Danna's Pov
Tapos na yung Weekend kaya naman balik sa School na naman ,buti nalang talaga at tinapos ko na ang Design ko kasi ngayon na yung Deadline non eh baka hindi ako masali.
Nag-lalakad na pala ako ngayon sa Park, yung Park kong saan umiyak ako't inamin kay Ethan na talo na ako dahil mahal ko na siya ,grabi fresh parin sa utak ko yung mga nangyari saamin dati sana hindi na ulit kami mag-hihiwalay
"Ining mahingi naman barya" napatigin ako sa isang Lola, andungis niya saka may dala siyang sako
"Ito po Lola" inabot ko sakanya ang Barya ko
"Salamat Ining napaka-buti mong bata" ilang segundo pa ang lumipas pero hindi pa rin umalis yung Lola
"Lola wala na po akong Barya iyan lang po"
"Hindi Ining" umiling pa siya tapos tiningnan niya ako sa Mata, grabi nakakatakot naman tong Lolang ito kaya naman tumayo na ako galing sa pag-kaka-upo sa Swing at nag-lakad pero hinawakan ni Lola ang aking Palad kaya naman napa-hinto ako sa pag-lalakad
"Ining huhulaan muna kita" humarap ako sa kanya at tiningnan siya
"Nako Lola hindi po ako naniniwala sa Hula eh pasensya na po sige mo aalis na ako"
"Ining hindi ka naman dapat maniwala, huhulaan lang kita para ma-warningan ka sa posibling mangyari"
"Mangyari? Bakit may mangyayari ba?"
"Depende iyon sa sasabihin ng iyong Palad ining"
"Pasensya na po Lola pero wala po akong barya pambayad"
"Hindi ako nag-papa-bayad Ining, libre ang aking hula"
"S-sige po" wala naman sigurong mawawala kong mag-papa-hula ako d ba?
"Ano pong nakikita mo Lola?"
"Ining may malaking kayong pag-subok na haharapin at ang nakakatakot pa'y isang pag-kakamali niyo lang mawawasak ang lahat, Ining mag-ingat ka sa mga Desesyon mo dahil nasa huli ang pag-sisisi" saka tumalikod ang Lola at nag-lakad na
Malaking Pag-subok? Isang Mali lang, mawawasak agad ang Lahat? Mag-ingat ako sa mga Desesyon ko?
Umiling ako, hindi totoo ang Hula kaya nga tinawag na Hula d ba? Kasi nga hula lang at hindi ito sigurado.
Nag-lakad na ako pa-uwi.
***
"Ano?"
Kinuwento ko kasi yung About sa Lola at sa hula
"Yun ang sabi niya eh tapos sabi niya mag-ingat raw ako sa mga desesyon ko dahil nasa-huli ang pag-sisisi"
"Alam mo Danna wag ka ngang Praning and hindi totoo yang hula na iyan" ani ni Athena
"And also Danna, kaya siya tinawag na Hula because hula lang walang sure may posibilidad na mang-yari meron ring hindi" Ani ni Erika
"Alam ko naman yun eh pero natatakot ako dahil baka tama si Lola"
"Alam mo Erika ikain mo nalang yan" ani ni Trisha at tumayo na
Napa-buntong hininga nalang ako at tumayo na rin para kumain
****
"Anong ginagawa niyo?" Nauuhaw kasi ako kaya iinom sana ako ng tubig ng makita ko sina Trisha sa Sala naka-circle ang upo nila at dahil curious ako edi lumapit ako
"Kaninong project yan?"
"Akin" sagot ni Erika
Gumawa pala sila ng bahay na gawa sa pops tickle ang galing nila ah
"Anong maganda pahiga o patayo?" Tanong ni Athena
"Both"sagot ko kaya naman tumingin sila saakin
"Paano magiging Both?" Kunot-noong tanong ni Trisha
"Ganito" saka ko kinuha ang isang Pop stickle stick
Nilagay ko na ang hawak kong pop kaso hindi mag-kasya kaya mas lalo kong pinress
"OmyGad Danna" sigaw nila
"OmayGad im so sorry i didn't mean it" napatakip pa ako sa bibig ko dahil nasira ko ang Bahay na ginawa nila
Napa-gace palm naman sila.
"Back to zero na naman" saka bumuntong hininga sila at inayos yung parti na nasira ko
"Ining may malaking kayong pag-subok na haharapin at ang nakakatakot pa'y isang pag-kakamali niyo lang mawawasak ang lahat, Ining mag-ingat ka sa mga Desesyon mo dahil nasa huli ang pag-sisisi"
"Totoo yung sinabi ng Lola" napa-tingin naman sila saakin
"Paano mo naman nasabi?" Ani ni Trisha
"Kasi isa lang daw ang pag-kakamali ko't mawawasak ang lahat at mag-ingat ako sa desesyon ko kaya naman Isang pag-kakamali ko lang nawasak ko yung bahay at hindi ako nag-ingat sa deseyon ko"
"Danna naman wag mo na nga kasing isipin yung mga sinabi nong Lola na iyon malay mo hindi naman talaga siya mang-huhula baka gino-good time ka lang niya" ani ni Athena
"May Point si Athena Danna kasi sa panahon ngayon hindi na uso yang hula-hula saka yung mga madam awring nga hindi totoo siya pa kaya?"
Natawa naman ako. Sinong Awring ang pinag-sasabi nito?
"Wag ka ng tumulong Danna dahil baka wala kaming magawa dahil baka masira mo lahat"
"Ang mean mo naman Erika"
"Nag-sasabi lang ako ng totoo Danna"
"Ok fine hindi na ako tutulong matutulog nalang ako" saka ako tumayo at pumuntang kusina nauuhaw nga ako d ba? Tuyong-tuyo na nga ang lalamonan ko kasi naman kanina pa ako nauuhaw ngayon ko lang ulit naisip grabi naman
1 message received
Bebe ko
Tulog ka na Bebe ko? Pagod ka noh? Sige sleep well bebe ko.... sana mag-kita tayo sa Dreamland haha sige matutulog na rin ako dahil susunduin kita bukas.
Napangiti naman ako saka binalik ko ulit ang phone sa bulsa ko at inubos ang tubig sa baso saka umakyat na sa taas para matulog.
Bakit ganun?
Dumapa ako sa kama at nag-talokbong ng kumot
"Argghh matulog ka na nga Danna wag mo na kasing isipin yung mga sinabi nong Lola na iyon" pinokpok ko pa nga ang ulo ko pero syempre mahina lang dahil baka mag-ka-blood clot mahirap na baka yun ang dahilan upang lumisan ako dito sa Mundo, wag naman po sana.
Hindi ko na dapat isipin yung sinabi ng Lola. Hula lang iyon Danna hula lang.
Inhale... 1..2..3..4..5..6..7..
Exhale... 1..2..3..4..5..6..7..8
Tapos inulit ko pa 4times raw ehh.
Effective naman dahil dinalaw na ako ng antok.
BINABASA MO ANG
The Fight And Sacrifice
Teen FictionSchool Clash book2. Please read the School Clash first before this but if you don't want it's ok. Kapag hindi niyo kasi binasa ang Book1 may mga bagay na hindi niyo maiintindihan.