08

21 0 0
                                    

Bigla akong nagising nang makaramdamdam ako ng pagkaduwal.

Tumakbo agad ako patungo sa banyo at doon nagsusuka sa may lababo. Pagkatapos ay naghilamos na lamang ako at nagmumog ng mouthwash dahil hindi ko gusto ang lasa noon sa aking bibig.

Panandalian akong napakapit sa magkabilang gilid ng lababo at tinignan ang aking itsura sa salamin.

Nangingitim na ang ilalim ng aking mga mata at mapusyaw na ang kulay ng aking balat. I don't look healthy.

Paano ba namang hindi ako mangangayayat. Hindi na ako nakakatulog sa kakaisip sa mga problema ko.

Una ay ang deadline ko ng pagbubutis.

Pangalawa ay nang makick out ako sa school. Umiling ako sa tapat ng salamin at kinuha ang maliit na tuwalya upang mapunasan ang aking mukha. Sigurado na sana ang future ko kung sa Ishigan ako makakapagtapos ng Legal Management. Pwedeng pwede ko iyong ituloy sa Law sa parehong eskwelahan kung gugustuhin ko. Pero wala na eh. Sinayang ko ang nag-iisang pagkakataon ko.

Pangatlo naman ay ang hindi ko pagkakaroon ng higit pa sa isang buwan. Delayed ako ngunit hindi naman na iyon bago sa akin dahil irregular naman talaga ako. Yun nga lang ay may ginawa akong katangahan this time. Nakipagsex ako na wala man lang ginamit na proteksyon.

Eh di ba yun naman ang goal ko? Ang magpabuntis?

Hindi pa naman ako sure dahil ang alam ko hindi agad agad nabubuntis ang mga irregular.

"Ay kalabaw!" Nilingon ko ang pinto nang makarinig ng katok roon.

"Shortcake. Okay ka lang ba?"

Mayroon pa palang pang-apat.

Bigla akong nanlumo nang magising sa katotohanang nakauwi na nga pala si daddy.

Ngayon pinoproblema ko pa kung paano ihahandog sa isang silver platter ang mga problema ko sa kaniya.

"I'm okay dad. Nagriready lang for tonight." I lied.

"Okay. Huwag mo lang masyadong karerin ang pagpapaganda. Ayoko pang maging father-in-law." Tumawa siya sa kabila ng pinto bago ko marinig ang mga hakbang niya palayo.

"Di ka nga magiging father-in-law. Magiging lolo ka naman. Argh!"

Lumabas ako ng banyo at saka kinuha ang cellphone ko upang tawagan si Kisa.

"Hello?"  Nang marinig ko ang boses niya sa kabilang linya ay agad kong sinabi sa kanya ang kailangan ko.

"Kisa, bilhan mo ko ng pt kit."

"Pt kit? Pitikit kaya kita. Pinagsasabi mo?"

Ramdam ko na pinagkunutan niya ako ng noo sa kabilang linya.

Bago ako sumagot ay luminga linga pa ako sa paligid. Pakiramdam ko kasi ngayon parang kahit anong sabihin ko ay may nakakarinig.

Lalo kong hininaan ang boses ko at kinlaro kay Kisa ang gusto kong sabihin.

"Pregnancy test kit yun. Ano ba? Bilhan mo na lang kasi ako?"

Yeah, I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon