka na lang matulog ha."
"Ugh opo." I smiled.

"Sige pumunta ka na sa kwarto mo at ipaghahanda ko na kayo ng dinner ni Lena." Sabi nito at saka na umalis.

Aha! May sarili akong kwarto dito dahil hindi imposibleng kami ni Lena ang magkatuluyan balang araw. Haha! Magandang lalaki ako, at siya naman ay medyo okay na. Shit! Haha. Mukha akong nababaliw sa mga iniisip ko.

Nagmadali akong pumunta sa kwarto ko at naligo nang makapagpalit na rin. Nakakahiya kay Auntie Bell dahil gumawa na naman ako ng lilinisin niya mamaya. Nabasa ko kasi yung sahig nila paakyat dito sa kwarto.

Nung matapos na ako ay agad akong lumabas. Amoy na amoy yung sopas na niluluto ni Auntie. Amoy magic sarap. Nagugutom na tuloy ako.

Pero hindi ako nagpatalo sa tukso ng kumakalam kong sikmura bagkus ay tinahak ko ang nalalabing hakbang patungo sa kwarto ni Lena.

Kumatok muna ako.

Joke! Haha. Di uso ang katok katok sa akin.

"Lena," I whispered.

At parang sinabi ng direktor at bumukas yung pintuan ng cr niya.

Basang basa yung katawan niya. I can see pink skin on all the right places. Her hair was put into a ponytail but as I told earlier, there was the upper half of her hair that looks like she had a c-cut.

She was holding her towel in place which remains the only thing that hides her body to my naked eyes.

"What the hell are you doing in my room?" Tanong nito. Pero hindi naman siya galit.

Naupo ako sa kama niya at tinawag siya palapit.

"Halika dito."

"Bat naman ako lalapit sayo?"

"Let's try it slowly."

"Pinagsasabi mo?" Tinaasan niya na ako ng kilay.

Sanay na akong makita yung private parts niya.

Well, that was before when we were kids?

At di ko maimagine na maappreciate ko nang ganito ang itsura niya matapos maligo. God help me, I may commit a sin to my bestfriend.

I extended my arm and held my hand for her to reach.

Mukhang nagdalawang isip siya pero inabot niya rin naman.

Lena's POV

Hindi ko alam kung bakit inabot ko yung kamay niya. I sat with him side by side while still holding my towel in place.

"Lena." He whispered in a low husky voice. Pero hindi ko pa rin maiwasan na magandahan sa kanya. Yeah he's a guy alright lalo na sa boses niya. His doll like features always deceives men to thinking that he's a girl not until he speaks and dismay crosses their faces.

"Kisa, this is not right." Bulong ko at pinatahimik niya ako sa pamamagitan ng paglagay ng kanyang daliri sa pagitan ng aking labi.

"Shh." He tucked a loose lock of my hair behind my ear. "You are the best thing that happened to me." Sabi nito. I felt a funny feeling in my gut wanting him to go on. Go on on whatever he was about to say.

"Just let me take care of you." He continues. Hinawakan niya ang aking kamay at dahan dahan akong pinahiga.

He kissed me. And telling that I didn't like it would be a lie.

"I respect you Lena. And never will I want to hurt you. I'm willing to wait." He whispers before getting up. Lumabas siya ng kwarto habang ako ay napahinga ng malalim. Yung hingang kanina ko pa pinipigilan.

I touch my forehead and still remembered how his lips felt there.

Yeah, I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon