"Ms. Falco are you listening? You're spacing out."
Agad na bumagsak ang baba ko mula sa pagkakasalang nito sa aking palad at tumingin kay ma'am. Lahat ng mata sa classroom ay kasalukuyang nakatingin sa akin. "Ugh, I'm sorry ma'am." Ani ko at pinanood lang siyang mapailing at muli ding bumalik sa kanyang pagtuturo.
Nanliit ako sa kinauupuan ko dahil sa nangyari.
"So that's it for today, anyway class, the students who passed this semester will be posted in the campus bulletin. You can also check it on the school's official website. Good luck." Ika niya at tumingin sa akin.
Parang alam ko na ang resulta.
My shoulders dropped as I massaged my temples. Narinig kong magsitayuan ang mga kaklase ko at lumabas ng kwarto.
Hindi ko pa man nakikita ang nakapaskil sa labas ay hindi ko na mapigilan ang pag-uunahan ng mga luha ko sa pagbagsak.
Ilang buwan na rin ang lumipas pagkatapos kong makuha ang diagnosis ng sakit ko at ngayon ito pang isang problemang to ang dumagdag na naman sa listahan ng kamalasan ko.
Paano ko naman to sasabihin kay daddy? Malaking kahihiyan ito sa kanya. Tss. Tanginang buhay naman to o.
Shit!
Ilang minuto pa akong nagtagal sa kwarto bago mag-ayos at magdesisyong lumabas na.
"Lena!" Bigla na lang bumulaga ang pagmumukha ni Kisa sa may gilid ng pintuan pagkalabas ko. Tuwang tuwa siya.
Buti pa siya.
"Have you seen the result yet? I came 2nd!" Pagdagdag nito.
"Ows?" Walang gana kong tanong. Hindi naman imposible kasi may utak naman talaga to kahit parang abnormal kung mag-isip minsan.
"Funny, I didn't see your name in the list of top 5."
Sige ipamukha mo pa. I almost wanted to say.
Hindi sa pagmamayabang pero hindi naman ako nahuhuli sa acads. I always get a place at the top 5. But now? Tss, I'm just a walking load of shit.
"Let's check your name together!" Ani niya at hinila ako papunta sa quadrangle kung san naroon ang dambuhalang bulletin ng school.
Patapos na ang lunch break pero hindi pa rin siya natatapos sa paghahanap ng pangalan ko sa daan daang pangalan sa bulletin.
As of me. I'm just standing right behind him staring right into his back.
Just the other night he slightly confessed about the fact that he likes me. Hindi ko alam. I think I was just assuming about it, pero hindi naman siya kikilos ng ganun di ba?
"Lena andito lang yung pangalan mo eh. Alam kong andito lang yun. Imposible namang matanggal ka di ba?"
Even if we were always at the top, we don't share classes. Ewan ko ba sa patakaran ng school na to.
I tugged at his arm and told him. "I just didn't pass this time."
"Huwag ka ngang magpatawa dyan. Alam kong andito lang pangalan mo. O baka naman may error ang faculty."
"I just wanna go home Kisz. I'm tired."
Hinang hina yung boses ko habang sinasabi yun. Todo scan pa siya ng halos lahat ng nakapaskil. Iniisa isa niya pa talaga.
"Come on. Tignan na lang natin sa faculty." Sabi nito at hinila na naman ako sa kamay. Dahil sa panghihina ay nagawa ko pang magpahila pero hindi ko na rin natiis.
Binawi ko ang kamay ko. Nagulat ako sa ginawa ko maging siya.
"I didn't pass okay! I just didn't." Napayuko ako habang pinipigilan ang sarili kong umiyak.
"That can't be. Alam mo naman ang ibig sabihin pag di ka pumasa for next sem di ba?" Tanong niya. He looks frustrated. "Hindi ka na makakabalik. Hindi ka na ulit pwedeng tanggapin ng school."
"S-sa tingin mo ba hindi k-ko yun alam?" Napaiyak ako. Hiyang hiya na ako sa ginagawa naming eksena dito. Asa daanan pa naman kami at dahil nga lunch pa ay nagkalat pa yung mga estudyante.
Pero mas nahihiya ako sa sarili ko. My ego was terribly hurt. Ako? Hindi nakapasa? Isa ba yung joke? O nananaginip lang ako?
Naglakad siya papalapit sa akin. Hinawakan niya ako sa likod ng ulo at nagulat na lang ako ng hilahin niya ako at masubsob ang mukha ko sa dibdib niya.
"Kung di ka nakapasa, walang rason para manatili pa ako rito. My everyday won't be the same without you." Sabi niya ng kami lang dalawa ang nakakarinig.
Kinagat ko ang ibabang labi ko upang mapigilan ang bawat hikbing gustong kumawala sa aking bibig.
I hate this life. I know I should be thankful na ito lang ang naging sakit ko at hindi yung magiging dahilan ng pagkakamatay ko. Pero ang hirap lang tanggapin na ganito ko pala ito haharapin. I was not ready. Nobody is ready to be a mother at 19. Especially if I don't have a special someone.
Those times when you think about teenage moms being some sick retard sluts? So lovey dovey with those fuck boys which in time will leave them? Well, somewhat, I now envy them.
At least sila, naramdaman nila magmahal at mahalin. At least sila, they felt what it's like to make love with passion. At least sila, hindi napilitan pumatong sa isang lalaki ng nakahubad.
"Are you stupid or something?" I pushed him away. "I'm not your responsibility. Hindi na ako bata na kailangan pang alagaan, so please. Huwag mong sayangin itong chance mo na makapag-aral dito nang dahil lang sa akin." Pinunasan ko yung mata kong basang basa ng luha.
"Lena," he whispered at mukhang gulat na gulat pa ito sa mga sinabi ko.
"Just like what I said, hindi mo ko responsibilidad. Kasalanan ko kaya ako nawala sa listahan. Maybe I'll just transfer to some school near you. That way, it's like nothing changed." Ani ko rito at pinilit na ngumiti sa harapan niya kahit ang totoo ay halos magpalamon na ako sa lupa. So this is what it feels.
Lahat ng pinaghirapan ko huwag lang maalis sa school na to, all of it was all in the past now.