Thank you sa mga nag-patuloy sa pag-babasa ng Story na ito! Kung meron ba talaga. Thank you rin sa mga nag-comment! Sino gusto mag-pa-di-dedicate? Comment lang. Once again thank you sa patuloy na supurta. Labyou Guys!
~iKeyshia
✂--------------------------------------
Athena's Pov
Ilang araw na pala ang lumipas at hindi ko lang namalayan. Grabi pala talaga ang bilis masyado ng panahon. Nako baka bukas matanda na ako wag naman po sana
"Asan ba si Ethan?"
"Trish hindi ko alam"
Ayy oo nga pala hindi ko pa pala na-sabi sa inyo na nag-ka-bati na kami ni Trish nag-sorry naman siya kaya pinatawad ko na siya at nag-sorry rin ako sina Erika naman at Drake ay ok na rin bumalik na nga sila sa normal pero ewan ko lang kong nagkabati na ba si Drake at Ethan.
Madalas umiinom si Ethan tapos pag-uwi bugbug sirado pa. Alam ko namang nasaktan talaga ng subra si Ethan pero wala na kaming magagawa dahil ayaw niyang makinig saamin.
Siguro nga kong rin ang nasa posisyon niya mahihirapan din ako.
"Ano na naman ang iniisip mo?" Napa-balik naman ako sa realidad dahil may pumitik sa noo ko at si Xander pala iyon
"Hmm... naisip ko lang na bigyan muna natin si Ethan ng time at panahon kasi kong palagi natin siyang kukulitin im sure magagalit siya sa atin at lalaki ang issue kaya pwede ba? Hayaan na muna natin siya?" Napatigil naman ang lahat at nag-isip
"Athena is right...kailangan nating bigyan ng space si Ethan para pakalmahin ang sarili niya dahil kahit anong gawin natin hindi natin siya matutulungan kondi siya mismo ang tutulong sa sarili niya" sabat naman ni Trisha na may dala-dalang tray na puno ng pag-kain
"So ibig niyong sabihin na hindi na natin pupuntahan si Ethan?" Ani ni Erika
"Yup! Pababayaan na natin siya simula ngayon...tama na yung pangungulit natin sakanya" ani ni Van
"Kung ganun ano nalang ang gagawin natin ngayon?" Sabat naman ni Drake
"Mag-mo-movie marathon tayo and syempre hindi mawawala ang popcorn" masayang sabi ko
"Dahan-dahan sa pag-kain ng popcorn Athena dahil baka mag-mukha ka ng popcorn hahaha" natatawang saad ni Drake
"Ha-ha-ha nakakatawa"
"Oh tama na yan dahil baka kong saan pa kayo umabot" pag-awat ni Van. Himala naman tong Kotse na ito at nangingialam ngayon
"Huy Kotse i mean Van gawa kayo ng Popcorn ni Trisha tapos ikaw Erika at Drake mag-hanap kayo ng Cd para magsimula na tayo"
"Ikaw anong gagawin mo?" Nakataas ang kilay na sabi ni Erika
"Edi ano pa! Edi maghihintay kong kailanan kayo matatapos"
"Athena baka tumaba ka niyan" napatingin naman ako kay Xander
"B-bakit naman ako t-taba?"
"Dahil ang popcorn ay nakakataba...hindi mo ba nakita sa Google? Yung babae na grabi kong kumain ng Popcorn nako ngayon ang laki na ng tiyan tapos ang taba na niya" napa-lunok naman ako sa sinabi ni Xander
Totoo ba!? Sumagot kayo! Nakakataba ba ang Popcorn!?
"T-talaga?"
"Nako tama si Xander Athena meron pa nga eh yung babae mahilig din sa popcorn tapos nako subra na siyang mataba hindi na nga nakakatayo eh" sabat ni Van
Parang ang dami kong laway dahil sunod-sunod ang aking pag-lunok
"Ahmm..ahh" hindi ko alam ang sasabihin ko
P-pero totoo ba talaga? Nakaka-taba ba talaga ang Popcorn?
"Nako busog na pala ako" ani ko at humawak sa tiyan ko
Kailangan kong mag-exercise. Ayokong tumaba noh
"Hahaha" lahat sila tumawa
"Anong nakakatawa?"
