Inaya ko si Kisa sa mall. Maaga ang dismissal nila kung kaya alas tres ng hapon pa lang ay andito na kami.
Kisa was wearing his uniform. Iyon nga lang ay tinanggal na niya at iniwan ang beige jacket niya sa sasakyan at naiwan na lang siyang nakasuot ng white long sleeves na nakatuck in sa kanyang beige slacks.
"Sinabi mo na ba kay Tito Alex?" Hindi niya ako tinignan at nagpatuloy na lamang na sumipsip sa nai cha milktea niya na binili namin sa ChowKing.
"Oo." Tipid kong sagot.
Right after naming bumalik sa bahay matapos naming pumunta sa reunion nila daddy kagabi ay inamin ko na ang buong katotohanan.
That I got kicked out from Ishigan.
That I got some issues on infertility.
That I had sex with a random guy from the bar.
Pero hindi ko binanggit ang tungkol kay Heindrick.
God, ni hindi nga ako sigurado kung siya nga iyon. Baka mamaya ay mapahiya lamang ako kung pagbintangan ko siya.
"Seriously Lena? Kinaya mo yun?" His eyes was on me now. Malago iyong pilikmata niya at mahahaba rin. That's another feminine feature of his.
Kasalukuyan kaming naglilibot sa mall. Hinila ko siya sa wrist patungo sa isang drugstore.
"Kisa bili mo ko ng pt." Pagmamaktol ko.
Ngayong nasa mismong harapan ko na siya ay nakita ko ang aktwal na reaksyon niya sa sinabi ko.
Napatakip siya sa kanyang mukha at namula hanggang sa kanyang tenga.
"Lena, umamin ka nga."
Hindi ko na siya hinayaang dugtungan pa ang sinasabi niya. Obvious naman eh.
"Oo nakipagsex ako sa iba." Syempre siniguro kong kaming dalawa lang ang makakarinig nung sinabi ko.
Alam naman natin ang utak ng Pilipino.
Napansin kong tumahimik si Kisa at saka na dumeretso sa drugstore.
Ako naman ay nagcellphone na lang habang hinihintay si Kisa na matapos.
Habang nagi-scroll ako sa facebook ay saka biglang sumagi sa utak ko iyong si Heindrick.
Hindi na masama kung siya man ang maging tatay ng magiging anak ko. Hindi ko na poproblemahin ang lahi ng baby ko. Yummy na sarsarap pa. Hihi.
Ilang sandali pa ay may kung anong trip ang binulong ng bongol kong konsyensya.
Sinilip ko si Kisa at hayun siya nakapila pa rin. Mukha ngang wala sa sarili niyang nakatayo doon.
Inumpisahan kong tumipa sa keyboard ng cellphone ko para hanapin ang account ni Heindrick.
Medyo madami iyong lumabas pero siyempre nahanap ko agad yung profile niya.
Nakatayo siya sa dagat at may hawak na surfboard. Basa ang buhok at nakasuot ng shades. Tapat na tapat yung araw at mukhang ang init init. Pati ako pinagpapawisan nung makita ko iyong abs niya.
"Oy."
"Ay, kalabaw!"
Muntik ko nang maitapon yung cellphone ko sa gulat. Mabuti na lamang at napahigpit ang hawak ko pagkatapos. Dali dali ko iyong tinago sa back pocket ko at saka na umayos ng tayo mula sa pagkakasandal ko sa poste.
"Ito na yung pinapabili mo." Inabot ko iyong maliit na paper bag mula sa kanya at saka siya tinaasan ng kilay.
"What's with the look? Bat ang taray taray mo ha?"
