Chapter 5

353 12 0
                                    

Ara's POV



*sound of phone ringing*

"Hello?"

"Hello Ara, si Axel to"

"Oh kuya Ax, bakit ka napatawag?"

"Gusto ko lang sabihin na hindi makakapasok si Thomas ngayon. Baka kasi hintayin mo pa siya." sabi ni kuya Axel

"Huh? Bakit daw? Ano nangyari sa kanya?" tanong ko

"Linalagnat eh. Pagkauwi kasi kagabi, basang-basa tapos nagpalit lang ng damit tapos natulog na. Hindi ko dito alam sa kapatid ko kung bakit nagpaulan." Baliw talaga to si Thomas oh pagsasabihan ko to mamaya pero hindi ko parin maiwasan isipin yung nangyari kagabi. I smiled to myself.

"Bibisitahin ko na lang siya diyan mamaya. Sige kuya, pasabi na lang kay Thomas get well soon. Bye." binaba ko na yung call dahil papasok pa ako sa school.

•••

"Arabels!!" kung makasigaw naman to, parang hindi kami magkatabi ah

"Kailangan talaga sumigaw, Mikang?? May tenga ako oh naririnig kita" iba talaga to eh. Gusto ata sirain yung eardrums ko.

"Hehe sorry!" sabay nagpeace sign siya

"Ano ba meron?"

"Na-bili ko yung book ng The Maze Runner!" masaya niyang sabi

"Ang dayaaaaa! Naunahan mo pa ako." sabi ko "Wait. Bili? Bakit ka bumili kung pwede naman magborrow sa library?" tanong ko

"Pumunta kasi ako sa library nung dismissal para i-borrow sana kaso pagkakita ko, wala na yung book doon." sabi ni Mika "Kala ko nga ikaw yung nagborrow eh"

"Hindi ko naborrow. Diba nga pinapunta ako ni Ms. Estrada sa office niya" bakit ba kasi doon pa nakalagay yung vase "Sayang naunahan na pala ako."

"Wag ka mag-alala bes, pag natapos ko, sayo ko naman ipapahiram eh." sabi ni Mika

"Talaga? Thank you ah!!" yinakap ko siya

"Hmmm tara na nga gutom na ako eh" yaya niya

Pumunta na kami sa canteen para bumili ng makakain. Nag-order ako ng chicken adobo, yung favorite ko.
Umupo na kami ni Mika doon sa usual table namin.

"Ara, pansin ko lang, bakit di mo nga pala kasama si Jeron? Akala ko ba buddy mo yun?" tanong ni Mika

"Ikaw ah. Bakit mo hinahanap si Jeron?" binigyan ko siya ng makahulugang ngiti "Meron ka bang di sinasabi sa akin, Mika?" tinaasan ko siya ng kilay

"H-ha? Ito naman oh. Hinahanap lang may meaning kaagad? D-di ba pwedeng nagtataka lang kung bakit wala?" hmmmm

"Sus! Deny pa more, Mikang. Hilain ko braces mo eh"

"Di nga kasi!" sabi niya

"Eh bakit ka nautal? Ikaw Mika ah." tinaas baba ko yung kilay ko tsaka tumawa. Nakita ko namang namula siya "HAHAHAHA joke lang uy"

"Ah. Eh. Hahaha." she awkwardly laughed.

"Pero oo nga. Hindi ko siya nakita kanina pa. Nasaan na kaya yun?" Pagkasabi ko nun, as if on cue, pumasok si Jeron sa canteen na may kasama. Parang ngayon ko lang rin nakita yung student na yan dito.

Nakita niya ata ako kaya tinuro niya yung table namin sa kaibigan niya. Dumiretso naman sila dito.

"Hi Ara!" bati ni Jeron

Written In The StarsWhere stories live. Discover now