"Yung mukha mo Athena haha grabi ang epic naniwala ka naman sakanila haha" natatawang sabi ni Erika habang hawak-hawak niya ang tiyan.
Si Drake naman ay gumulong-gulong na sa floor tapos si Van naman ay pa-cool efect ang pag-tawa dahil tatawa siya sabay palakpak tapos si Xander naman ay inaaper ang sahig and last si Trisha na hinahampas ang balikat ni Van habang tawa ng tawa. Kumuha ako ng Coke saka inalog at binuksan kaya ang ending paeang gripo agad ko namang tinapat sa kanilang lahat
"Hahaha para kayong basang sisiw hahaha" hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko sa kakatawa grabi naman kasi ang mukha nila nakakatawa talaga
"3 points shot"
"Bulls eye"
"Yes"
"Woaah"
"Goal"
"Ack-" napatigil ako sa kakatawa dahil nabilaukan ako
"Peste kayo! Paano kong namatay ako don ha!?" Beast mode na ako. Ikaw ba naman tumatawa tapos mag-sho-shot sila ng popcorn sa bunganga mong naka-nga-nga hindi ka kaya mabilaukan?
"Grabi ka Athena ang laki ng bunganga mo nag-kasya ang limang popcorn" tapos tumawa si Drake. Binatukan ko naman si Xander
"At talagang sumali ka pang hayop ka ah" tapos pinalo-palo ko siya
"A-aray Athena...sorry na" tapos niyakap niya ako kaya naiiyak ako ewan ko ba pero feeling ko any minute tutulo na ang luha ko. Hindi ko alam kong bakit.
"Shh tahan na sorry na" naramdaman siguro ni Ethan na tutulo ang luha ko. Bakit ba ako naiiyak nong niyakap ako ni Xander?
"Hindi naman ako umiyak gago ka talaga" at hinampas ko uli siya sa balikat. Ayokong aminin na naiiyak ako dahil baka sabihan nila akong Crybaby nako ayokong sabihan ng ganyan.
"Deny pa halata naman" tapos kiniss niya ako sa noo
"Aherm" ayan na naman sila sa fake na ubo nila. Minsan gusto natin ng esturbo sa tuwing awkward ang sitwasyon pero kong ganitong sitwasyon? Nako baka mabugbug ko
"Walang hiya talaga kayo! Bakit ba napaka-esturbo niyo?" Kunwari naiinis ako haha
"Baka kasi langgamin kami rito" baliw talaga tong trish na 'to. Baka daw langgamin sila dahil saamin ni Xander pero talbog naman kami sa ka-swetan nila ni Van
"Tse! Kayo nga diyan ni Van oh" tapos tinuro ko pa ang pwesto nila. Naka-higa kasi si Van sa lap ni Trish tapos sinuklay ni Trish ang daliri niya sa buhok ni Van
Sana sila talaga ang mag-kaka-tuluyan. They're perfect for each other. Kung titingnan mo ang relasyon nila ay parang napaka-tibay ohh- Crop the word parang dahil matibay na naman ang relasyon nila.
"Alam kong naiingit ka sakanila" tapos pinisil ni Xander ang mag-ka-bilang pisngi ko.
"Kilala mo na talaga ako noh?" Tapos hinawakan niya ang kamay ko saka hinalikan
"Talagang-talaga, alam ko kong kailan ka mag-sisinungaling at iba pa" ngumiti naman ako sakanya tapos niyakap siya. Ewan ko kong bakit ko siya niyakap. Feel ko lang at saka every time na yayakapin ko siya i feel comfortable.
"I Love you" bulong ko sakanya. Naramdaman ko namang hinalikan niya ang buhok ko
"I love you more."
Papaano nalang kaya ang buhay ko kapag wala si Xander? Kakayanin ko pa kayang mabuhay? Na wala siya sa tabi ko? I know i can't.
BINABASA MO ANG
The Fight And Sacrifice
Novela JuvenilSchool Clash book2. Please read the School Clash first before this but if you don't want it's ok. Kapag hindi niyo kasi binasa ang Book1 may mga bagay na hindi niyo maiintindihan.