Chapter 3

410 13 1
                                    

Thomas' POV

I finally finished doing my 'business'. I don't want to do it elsewhere kaya umuwi pa ako sa bahay para doon. Babalikan ko na si Vicky, baka kanina pa ako hinihintay nun eh.

Pagkalabas ko ng bahay, biglang nagslow mo yung paligid.....

Nakita ko siya katabi yung bike niya. Ang ganda niya kahit nakatalikod.

Oh shit! Lumingon siya! What to do. Think. Think. Aha! I was about to call her but then "Thomas!"

Kahit kelan talaga ang bagal mo Thomas. WAIT! Did I hear that right? Tinawag niya ako. Shet kinikilig ako. Medyo bading pero wala eh kinilig talaga ako. Iba talaga tama ko sakanya. Mga 2 years ko na siya crush. Di ko parin makalimutan yung first encounter namin.



•flashback•

Naglalaro kami ni Ara ng taguan. Favorite namin to kasi ang saya kahit dalawa lang kaming naglalaro hahaha.

Si Ara ang taya ngayon and currently, nagtatago ako dito sa may bush ng isa naming kapitbahay. Funny kasi di niya parin ako nakikita kahit ilang beses na niya ako nadadaanan.

"Uy thomas, magpakita ka na nga kanina pa kita hinahanap. Medyo pagod na ako." sabi ni Ara. Napatawa naman ako pero di siya kalakasan.






"HULI KA!!"

"AAAAAAAH!!!" napasigaw ako bigla. "Grabe ka naman manggulat! Paano mo ako nahanap?"

"HAHAHAHAHA!! Eh ang lakas kaya ng tawa mo. Ayun sinundan ko lang kung saan nanggagaling yung panget na tawa na yun." sabi niya. Grabe to ah.

"Grabe siya oh." Bigla akong may nakitang lady bug doon sa pinagtataguan ko. I have an idea. Dinampot ko yung lady bug tapos hinagis ko sakanya and the next thing I knew, tumatakbo na ako.

"AAAAAAAH! LANGHIYA NAMAN THOMAS OH" She started chasing me. Wow ang bilis niya ah. Binilisan ko rin yung takbo ko.

Kanina pa ako tumatakbo grabe ang bilis, bilis ko na. Lumingon ako habang tumatakbo. Hindi ko na nakikita si Ara tapos biglang....


"TABI!!!"


*booooooogsh*

Ouch! I fell down and so does the person who hit me with their bike. "Araaaaay!" reklamo ko

"Nako sorry! Jusko okay ka lang ba?" pag-aalala niya. Tinanggal niya yung helmet niya tapos napatingin ako sa kanya and woah parang bigla akong tinamaan. Ang ganda niya. Lalo na yung mga mata niya.

Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya hangga't sa yinuyugyog na niya ako. "Uyyy! Ayos ka lang ba? Nakakaalala ka ba o–"

"H-huh? A-ano hmmm okay lang ako. N-nakakaalala pa naman ako, di naman ako nabagok eh." sabay kamot ko sa ulo ko.

"Buti naman kala ko kung ano na eh pero may masakit ba sayo?" sabi niya. Ginalaw ko yung left leg ko, wala. Right leg ko, wala. Left Arm ko, wala. Right arm ko, "Ouch!!"

Pagtingin ko sa may siko ko, may sugat. Dumudugo pa. "Hala nako! Sorry talaga. Tara, punta tayo sa bahay, gagamutin lang muna kita."

I found myself going with her. Wala naman atang masama kung sumama ako sakanya. Besides, gagamutin niya lang naman ako tapos ang ganda niya pa.

Written In The StarsWhere stories live. Discover now