Chapter 1

804 22 1
                                    

Ara's POV

"People say we shouldn't be together
We're too young to know about forever
But I say they don't know what they're talk-talk-talkin' about" I just love his voice.

Nandito nga pala ako sa Jukebox. Café siya na merong mini stage sa gilid. Meron silang binobook na performers every week except Saturdays. Pag Saturday kasi open mic.

Hindi dapat ako pumupunta dito kasi allergic ako sa coffee pero nagsserve naman sila ng non-coffee drinks eh so it's okay. And kasi may favorite performer ako dito. Every Wednesday siya nakaschedule dito sa Jukebox.

"Cause this love is only getting stronger
So I don't wanna wait any longer
I just wanna tell the world that you're mine, girl
Oh"  OMG I swear nakatingin sa akin si guy nung kinakanta niya yung part na yun. Hihimatayin yata ako sa kilig.

Habang nalulunod ako sa titig niya, hindi ko na namalayan na may kamay na pala sa harap ko. I think he's gesturing me to join him. I gladly accepted his hand and slowly made my way to the stage. He's still singing the song while staring at me so basically, magka eye-to-eye contact kami ngayon.

Suddenly, I heard people whistling tapos yung iba napapatili pa sa kilig. Usually, konti lang naman yung pumupunta sa café na 'to dahil maliit and medyo tago. Pero pag Wednesday, maraming pumupunta. Same reason as me maybe.

I became nervous. I'm not used to many eyes staring right at me.

The guy then placed his palm on my left cheek and let me face him. His eyes. Oh God those beautiful, chinky brown eyes. I could just drown in them. And before I knew it, his face was inches from mine.

Oh my God first kiss ko na ba ito? Sorry friends. Sorry fangirls. Ito na talaga huhu. I'm not gonna stop him. Malandi lang Ara?

His lips were about to touch mine when I heard...


"Ara." ay taray kilala ako ni guy?!

"Ars!" hala bakit niya ako sinisigawan?

"Vicky!" Vicky?! Isa lang ang tumatawag sa akin ng Vicky.

"Vicky! Wake up Vicky!" naramdaman kong niyuyugyog na ako.

Ugh. I'm still sleepy. Panaginip lang pala ang lahat. Nakakaloka hindi man lang umabot doon sa pinakahihintay kong part.

Sayang. Yun na yun eh.

I slowly opened my eyes and the first person I saw was my neighbor. My schoolmate. My childhood friend.











Thomas.


"Thom! Bakit mo ako ginising?! Kaasar ka naman eh." sabay taklob ulit ng kumot sa aking katawan. Pumikit na ako ulit. Haaaay sana bumalik ulit yung panaginip ko.

"Vicky! Baka nakakalimutan mo na may pasok tayo." Agad kong iminulat ang aking mga mata ng marinig ko yun.

Tinignan ko ang orasan at nakalagay 6:46 am. 6:46 am?! 7 am yung start ng first subject ko nako lagot na ako.

Dali-dali akong pumasok sa loob ng banyo. Binilisan ko na ang pagligo ko kasi baka ma-late kami.

Pagkatapos ko maligo, nagbihis kaagad ako. Kinuha ko na ang aking bag at bumaba ako. Bahala ng di ako makakain wag lang ma-late. Nakakatakot pa naman yung teacher ko sa first subject.

Pagkalabas ko ng bahay, bigla kong napansin na hindi sumunod si Thomas. Naiwan pala siya sa loob. Pumasok ulit ako ng bahay at pagkakita ko sa kanya, tawa lang siya ng tawa.

Written In The StarsWhere stories live. Discover now