Danna's Pov
"Na? Are you listening?" Napakurap ako sa tanong ni Edrian. Space out again
"Ahm..? Ano nga ulit yun?"
"May problema ba Na? Ang lalim kasi ng iniisip mo...what is your Problem Na? Pwede mong sabihin saakin total im your future husband"
Nanlaki ang mata ko.
Ganun na ba kahalata?
"Ahm w-wala ano ahmm..." kinagat ko ang lower lip ko dahil wala akong maisip na palusot
"You don't like the gown?" Aniya
"M-medyo" palusot ko nalang
"Alin ba diyan ang gusto mo?" Sabay turo niya sa magazine
"Ang so-sosyal masyado ayoko ng ganyan"
"I know it Na" seryosong saad niya
Kumalabog ang aking puso. Alin ang alam niya? Ang dahilan ng pagiging Space out ko? May narinig ba siya sa pag-uusap namin ni Mom?
I know na namumutla na ako ngayon.
"Alam ko na Na...kaya ayaw mo sa mga gowns na iyan kasi gusto mo ikaw ang gagawa" naka-ngiting saad niya
Para akong binunutan ng tinik dahil sa sinabi niya
So wala siyang alam? Wala siyang narinig?
"T-tama ka...aanhin ko ba ang pag-aaral ko sa U.S?" Alam kong namumutla parin ako pero sinabayan ko na si Edrian. Ayokong manghinala siya.
"Don't worry Na...dahil na-isip ko na iyan Ms paki-labas nong gown na pinagawa ko last week"
Tumango ang babae at sinunod ang utos ni Edrian. Nag-tataka akong tumingin sakanya pero ningitian niya lang ako
"Gush" napatakip ako sa bibig ko nong nakita ko ang nilabas na Gown
Im one hundred percent sure na ako ang gumawa ng desinyo niyan
Ito yung una kong dinraw sa U.S na pinangako ko sa sarili ko na 'yang gown na 'yan ang susuutin ko sa kasal namin ni Ethan
"San mo nakuha yung papel na may draw niyan?"
"Do you still remember Na? Nong nag-da-draw ka mag-isa sa classroom kumakanta ka pa nga non eh at don kita napansin dahil sa ganda ng boses mo napahinto ako sa paglalakad at napasilip sayo and then nong tumayo ka dahil may tinapon kang papel ay dali-dali akong pumasok sa room at ninakaw ang dinraw mong Gown hindi mo 'ko napansin non kasi kumakanta ka tas naka-earphones ka pa"
Naalala ko pa non kong gaano ako kalungkot nong mga panahong iyon nong nawala amg dinraw kong Gown para sa kasal namin ni Ethan...gusto ko ng umiyak non pero naisip ko rin naman na pwede akong gumawa ulit ng bago at mas maganda kaya hindi ko na iyon hinanap at nag-draw nalang ulit.
"Ah kaya pala nawala yun kinuha mo lang pala"
"Nong una palang kasi kitang nakita Na...na-imagine ko ng maglalakad tayo sa altar kaya pinangako ko sa sarili ko na paiibigin kita't gagawing asawa at pinangako ko din na yang pangarap mong Gown ay siguradong maususot mo sa mismong kasal natin"
Sumisikip ang puso ko ng ma-imagine ang mukha ni Edrian pag-nalaman niya ang totoo na kaya ako mag-papakasal sa kanya ay dahil sa utang na loob.
"Ahh" yun lang ang na-isagot ko dahil wala naman akong maisip
"So ok na ba Na?" Tumango ako sa tanong ni Ethan
"Ito yung susuutin mong Gown at sa church ang venue ng kasal" agad akong napatingin kay Edrian
"No way!" Hindi ko sinasadyang sumigaw. Nanliit ang mata ni Edrian at nagtataka naman ang itsura nong babaeng may hawak ng gown tapos yung mga designers na gumagawa ng gown para sa mga Bridesmaids ay napatingin saakin
"S-sorry" paghingi ko ng pa-umanhin
"May problema ba sa Simbahan Na?"
"Ahmm...hindi sa ganoon Ed p-pero mas gusto ko sa Garden ang venue" pagsisinungaling ko
Ayokong ikasal kami ni Edrian sa Church. Dahil ang gusto ko, ikakasal ako roon sa taong Mahal ko at Mahal rin ako but in our case hindi ko naman mahal si Edrian. Kaya mas gugustuhin ko pang sa Garden nalang gaganapin.
"Garden ba ang gusto mo Maam?" Tumango ako sa manager
"How about you Sir?" Pagbaling niya ng tingin kay Edrian na ngayo'y nakatitig lang saakin. Sa bawat titig na binibigay saakin ni Edrian ay mas lalong kumalabog aag aking Puso
"It's ok to me" sagot niyang nakatitig pa din saakin
"S-stop it Ed it's scary" hinampas ko pa siya sa braso dahil medyo awkward na. Umiling naman si Ed at saka ngumiti
"You're so beautiful" nailang ako sa sinabi niya pero hindi ko iyon pinahalata
"Haha i know right" pilit kong tumawa kaya alam kong ang kinalalabasan non ay Fake na tawa
"Nakakatuwa naman po kayo Maam Sir, bagay po talaga kayo" ngumiti lang ako sa babae
Lumabas na kami ni Edrian doon. Agad niya akong hinawakan sa kamay. Mahigpit ang pagkakahawak niya kaya napatitig ako ron
"Ayokong bitawan ka kong iyan ang iniisip mo" nabigla ako sa sinabi niya
A-anong pinagsasabi niya?
"C'mon Na..wag ka ng mailang saakin haha saka lagi na kitang hahawakan sa kamay kaya masanay ka na Future Wife" hindi naman ako maiilang sa hawak kamay na iyan dahil madalas naman namin iyang ginagawa ni Ethan
Kung noon wala lang saakin ang mga hawak kamay namin dahil noon Best friend lang ang turing ko kay Ed pero ngayon iba na dahil ang pagkakahawak ng mga kamay namin ay iba na
Hindi na ako kumibo pa hanggang sa maabot na namin ang sasakyan agad niya naman akong pinagbuksan
"How's your day Danna?" Agad na salubong saakin ng Mom ni Ed
"O-ok naman po Tita"
"Gush drop the word Tita...Mom na ang itawag mo saakin dahil bukas na naman din ang kasal niyo"
"HO!? BUKAS NA ANG KASAL NAMIN!?" Hindi ko maiwasang sumigaw. Talagang nagulat ako
"B-bakit?" Gulat na tanong ni Tita—este Mom
"May problema na naman ba Na?" Malamig na utas ni Ed
"Ahmm hindi ano kasi...hindi ba masyadong mabilis naman ata? At saka sa pagkaka-alam ko next week pa naman ah?"
"I forgot to tell you Na...na binago ko ang Date ng kasal natin"
"Ahh" yun lang ang lumabas sa aking bibig
BINABASA MO ANG
The Fight And Sacrifice
Teen FictionSchool Clash book2. Please read the School Clash first before this but if you don't want it's ok. Kapag hindi niyo kasi binasa ang Book1 may mga bagay na hindi niyo maiintindihan.