"Lena, anak. Paano mo sasabihin sa papa mo ito?" Kunot noong tanong ni manang Belle sa akin habang magkaharap kaming nakaupo dito sa may sala.
Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa aking mga binti habang nakaubob ang aking mukha sa aking tuhod. "Hindi ko din po alam." I sniffed, but my eyes failed to produce another set of fresh tears. I'm tired. Pagod na akong umiyak at problemahin ang mga problemang alam kong wala namang solusyon. Una ay yung pagbubuntis na hindi ko alam kung papaano gagawin.
Oo andyan na tayo eh. Titihaya lang ako at bubukaka and voila! Instant Buntis na! Pero really?! Hindi ko yun maaatim na gawin! Iniisip ko pa lang naduduwal na ako! If only I could be preggy when I think of disgusting thoughts right? Hindi talaga makatarungan ang buhay at kailangan pang magsabay sabay ang lahat. Pati school na lilipatan ko ay proproblemahin ko na rin. Now, how can I tell dad about my failure? Ano na lang ang iisipin niya sa akin? Na isa akong pariwara at walang kwentang palamunin?
I know dad can understand, but will people around him see the bigger picture? Surely pagpipyestahan na naman nila si dad. Proud na proud pa man din si dad sa akin and this is how I'll repay him? A school drop out?
"Maiintindihan ka panigurado ni Alex pagkapinaliwanag mo ng mabuti." Malumanay na suhestyon ni manang Belle sa akin at pinatong ang kamay sa aking balikat.
Andun na tayo e, pagbagsak ng school ko pwede niyang tanggapin pero ano na lang ang sasabihin kong rason? Tanging kami lamang ni Kisa ang nakakaalam sa kalagayan ko ngayon. Ni wala ngang niresetang gamot ang walanghiyang doktor na yun e. And she told me that I should just accept my fate. Oh di ba? Wala talaga siyang kwenta.
Ilang minuto na rin ang nagdaan nang maisipan kong maligo. Nagbihis ako at nagdesisyong maglagalag muna. Madilim na sa labas pero hindi ako nito napigilan. I need a drink. Gusto ko lang maging manhid sa mga problemang pinupukol ng sanlibutan sa akin. Tsk.
"San ka pupunta?" Napatigil ako sa pagpihit ng doorknob dahil sa boses ni manang Belle. Binalikan ko siya ng tingin at nginitian siya.
"Kasama ko po si Kisa." Tumango siya nang marinig ang password. "Inimbitahan mo na lang sana dito. Pero, siya, bumalik ka agad ha?"
Yung pangalan talaga ni Kisa ang password kay manang Belle. Hindi ko alam kung anong gayuma ang pinainom niya dito at ganun na lamang ang tiwala nito sa kanya.
Tinanguan ko na lang siya at nagmadaling lumabas ng bahay. Di nagtagal at may dumaang taxi kung kaya ay dun na lamang ako sumakay.
Nagpahatid ako sa isang bar sa di kalayuan. Peste nga at first time kong magpunta dito. Talaga namang, sinabi kong ihatid ako sa kahit saang bar na alam niya. Eh kasi naman, wala akong alam sa mga ganoon.
Mukhang may gustong ipahiwatig si manong driver nung tumitig ito sa akin mula sa rearview mirror. "Sigurado ka ba ma'am?" Tanong nito sa akin nang itigil niya na ang taxi sa tapat ng isang building na naglalabas ng iba't ibang ilaw mula sa looban.
Hindi ko siya sinagot at binayaran na lang.
Bumaba ako at derederetsong lumalad papasok.
Masikip ang entrance nito at mababanaag ang nakakasulasok na amoy ng pinaghalong yosi at alak. Nakihalo na rin ang amoy ng mga pawis ng mga taong nagsasayawan sa gitna ng entablado. Grabe lang. May ilang babaeng sumasayaw sa ibabaw ng ilang mesa. Saang bar ba ako pinunta ng walanghiyang driver na iyon? Palagi ata yun dito kung kaya dito ang naisip niyang pagdalhan sa akin. Baka naman pag-akalaang pokpok ako na naghahanap ng dilig dito?
