Chapter 8

329 12 3
                                    

Ara's POV

*Filipino class*

Habang nagdidiscuss yung teacher, nandito ako nagddrawing ng kung ano-ano. Nakikinig naman ako habang may ibang ginagawa. Multitasking at its best.

"Good bye and Thank you, Sir Gil" sabay-sabay naming sinabi

Time went by fast. Kakatapos lang ng last subject namin which means club meeting na.

"Arabels!" tawag ni Mika "Magpapalit na ako ng pang training ah. Ikaw may dala ka bang pamalit?"

"Wala eh. Okay lang naman kahit wala akong dala." sabi ko

"Ah sige. Wait mo lang ako. Sabay na tayo pumunta ng club" umalis na si Mika papuntang CR. Inayos ko muna yung gamit ko tapos lumabas na muna ako para malagay ko yung mga books ko sa locker. Habang naglalagay ako, nahulog ko bigla yung book ko.

Nilagay ko muna yung natitirang books bago ko pupulutin yung nahulog ko. Kukunin ko na sana nang...

"Ako na" sabi niya saka pinulot yung nahulog kong libro

"Thanks!" ngiti ko sakanya "Ano nga pala gagawin mo mamaya? May club meeting ngayon eh wala kang club."

"Ms. Estrada told me na mamili na lang ako ng kahit anong club and sumali doon or magsit-in na lang daw." sabi niya

"Ah ganon ba. So may napili ka na bang club na gusto mong salihan?" tanong ko

"I'm not sure yet. Doon na lang ako kung saan ka" ngiti niyang sabi

"Sure ka?"

"I'm okay with anything" sabi niya

"Sige! Hintayin na lang muna natin si Mika." sabi ko

Pumasok na muna kami ni Jeron sa loob para hintayin si Mika na hanggang ngayon nagbibihis. Ang tagal ah. Naging tahimik sa pagitan namin ni Jeron.

"Si Josh nga pala, anong club daw sasalihan niya?" I asked breaking off the silence.

"He said drum & lyre. Actually, I haven't seen him play the drum nor the lyre before pero since 1 month lang naman daw yung stay niya dito, why not try something different."

"Eh ikaw? What do usually do?" tanong ko

"I play basketball." sabi niya "Dapat nga team captain ako eh pero I guess some things are just not for you talaga." sabi niya ng malungkot

"or maybe they are but not now. Maybe good things will come eventually. Sabi nga nila diba 'Good things come to those who wait'. Things will come in your way din, hintay lang. Wag ka ng sad!" sabi ko to cheer him up "Smile ka na dali oh!" tapos nilagay ko yung thumbs ko sa magkabilang dulo ng labi niya and tried to form a smile on his face.

"Hahahaha sana nga.... Thank you, Ara. Kahit hindi pa tayo ganon magkakilala, alam mo na kung paano ako pasayahin" sabi niya ng nakangiti

"Si Ara ba nakita niyo?" narinig kong may nagsabi mula sa pintuan




Thomas' POV

"Si Ara ba nakita niyo?" sabi ko sa isang kaklase ni Ara. Yes, I know her class sched. Bakit naman hindi, friends kami eh.

Pagkasabi ko nun, di ako natuwa sa nakita ko. Si Ara. kasama si Jeron. Nakakainis. Di na talaga ako natutuwa sa kanya. Lagi na lang siya bumubuntot kay Ara.

"Thomas uy hi" sabi ni Ara sa akin "Bakit mo nga pala ako hinahanap?"

"Masama na bang makipagkita sa kaibigan ko?" medyo nagtatampo kong sabi sa kanya

Written In The StarsWhere stories live. Discover now