Ara's POV
Bring the following on Friday, August 14 (health)
* Cardstock
* Scissors
* Glue
* Coloring Materials
* Colored PapersYan yun mga nakasulat sa board kanina na pinapadala ng health teacher namin na si Ms. Bernardo. Mukhang maipapakita ko nanaman dito ang art skills ko.
"Bes!! Samahan mo ako mamaya." sabi ni Mika
"Saan?" tanong ko
"National Bookstore. Bilhin na natin yung pinapabili ni Ms. para di na hassle pagbibili pa tayo bukas" wednesday kasi ngayon. TEKA
"Sig– ay di pala pwede!! May pupuntahan pa ako mamaya eh" naalala ko kasi na pupunta nga pala ako sa Jukebox mamaya kasi magpeperform si crush
"Awww ganon ba?" nagpout pa tong si damulag
"Oo eh. Sorry talaga, Mika ah." sabi ko naman
"Hmmm sama na lang kaya ako sayo tapos sabay na tayo bumili bukas" nakangiting sabi ni Mika sa akin
"HINDI PWEDE!" napatakip naman ako agad sa bibig ko kasi napalakas yata ang sabi ko
"Shhhhh!" sita sakin ng librarian. Nandito kasi kami ngayon ni Mika sa library
"H-hindi pwede kasi ano uhm ano kasi eh hmmm" ano ba pwedeng palusot?
"Ano?" tanong niya habang nakataas pa yung isang kilay niya. Di ko nga masabi kasi secret ko lang yung lugar na yun. Di alam ng mga kaibigan ko yun kahit pa si Thomas. Tago rin kasi yung lugar na iyon eh.
"Ah basta!! Wag mo na lang pansinin. Nabasa mo na ba yung libro?" pag-change topic ko
"Ay Oo!! Nasa kalahati na nga ako eh. Alam mo ba ang ganda ng story kasi–"
"SHHHHHH!!! Wag ka nga mang-spoil!! Babasahin ko pa yan. naman eh!" ayoko talaga sa mga spoilers. Nawawala yung thrill eh kasi sinasabi na nila yung mangyayari UGHHHHH
"Ay hehe sorry" sabay peace sign niya sa akin. Natahimik kaming dalawa kasi binabasa ni Mika yung The Maze Runner habang ako naman eh napapaisip dahil ang tahimik.
Gusto ko na ba talaga ulit si Thomas? o baka naman spur of the moment lang kaya naramdaman ko yun. Ah basta wala lang siguro yun. Iba naman gusto ko eh.
"Uy Ara, kanina pa kita kinakausap. Bakit ka nakatulala diyan?" sabi ni Mika habang yinuyugyog niya ako ng konti.
"H-huh? Ay sorry may iniisip lang ako" sabi ko
"Share mo naman oh" sabi ni Mika. sasabihin ko ba yung problema ko o papalipasin ko muna baka sakaling naguguluhan lang talaga ako sa feelings ko?
"Wala yun. Inisip ko lang kung ano kakainin ko mamayang lunch" binatukan naman ako ni Mika "Aray ah"
"Akala ko naman ang lalim ng iniisip mo. Pagkain lang pala. Ang PG mo talaga kahit kelan." inirapan naman ako ni Mika sabay tawa
"Alis na nga tayo dito." tapos tumayo na ako "Punta na ako sa class ko ah kita nalang tayo mamayang lunch"
"Sige ako rin. Bye!" then Mika and I parted ways
Naglalakad na ako papunta sa class ko ng bigla kong makasalubong yung isa kong kaibigan.
"Ara!!"
"Oh bakit?"
"Pinapaalala ko lang na may club tayo bukas." sabi niya ng nakangiti
YOU ARE READING
Written In The Stars
FanfictionHigh School students, Ara Galang and Thomas Torres dream a lot of things. But will those dreams come true? Or will it be crushed which will lead them to discover more? Including their feelings MIGHT edit the previous chapters to make the flow of the...