07

21 0 0
                                    

"Hinay hinay lang naman sa pagkain. Alam kong masiba ka pero parang panghukbo na yang nilalamon mo e."

"Can you just shut up kung wala kang magandang sasabihin?"

Sinamaan ko ng tingin si Kisa at uminom ng malamig na cola. Hoo. That is so refreshing.

"Alam mo Lena, kung gaano ka katakaw, ganun din kabilis mag-iba ng mood mo. Baka naman buntis ka na?" Mabilis akong natulos sa kinauupuan ko nang marinig ang sinabi ni Kisa.

Para akong tinapunan ng sibat at pigil ang aking hininga. Am I pregnant? Napailing ako sa aking sarili. Nah, that's impossible. Imposible naman talaga di ba? Imposibleng mabuntis ako. Isang beses ko lang naman ginawa a. Well kung saka sakali, iyon naman talaga ang gusto ko hindi ba?

Pero babalik na si dad ng Pilipinas. This can't happen. I mean, hindi ko pwedeng idisappoint si dad ng dalawang beses. Hindi pwede.

"Huy Lena! Joke lang! I was just kidding. Wala pa naman tayong ginagawa kaya imposibleng may mabuo di ba?" And with that tumawa siya ng malakas. I know, this might be a joke for him, but for me, I'm in deep kind of shit.

"Haha. Funny." Inirapan ko siya.

Paano na ako nito? I don't know when he's going to come back! I know my dad can pull some jokes pero ito na siguro ang pinaka hindi nakakatawang joke na gagawin niya.

"Ito naman. So anong plano mo sa pagbalik ng dad mo? You do realize that you can't keep everything a secret right?" Inangat ko ang aking tingin upang magkasalubong ang mga mata naming dalawa.

He knows dad's gonna be back. Of course sinabi ko agad sa kanya upon knowing. Akala ko kasi matutulungan niya ako. Yun pala ibabalik niya rin yung tanong sa akin. You're a really great help Kisa Kravough. I thought to myself.

"Alin? School or my pregnancy deadline?" Mamili ka. I almost wanted to add.

"Hmm. Let me think." He acted like he's deep in thought while caressing his imaginary goatee. "Both?" He shrugged.

"Yeah. Great help Dolly." Napailing ako. "Anyways. Have you finished eating?"

"Why, you gonna ask for my meal too??" He fake shocked. "Pansin ko lang, nananaba ka na. Magdiet ka nga Lena."

I rolled my eyes on his remark. "I just thought you're helping me find a school right?" Nakakagigil talaga tong si Kisa. Tss.

"Kala ko e..." Hindi niya na ipinagpatuloy ang sinasabi bagkus ay tumayo na. "Let's try Filipa Colleges." Ani nito at inalalayan ako palabas ng food chain.

"What? An all girls' school?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Yeah, is there something wrong?"

"Paano ako makakahanap ng magiging ama ng anak ko kung puro babae ang asa school na papasukan ko?"

"Well duh. I'm gonna be the baby's dad. Kaya sa all girls' school ka. I can be jealous sometimes yah know?" He winked at me that made me blush a little.

Oh Kisa. I feel like by looking at you, my conscience is already eating me alive. Kung malaman mo ang mga nangyari nung gabing yun, will you still treat me the same? I'm starting to feel sorry on calling you dolly sometimes, just because you look like a girl. Pero ngayon, napakaresponsable mong kaibigan. I wouldn't know what to do if I don't have you.

"Well, you have amazing grades Miss Falco." I've gained my hopes up upon hearing what the Directress have to say after looking at my credentials. "But I've got to say, currently we don't accept transferees in the middle of the semester. I'm sorry." Her words came out in slow motion. Kumbaga, bawat salita ay isa isang nanunuot sa aking pandinig. Yung pag-asang nabuo ko kanina, parang biglang naglahong parang bula.

She said that my grades are top notch, then why? Am I not good enough? I do know that I have the highest grades back at Ishigan. Hindi pa ba yun sapat? Hindi ba niya kilala ang school na pinaggalingan ko? Or is my last set of grades, the reason why I was kicked out, the main reason why she can't let me in?

"Are you okay Miss Falco? You look pale." Bigla kong naramdaman ang pagpisil ni Kisa sa aking kamay. Yeah. Asa tabi ko nga pala siya.

"It's okay Lena, marami pang schools dyan." Bulong niya sa akin. I forced out a smile.

"I'm okay ma'am. Thank you for considering." Tumayo ako but I almost lost balance.

"You sure you're okay?" Nag-aalalang tanong ni Kisa sa akin nang bigla akong mapakapit sa kanya. Tumango ako.

Nagpaalam na lang kaming dalawa at sumakay na sa kotse.

Agad na tinuon ni Kisa ang sarili sa akin. "We can't go on with you acting like this. Mukhang masama ang pakiramdam mo. Why are you even denying it?"

"Dolly, please. Mas malakas pa ako sa kalabaw. I'm okay." Ngisi ko rito. "Now, where are we gonna go next?" Tuon ko sa kanya. He just stared straight in my eyes then.

"We are going on a date." Ngisi nito sa akin at pinaandar na ang kanyang kotse.

"Yung totoo, nasubukan mo na bang makipagdate?" Mapanudyong tanong sa akin ni Kisa. I just answered him with a snort.

"How can I go on a date kung may isang lalaking laging nakabuntot sa akin?"

"Kasalanan ko bang mas maganda ako sayo at ako lagi ang inaalok nila ng date?" Tanong nito na may halong pang-aasar.

"Ang sagwa Kisa. Ang sagwa talaga." Pailing iling kong tugon sa kanya not until bigla niya akong hilahin papunta sa isang fair.

It is not an extravagant fair. Isa lang iyong normal na perya na may mga simpleng rides. May mga maliliit na kainan sa paligid at unti unti nang dumadami ang tao sa paligid. Marahil siguro ay palabas na ang mga estudyante sa kanikanilang mga eskwelahan.

"Gusto mo bang kumain or magrides muna?" Sunod na tanong ni Kisa. Tinagilid ko ang aking ulo bago siya tignan.

"Carousel?" Taas kilay kong sagot na sinagot naman niya ng isang matamis na ngiti.

Yeah, I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon