02

40 0 0
                                        

"Well Miss Falco napapansin kong habang tumatagal ay mas lalong bumababa ang scores mo sa exams. Alam kong hindi mo kailangan ng scholarship at nagtataka pa nga ako kung bakit ka pa nagpapakascholar since may kaya naman kayo."

Bumuntong hininga ako bago iangat ang tingin sa kanya mula sa result ng exams ko na nakalog sa record book niya.

"Will you cut to the chase?" Ani ko sa kanya at sinagot naman niya ako ng iling.

"Kung magpapatuloy pa ito ay maari kang matanggal sa honor roll and I'm afraid na baka mapaalis ka na din sa school na to."

Ugh!? My mind fought to understand what she had just said.

"I'm sorry Miss Falco but I think you have to refrain from your escapades and start hitting the books instead." Aniya at saka na inayos ang mga gamit niya at iniwan akong mag-isa sa kwarto.

Tulala.

I never failed a subject before and now this? I - I just can't believe that this disease can get the best of me.

Last thing I knew, I was taking sleeping pills just to get through each and every sleepless night.

I try to review pero parang wala pa ring pumapasok sa utak ko. Parang there's this something inside of me na unti unti akong kinakain, unti unting nagpapamanhid sa akin.

Until I didn't even realize na hell week na pala namin ngayon. I cannot get my hands into whatever book. All I can think about is how to get me a baby.

Well, kailangan ko ba talagang magpakahirap ng ganito? Madami ngang nakakasurvive dyan na hindi nagkakaroon ng anak pero normal pa rin ang pamumuhay. Yung iba nga tumatandang dalaga pero mukhang okay din naman sila.

What if I don't stress myself out and just accept the fact that I will never have a child of my own. Isipin na baog lang talaga ako?

Ako kaya? Magiging okay pa rin ba ako kung tumanda akong mag-isa?

"Lena!"

"Ay nahulog!"

"Ang alin? Hahaha!"

Mabilis akong napabalikwas sa tumatawang unggoy na to.

Kung hindi rin naman kasi hinayupak bigla na lang mangtatapik sabay sigaw sa pangalan ko.

"What the hell Kisa?! Muntik na akong atakihin!"

"Anakan muna kita bago ka mamatay. Hahaha!"

Sinamaan ko siya ng tingin at naglakad lagpas sa kanya. "Not a good joke."

"Ito naman sorry naman po oh."

Tss. Napairap na lang ako saka lumabas ng classroom. I need to get home. Uwian naman na kasi at pinag-stay lang naman ako nung prof namin para makausap ako tungkol sa dropping grades ko.

"You shouldn't bring that topic up. It's annoying." Ani ko at mabilis na bumaba mula sa second floor.

Mabilis naman niya akong nahabol.

"How about dinner huh?"

Nasa harapan ko na siya ngayon at hawak niya ako sa magkabilang braso. Kinailangan ko pang tumunghay para makita yung mukha niya. Medyo matangkad kasi. Nakayuko siya ng kunti kung kaya nakapag eye to eye contact kami.

"My treat." Bigla akong napangiti na para bang di kwerdas ako at yun lang yung susi para gumana ako.

He stood straight.

"Sabi na nga ba e. Basta pagkain. Ang siba kasi." Aniya kaya bigla ko siyang nasuntok sa braso.

"Ang sama mong bwisit ka!"

"Oh san mo gustong kumain?" Well gaya nga ng kasabihan, sa dinami dami ng prosisyon sa pagkain pa rin ang tuloy. Kaya sumama pa rin ako kahit sinabihang matakaw. Aba grasya na to oh.

"Sa Mcdo para naman makapagmove on na ako. Saka magbestfriends tayo andun yung bff fries pero tig isa tayo ng order huh?!"

"Tss takaw mo talaga. Nalulugi ako sayo e. Mayaman ka naman bakit nga ba ako na lang lagi nanglilibre sayo?"

"Anong mayaman? Panong mayaman? Nakapangalan ba sa akin yung business ni daddy? Di ba hindi? At saka punishment mo ang panlilibre sa akin sa dami mo ba namang atraso!"

