Erika's Pov
"Yooww!" Agad akong napatayo galing sa pagkaka-upo saka tumakbo papuntang pinto
"Athena!" Sigaw ko at inamba ng yakap si Athena
"Dahan-dahan Erika dahil yung anak ko" atomatikong napalayo ako kay Athena
"Oo nga pala yung pamangkin ko baka maipit" saka ko hinimas ang tiyan ni Athena
"Wala ba akong hug?" Nakapout na sabi ni Xander
"Anyari? Nababakla ka ata?"
"The fuck Erika! Hug lang bakla agad? Grabi ka sakin ah!" Aniya saka pumasok sa loob. Natawa ako sa inasta ni Xander akala mo naman siya ang nag-lihi haha
"Pasok ka Athena" saka ko inalalayan papasok si Athena
"Athena?"
Nanlaki ang mata ni Trisha ng makita si Athena. Kakagising lang ni Trish panigurado dahil ang gulo ng kanyang buhok at may panis na laway pa sa gilid ng labi haha pero joke lang yung panis na laway. Hindi naman nag-lalaway si Trish pag-natutulog. Naghihilik lang haha
"Trish mukha kang witch" kumento ni Athena
"Haha kaya pala Witch ang tawag ni Van sayo kasi mukha ka ngang witch kapag bagong gising" dugtong rin ni Xander
"Gusto mo batuhin kita ng tsinilas?"
"Ayoko kasi gutom ako"
"Oh anong konek sa tsinilas at sa gutom?" Taas kilay na tanong ni Trish
"Wala" iling na sabi ni Xander
Napatigil kami at agad napatingin sa pintuan na kakapasok pa lamang nila Danna at Ethan
"Athena"
"Danna"
"Wow? So ano yun? Statue lang kami?" Naka-pamiwang na sabi ni Trish
"Ayy wala kami rito..." imiling-iling pa ako
"Mga buntis lang ang nagpapansinan. Tss subukan ko kayang mag-pa-buntis para mapansin din nila ako" bulong ni Xander sa sarili niya pero rinig ko pa din
Anong kagaguhan to? Anong gagong espirito ang sumapi kay Xander?
"Xander dre" ani ni Ethan at nag-bro hug sila
"Ano yan? Multo?" Kunot-noong tanong ni Danna
"Multo mo mukha mo! Tse! Maka-ligo na nga muna" inis na sabi ni Trish at pumanhik sa taas
"Anong meron at bakit kayo nandito?" Kunot-noong tanong ko
"Naisip lang namin ni Xander na bumisita rito. Bored na bored na kasi ako sa bahay" paliwanag ni Athena
"Gusto ni Danna na pumunta rito eh kaya sinunod ko lang ang gusto niya" paliwanag ni Ethan
"My pretty Witch! Wohoo"
Napalingon kaming lahat kay Van
"Wooh! Xander Ethan" ani ni Van at nag-bro hug silang tatlo
"Athena Danna" ani ni Van at nakipag-apir kay Athena at Danna. Agad kong binatukan si Van
"Aray! Bakit ka ba nambabatok?" Aniya at hinimas ang parti kung saan ko binatukan
"Hindi mo ako napansin? Sige gusto mo pa ng isang batok para lang mapansin mo ako? Hello Van Montrial andito rin ako saan ang apir ko?" Natawa si Van saakin
"Pasinsya na at nakalimutan kita haha nagsawa na siguro ako sa mukha mo" sinapak ko si Van
"Phuta! Sa ganda kong to? Nagsasawa ka? The hell Van i will kill you for sure!"
BINABASA MO ANG
The Fight And Sacrifice
Fiksi RemajaSchool Clash book2. Please read the School Clash first before this but if you don't want it's ok. Kapag hindi niyo kasi binasa ang Book1 may mga bagay na hindi niyo maiintindihan.