Athena's Pov
"Congratulations Danna and Ethan" sabay sabay naming sabi
"Thank you guys" sagot din ni Danna
"Akala ko talaga hindi ka na magigising pa Ethan. Tss naka-ilang sapak na kami sayo ang hinihintay mo lang pala ay ang pag-sampal at pag-untog sayo ni Carolyn" natawa kami sa sinabi ni Drake but drake has a point. Totoo rin ang sinabi niya talagang pinagtulungan nila si Ethan pero hindi nagpatinag si Ethan
"Pabebe pa kasi Ethan" ani ni Erika
"Ilang araw ba ako tulog?" Bero ni Ethan
"Gago anong Araw? Apat na linggo ka ring Tulog" ani ni Van sabay batok kay Ethan
"Huy malaki ang tulong ko kaya kayo nagkatuluyan niyang si Ethan ahh...ginawa ko lang iyon dahil napamahal na ako sakanya hindi ko iyon ginawa para sayo Danna para kay Ethan yun" sabat ni Carolyn
"I know Carolyn....but thanks to your kindness"
"Haha joke lang wag mo namang seryosohin btw para sa inyong dalawa talaga iyon. Hindi ko man nasubaybayan ang love story niyo pero kita ko din kasi na mahal niyo talaga ang isa't isa im happy for you guys"
"Thank you talaga Carolyn...salamat sa iyong pagpaparaya kahit alam kong kaya mo namang agawin si Ethan pero hindi mo ginawa"
"I told you before Danna...hindi ako magmamakaawa sa isang lalaki para suklian ang aking pag-ibig para sakanya kuntento na ako sa maikling panahon na nagkasama kami"
"You're too kind Carolyn...hindi ko alam na may beautiful side ka din pala akala ko Bitch ka lang lagi" natatawa si Erika sa last word niya
"Grabi naman kayo maka-bitch saakin...pero naintindihan ko rin naman kayo"
"So papano na yung Edrian na yun? I heard sinaktan ka raw niya?" Gagong Xander! Sinabi kong secreto lang iyon pero ito na naman ang gagong ito napaka-daldal kaya nabatukan ko siya
"Anong sabi mo!?" Sigaw ni Ethan
"Ethan past na yun...hindi naman ano—"
"No! Pagbabayaran niya ang ginawa niya sayo" madiin sabi ni Ethan. Binalingan ko ng tingin si Xander na ngayon ay hinihimas ang kanyang batok.
"Anong sinabi ko sayo kanina?" Pinanlakihan ko pa siya ng mata
"Sabi mo secret lang natin yun" inosenting sagot ni Xander kaya napa-face palm ako
"Sabi ko nga d ba? Na sekreto lang natin eh ba't mo dinaldal sa kanila?"
"Eh hindi mo naman sinabing saatin lang dalawa. Dapat kasi sinabi mong Xander Wag na wag mong sasabihin ito sa kanila saatin lang dalawa ito yun dapat ang sinabi mo kaso ang sabi mo lang naman ay Wag mong sasabihin sa iba sekreto lang natin to" binatukan ko siya. Gago talaga.
"Gago ka talaga. Sinabing wag mong sasabihin sa iba ang bobo mo talaga Xander"
"Ehh hindi naman sila Iba eh" inosente ang kanyang pagkakasabi
"Ahh whatever Xander! Nakaka-bobo ka kausap" ani ko sabay irap. Agad niya naman ako inakbayan kaso tinabig ko ang kamay niya
"Wag mo akong hahawakan" sita ko sakanya
"Sorry na naman Athena....sige na please...hindi ko sasabihin sakanila ang sekreto natin promise" sabay taas ng kaliwang kamay
"Hindi mo na naman talaga sasabihin dahil nasabi mo na"
"Sorry na nga kasi"
"Oo na matitiis ba kita?"
"Sabi ko na nga ba eh hindi mo talaga ako matitiis sa gwapo ko bang 'to?"
"Alam mo Xander...baka nakakalimutan mong kasal ka na kaya naman sana magbago ka na matanda ka na kaya iwasan mo na yang kayabangan mo"
"Hindi ko iyon babaguhin Athena...dahil alam kong doon mo ako minahal" i make face na nasusuka
"Excuse me? Nahihibang ka lang Xander"
Hindi ako makapaniwalang kasal na si Danna at Ethan. At dahil iyon kay Carolyn. Si Carolyn ang tumulong saamin she made Ethan Realize na kawalan si Danna and siya rin ang nag-kontak sa Mom ni Ethan dahil matagal na palang hinahanap ang mom ni Edrian.
"Binigyan kita ng pabor Danna at nagkamali akong wala iyong bayad naisip ko kasing malaking advantage na iyon dahil alam mo na gipit ako ngayon"
"What do you mean Carolyn? Gusto mong bayaran ko iyon? Magkano?" Kumuha pa ng papel si Danna sa bag niya kaso hinawakan siya ni Carolyn sa kamay para patigilin sa pagkuha ng tseke
"Ahmm hindi mo naman talaga kailangan bayaran iyon sa Pera...i mean ok na saakin yung new arrival na swimsuit from Victoria Secret malapit na rin kasi ang Birthday ko"
Napangiwi ako sa sinabi ni Carolyn. Ibang klasi rin ang kamandag niya but i don't hate it because i find it cute. Na-c-cutan ako sa mukha niyang nahihirapan kong papaano e-explain
"Yun lang ba? Nako walang problema" ngumiti pa si Danna
"Talaga!?" Excited na tanong ni Carolyn dahil sa tuwa kulang na nga lang na tumalon siya dahil sa tuwa
"Wala iyong problema and besides sinabi mo namang malapit na ang birthday mo and gift na rin namin iyon ni Ethan sayo you know kung hindi dahil sayo edi sana hindi kami kasal ni Ethan ngayon"
"Omaygush your so Kind Danna i love you to Mars na talaga" niyakap pa niya si Danna
"Haha grabi tumigil ka Carolyn nagmumukha kang bata na nabigyan ng lollipop " tawa ng tawa si Erika non kaya naman tumigil si Carolyn sa pagngiti-ngiti niya at nag-cross arms
"Am i going to thank you? Dahil sinabi mong para akong Bata? Or magagalit ako? Ahmm..it's ok to me na mukhang bata kisa mukhang Unggoy na katulad mo"
"Anong—WHAT THE FUCK! Ako? Unggoy? Hell no!" Agad na react ni Erika
"Joke lang masyado ka namang seryoso! Tara inom tayo! Mabuhay ang bagong Kasal!" Sigaw ni Carolyn
"Mabuhay!" Sigaw rin namin
Tapos ayun nag-party party na kami. Actually ilang minuto lang din ang pakikisama nila Danna at Ethan dahil nga aalis sila for their honeymoon.
~~~~~~~
Pasensya na kong Sabaw ang Update ko :( Nga pala Maraming-maraming salamat sa patuloy na pagbabasa niyo at sa pag-aantay ng Update ko kahit matagal hehe hope nagustuhan niyo. And yung Story ng Ethanica ay Tapos na po. Yung next sa story is Story na nina Athena and Xander. Hope susuportahan niyo pa din :* Bukas ulit ang Update thank you and God bless
~iKeyshia
BINABASA MO ANG
The Fight And Sacrifice
Teen FictionSchool Clash book2. Please read the School Clash first before this but if you don't want it's ok. Kapag hindi niyo kasi binasa ang Book1 may mga bagay na hindi niyo maiintindihan.