Nagising ako dahil sa tunog ng alarm mula sa cellphone ko.
Dahil sa lakas ng alarm mas nagising ang diwa ko sa nangyayari.
Habang inaabot ko iyon ay nakarinig ako ng mahinang ungol.
Pinatay ko na muna iyong alarm at saka tinignan ang hulma sa tabi ko.
Naramdaman ko pang umuga ng kaunti ang higaan.
Mabilis kong inalis ang kumot na nakatakip sa inaakala kong unan at doon nakita ang natutulog na si Kisa.
Ito namang si Kisa ay mistulang nasilaw sa liwanag na nanggagaling sa bintana at muling hinablot ang kumot upang ipangtakip sa kanyang mukha. Umungol pa itong muli na para bang naiinis dahil ginigising siya.
Aba naman!
Agad kong hinablot ang isang unan at malakas na hinampas sa kanya.
"Anong... ginagawa... mo dito!?" nanggigigil kong tanong sa kanya habang paulit ulit siyang hinahampas noong unan.
"Ugh! Aray! Natutulog ang tao eh!" Iritableng tugon niya.
"Ikaw pa may karapatang magalit? Ha?"
Umupo siya agad ng maayos. Nakapikit pa rin ang mga mata niya habang nakanguso.
He was still wearing the same clothes he wore yesterday. Gulo gulo ang buhok at mukhang mangangain ng tao dahil nagising.
"Ano ba? Inaantok pa ako ehh!" paghihimutok niya habang niyuyugyog niya ang dalawang balikat.
I immediately stood at the side of the bed.
"Out! Kisa." I shouted and pointed at the door.
Doon ay minulat niya ang isang mata at saka na tumayo sa kama. Tumalon pa siya pababa at hawak hawak pa rin ang kumot na gusto ata ay hatakin niya palabas ng kwarto.
"Leave my blanket behind." Ani ko habang napapahilamos na lang ako sa aking mukha.
Binuksan niya na ang pinto at binitawan na rin ang kumot na ngayon ay nakahandusay na sa sahig.
"Ah." Huminto siya pero hawak pa rin niya yung doorknob. "Was I dreaming last night? Para kasing may nahawakan akong malambot."
Tumingin siya sa akin at mukhang natanggal ang antok sa kanyang mukha. "Was that your boob?" He playfully raised a brow at talagang dinidemo pa kung paano yung pinanghawak niya doon.
Bigla kong naramdaman ang init sa aking mukha nang marinig yung sinabi niya.
"Bastos!" Tinapon ko sa direksyon niya iyong nadampot kong unan ngunit huli na dahil mabilis siyang nakalabas at sinara ang pinto.
Agad akong napayakap sa aking sarili at napaupo na lang sa kama.
To think na nahawakan ni Kisa ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay para akong kinilabutan nang maisip ko kung ano pa ang mga nangyari kagabi kasama siya.
Pavirgin ka naman masyado. I was shocked with what my subconscious had to say. Oo nga naman pala. I had someone suck on my mounds and did something way worse that a simple touch.
Itinulak ko na ang aking sarili mula sa kama at dumeretso na sa banyo. Kailangan ko nang mag-ayos agad dahil maaga pa ang klase ko.
Tinernuhan ko lang naman ang white fitted jeans ko ng black v-neck shirt na medyo maluwag sa akin. Itinuck in ko iyon sa harap para mabigyan na rin ng pansin yung suot kong belt. I wore a 3 inch black heels to complete my look.
Pagkababa ko ay agad kong nakita si Kisa sa dining area kasama si daddy. Kasalukuyang may nakatakip na dyaryo sa mukha ni dad samantalang itong si Kisa ay walang ginawa kundi lumamon ng lumamon.