Tss. Itong lalaking to, ang hilig magcomplain e siya din naman tong dahilan. Pilit ko na ngang kinakalimutan yung problema ko tapos pinapaalala pa niya.

"Ugh! Aray!" Malakas ang pagkakabagsak ko sa sahigan ng mall at ramdam ko yung pagbounce ng pwetan ko sa may tiles. Ang sakit sakit para akong napaanak ng wala sa oras.

Ay di pa pala ako buntis. Tss.

Mabilis kong hinanap kung sino man yung hampaslupang bumangga sa akin at agad nanlumo nang makita ang nanlilisik nitong mga mata.

The hell with those eyes. Para siyang papatay anumang oras! I almost wanted to yell na panagutan niya ako! Dalhin ako sa hospital at baka may nafracture na buto sa akin dahil sa lakas ng pagkakabagsak ko. Kung tumitingin sana siya sa daan ay hindi ito mangyayari.

Pero pinangunahan na ako ng takot. Yung mga matang yun. Parang may pinaplano siyang masama or what. Hindi ko na natangkang suriin yung buong mukha niya dahil una nang hinigop ng mga mata niya ang paningin ko.

"Lena anong ginagawa mo dyan? Kanina pa ako salita ng salita andyan ka pala at nangangarap maging bold star."

Agad na nangunot ang noo ko sa pinagsasabi ng bwisit na to.

"Bold star pinagsasabi mo? Kung tinulungan mo kaya akong makatayo rito!?"

"Hanep ka kasing makapose pati yung palda mo naakyat na malapit sa singit mo e. Kung di ka lang nakashorts tinira na kita dito."

"Anong tinira pinagsasabi mo? Kung tirahin ko yang mata mo nitong heels ko?"

"Ito naman o hindi lang mabiro." Sabi nito habang tinutulungan akong tumayo. .

Sa Mcdo nga kami kumain at tig-isa nga ang inorder niyang bff fries at siyempre umapila pa ako ng 2pc chicken.

"Ang siba mo talaga. Tss."

"Maganda naman." I stuck out a tongue bago lapain yung chicken.

"So anyways, what did Romero tell you?"

Bago umangat ang tingin ko sa kanya ay una kong nilunok yung laman ng bibig ko.

"Ngumuya ka nga muna bago mo lunukin. Baka hindi ka makahinga dyan eh kargo pa kita." Naiiritang turan nito at inabot sa akin yung coke para makainom ako at nang tumigil ang pagsinok ko.

"Eh kasi naman, gusto ko na agad sagutin yung tanong mo e." Bumuntong hininga ako.

"I think I'm gonna be kicked out from school." Ani ko.

"Really? Are you telling me Heleina Madrid Falco's gonna be kicked out from Ishigan Colleges? THE HELEINA?" Napasandal siya sa kanyang upuan at pacool akong tinignan.

"Pwede ba? Huwag mong sinasambit yung buo kong pangalan? Mamaya may taga-Ishigan din dito e, kumalat pa." I whispered while examining the place. Mukha namang walang may pakialam pwera na lang dun sa isang grupo ng high school students na panay ang tingin sa table namin.

"My grades are dropping because of this problem I'm in. And because 90% na grades ang cut off sa atin, I think I'm gonna be so dead." I sighed as I slumped on my chair while popping some fries into my mouth.

"Maniniwala na sana ako e. Believe me. Ang kaso hindi na naman magtigil sa pagnguya yang bibig mo."

"Sorry for being so tensed!" I said sarcastically. Tss stress eating ang tawag dito.

"Hmp, why not take my proposal?" He asked all of a sudden.

"Ano na namang proposal pinagsasabi mo?"

"Let me make love to you." Halos maibuga ko sa pagmumukha niya yung kinakain ko nang rumihistro sa utak ko yung sinabi niya. Mabuti na lang at napwersa kong lunukin at nang dahil dun ay hindi na magtigil ang pag-ubo ko.

I tried to grasp onto the glass of coke and hang onto my dear life.

"What the hell Kisa!? Are you out of your mind?"

Yeah, I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon